Kabanata 31

62.9K 2.5K 914
                                    

Sad eyes




"Ang laki-laki na ni Bright," sabi ko habang malaki ang ngiti sa bunsong kapatid ni Rafa.

She looked at me like she couldn't believe what I just said. "'Te, kakikita mo lang d'yan last month."

Tinawanan ko na lang siya dahil totoo naman, binibiro ko lang naman 'yong baby tapos eepal 'tong ate niya.

Dito ako nakatambay ngayon sa unit ni Rafa dahil alam kong ito ang time of the month kung kailan siya dinadalaw ng family niya. Minsan lang siya dalawin ng mga ito dahil mas madalas na siya ang pumunta do'n sa naipatayo nilang bahay sa Quezon City.

"Ate Ganda, 'yong phone mo po ilaw nang ilaw." Turo ng kapatid niyang si Win.

Pinisil ko siya sa pisngi bago kinuha ang telepono.

TL Prod Head sent 13 messages.

I sighed. Ito pa rin palang production head ng The Lodge. Nakapagbukas na 'ko ng dalawang texts na sinend nila kanina at parehas lang naman iyon na tinatanong kung may oras daw ba ako ngayon.

Ang akin lang, kung importante ang kailangan nilang sabihin, siguro naman ay dederetsuhin na lang. Isa pa, ayoko na ngang bumalik do'n hangga't maaari dahil may iniiwasan ako.

Pinatay ko na lang uli iyon at piniling 'wag buksan ang mensahe. Kunwari na lang ay abala ako at hindi na napansin. Babalik na sana ako sa pangungulit sa mga bulinggit nang bigla namang mag-ring ang telepono ko para sa isang tawag.

TL Prod Head calling...

Napapikit ako nang mariin ngayong wala na akong takas. Hindi ko maiwasang isipin na siguro'y mahalagang bagay talaga ang ipararating nila.

"M-Miss Nayeli?"

"Yes po?"

"Uh, busy po ba kayo?" Pumikit ako at sasagot na sana nang bigla niya namang dinugtungan agad ang sasabihin. "Kasi po medyo may changes sa plano ng promotion." Nalaglag ang panga ko at pinakinggan ang sasabihin niya.

"B-Bale, nag-decide na po k-kami na mag-include ng brochures for wider dissemination... Kung okay lang po sana ay kailangan naming makipag-collaborate s-sa inyo para sa content."

"Ha? Ah, eh, baka wala naman akong mai-contribute do'n?" sabi ko dahil hindi rin agad nakuha kung ano mismong magiging papel ko ro'n.

"N-Naku, mayroon po for sure, Miss Nayeli! Since may experience po kayo working here, puwede n'yo pong i-share 'yon, plus, what you think makes The Lodge different. Tiyak na makatutulong po sa pag-attract sa publiko kapag may direct sentiments galing mismo sa inyo..."

Napapikit ako sa pangungumbinsi niya. Huminga muna ako nang malalim at pinaalalahanan ang sarili na ako ang nagdala nitong problema na 'to sa 'kin, kaya wala akong karapatang magreklamo.

Pumayag na lang ako at sinabing pupunta na.

"T-Talaga? Thank you, thank you!" sabi nito na parang nabunutan ng tinik sa dibdib.

Malungkot akong nagpaalam kina Rafa.

Halos hindi ko na namamalayan na matagal ang biyahe dahil sa kakapabalik-balik ko sa isla.

'Yong production head na mismo ang sumalubong sa akin at hindi ko maintindihan kung bakit kailangang sa opisina pa ni Colton kami gumawa.

Nang magsimula ay umupo si Colton kasama namin at tumulong sa paggawa. Ang production head ay nagle-layout ng magiging design ng brochure. Ako naman ay halos hindi makapag-isip nang maayos kung ano'ng puwedeng sabihin na makapagpapahalina sa mga makababasa.

Grow with the Flow (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon