Kabanata 35

68.5K 2.9K 822
                                    

Always




"Tawang-tawa 'ko sa conspiracy theories nila. May nabasa 'kong isa na before ka pa raw sumikat ay girlfriend na kita, tapos itinatago ko lang. Ten years na raw talaga tayong in a relationship," sabi ni Kaiden habang humahalakhak.

I laughed so hard with him as we went through the fan accounts.

We are currently waiting for our time to continue shooting. Since inaayos pa ang set ay nasa dressing room kami at nakaupo sa magkadikit naming foldable chairs. Lagi naman kaming binibigyan ng bukod na dressing rooms, pero madalas ay pumupunta lang din ang isa sa 'min do'n sa isa para makipagkuwentuhan.

Ito ang hobby namin 'pagwalang magawa. Ang mag-browse sa posts ng fansclub at basahin ang mga nakalagay ro'n. Hindi namin maiwasang mag-cringe sa iba pero mas madalas talaga ay tawa lang kami nang tawa.

"Ito, ito, tingnan mo..." Turo niya sa phone niya kaya inilapit ko ang mukha roon, halos magkadikit na ang mukha namin habang tinitingnan iyon.

"Ang galing lang, sa'n nila nakukuha 'yang ganyang shots? Minsan din talaga, kinikilabutan na 'ko sa skills nila, eh," tukoy niya sa stolen pictures namin na behind-the-scene.

Sa mga litratong iyon ay panay lang ang pagtatawanan namin habang nagkukuwentuhan. Base sa suot kong damit sa pictures ay recently lang ito. Iyon 'yong inire-reenact niya sa harap ko ang pinanood na anime.

Sasagot sana 'ko at sasang-ayon sa sinabi niya nang may tumawag sa akin.

"Nari," boses iyon ni Rafa kaya't napabaling ako sa may pinto.

My lips parted when I saw Colton behind her on the door. He was holding a paper bag and his face was pleasant as he stared at me.

Bigla akong na-concious sa pagkakalapit namin ni Kaiden kaya't agad akong lumayo at napatayo.

Pinatuloy ni Rafa si Colton sa silid bago niya 'ko tinaasan ng kilay at 'di nagtagal ay iniwan kami. Si Kaiden ay agad din naman akong sinenyasan na babalik na sa dressing room niya. Halos gusto ko pa siyang hampasin nang makita ang nang-aasar na ekspresyon bago lumabas.

"I'm sorry... nakakaabala ba 'ko?" Colton said while slightly scratching his nape.

Umiling naman ako agad. "No, w-were just killing some time while waiting." I didn't even know why I was stuttering.

He slowly nodded.

Matapos ang nangyari no'ng nakaraan ay regular na ulit ang pagte-text niya sa akin. Nag-aalok siyang ihatid ako sa mga pupuntahan pero tumanggi ako dahil kasama kong pumupunta si Rafa sa mga appointments. Ngunit nang magtanong siya kung puwedeng sunduin ako ay hindi ko alam kung bakit pumayag ako, gayong puwede namang sabay na lang ulit kami ni Rafa.

"Ano 'yan?" tanong ko na lang nang maalala na may dala siya.

"Oh, this..." he muttered as his eyes also darted to the paper bag. "I bought food for you."

Muling bumalik sa 'kin ang tingin niya. This time, with a warm smile.

"Nawala nga lang sa isip ko ang mga production staff, so this one's just enough for you...but next time, I'll make sure to bring as much for everybody."

Next time. May next time.

"Uh, ayos lang...palagi namang may provided food for the whole crew," I said and led him to the table so we could bring out the food.

I made him sit beside me too. My jaw slowly dropped while opening the lunch boxes.

"You...you made this?" tanong ko habang hindi maisara ang labi.

Grow with the Flow (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon