Kabanata 38

61.2K 2.4K 122
                                    

Addicting




Sunod-sunod ang pagpalis ko sa mga luhang umaagos.


Walang hikbi na lumalabas sa bibig ko ngunit tila awtomatiko ang pagbagsak ng bawat patak ng luha ko.


Ilang beses ko pang sinubukang tawagan si Colton gamit ang nanginginig kong kamay subalit nakumpirmang nakapatay talaga ang telepono niya. Mabilis na pumasok sa isip kong hanapin na lang siya.


I don't have my car with me so I hastily tried to book for a cab. Napamura ako nang makitang lagpas isang oras pa bago makarating ang pinakamalapit.


Napatitig ako sa icon ng Angkas sa screen ko. Matagal na itong naka-install sa telepono ko pero hindi pa kailanman nasubukan dahil ayaw ni Rafa. Delikado raw. Kapag daw sumemplang o naaksidente ay magkakapeklat pa ako.


Bumuga ako nang malalim na paghinga bago pinunasan ang panibagong luhang tumulo at pinindot ang app. Halos mapapikit ako sa ginhawa nang makitang papunta na agad ang rider. Nakita ko pa ang gulat sa mukha nito nang tila makilala ako pagdating niya.


Naging ligtas at napakabilis naman ng byahe. Hindi kami naipit sa anumang traffic. Buti na lang talaga ay hinatid ko na nang isang beses si Colton sa tirahan niya dito sa Maynila kaya't hindi ko na kailangan ipagtanong pa.


Habang nasa elevator ay mabilis ang kabog ng dibdib ko.


Alam kong maaaring wala siya sa unit niya. Malaki ang posibilidad na piliin niyang pumunta sa lugar na hindi siya mapag-iisa matapos ang nakita. Subalit desidido akong mag-abang at hintayin siya kung kinakailangan.


Pagdating sa harap ng pinto niya ay sinubukan ko pa rin kumatok kahit iniisip nang wala sya roon. Kaya't laking gulat ko nang bumukas ito maya-maya at sumalubong sakin ang topless na si Colton habang suot pa rin ang pambaba mula kanina.


Bakas din sa kaniya ang rumehistrong gulat ngunit nang makabawi ay lumambot ang ekspresyon.


Akmang may sasabihin siya nang may residenteng dumaan sa hallway kaya't tinutop niya muna ang bibig at marahang giniya ako papasok bago sinara ang pinto.


"Nayeli, why are you here?"


Kalmado ang pagkakasabi niya noon ngunit parang may kumurot sa puso ko nang tawagin niya ko sa pangalan imbes na...


"Colton I'm sorry-" a sob suddenly escaped from my lips.


Concern instantly flashed in his eyes.


"Sshh.." he gently cupped my right cheek.


He heaved a light breath.


"Baby.. if this is because of what I saw earlier, then you don't have to be sorry.." halos makita kong bumaba ang mga anghel sa langit nang marinig ang malambing na tawag niya sakin.


Grow with the Flow (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon