Kabanata 39

63K 2.5K 228
                                    

Yabang




"So final na? Wala na raw talaga?" tanong ko nang makitang binaba na ni Rafa ang telepono.


"Yup," sabi niya saka tumabi sakin sa sofa.


Kagabi lang ay ginanap ang victory party namin para sa successful overall wrap up ng movie shoot. Last last week pa naman nag-end ang taping pero kagabi lang naging libre ang lahat para sa selebrasyon. Nailabas na rin ang parehong teaser at trailer ng pelikula.


Dahil sa holy week natapat ay napag-usapan na baka hindi magkaroon ng premiere night bago ang ganap na showing nito sa makalawa. Ngayon-ngayon lang ay tumawag ang management kay Rafa para kumpirmahin ito.


Sinundot ko sa tagiliran si Rafa. "Pano yan Raf, wala kang free pass para mapanood ang movie ko." I teased her.


Pag-may premiere night kasi ay automatic na libreng nakakapanood ang casts kasama ang ilang staff pati na managers.


"Okay lang, sino bang nagsabing gusto kong panoorin yun." walang hiyang pambabara ni Rafa.


Pinanlakihan ko siya ng mata.


"Wala ka talagang kwentang kaibigan," sabi ko at aktong re-wrestlingin siya.


Takot na umiwas siya,


"Joke lang may nag-aya na sakin manood," mabilis niyang sabi bago ko pa siya madaganan.


Nalaglag ang panga ko.


"Sino?" siningkitan ko siya ng mata, "Si Kalix?"


Rafaella Laurene freaking fixed her glasses. Can you believe it?! She just freakin did and looked away before getting up.


"Hoy, hoy. San ka pupunta? Hindi pa tayo tapos." habol ko sa kaniya.


Rafa sure is very blunt and direct to the point. Hindi siya mahilig magsinungaling. Kaya't kapag umiwas siya, ang ibig sabihin lang noon ay may hindi pa siya kayang sabihin.


Hanggang sa pagdating tuloy ni Colton para tumambay sa condo ko ay naiisip ko pa rin ang kaibigan.


"What are you up to for tomorrow?" he asked while we're lying next to each other.


I thought for a while. "Hmm, nothing much since we're done with the movie."


Napalayo siya saglit para tignan ang mukha ko.


"Really? When will it be showing?"


"The day after tomorrow. We won't have a premiere night so.." I just shrugged.


He paused for a while.


"Let's watch it together." biglang sabi niya.


Now it's my turn to look at him.


"Let's see it." ulit niya pa.


I arched a brow at him. "You wanna watch it together?"


He looked back at me.


"Yeah, why not? Watching a movie with the female lead by your side is like every fan boy's dream,"


I laughed at how raw he is.


"You sure?" I asked.


Grow with the Flow (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon