Kabanata 40

63.6K 2.4K 610
                                    

Make out




"How did you know Danelle?"


Kasalukuyan akong nakaupo sa high stool ng kitchen counter sa condo ni Colton habang pinapanood siyang magluto.


Ayaw niya naman akong patulungin kaya't kinakausap ko na lang siya nang kinakausap. Bigla ding pumasok sa isip ko si Danelle at naging kyuryoso sa kung anong namamagitan sa kanila.


"Family friend," simpleng saad niya.


Napataas nang bahagya ang kilay ko.


"So you guys kiss your family friends on the cheek, huh." I failed to hide the bitterness in my tone.


Napatingin siya sa akin at lumukot ang mukha.


"I'm sorry.. She does that to everybody, even with Perj and Kalix. Don't worry I won't let her do that to me again."


Aba dapat lang! Halos mapasinghal ako ngunit pinigilan ang sarili.


Kalmadong tumango-tango na lang ako kunwari. "Madalas kayong lumabas nang kayo lang dalawa?"


"Not really. She kept bugging me when I came back from the states though." he stated nonchalantly.


"Eh yung kasama yung parents nyong dalawa, napadalas din ba?" I asked when I remembered the photo of them with both of their families.


I don't even know where I am heading.


That made him stop him from what he's doing.


He sighed.


"Actually.. she had this crazy crush on me when we were kids and when she found out after I came back that I'm still single, she told her parents to ask me if we can get married,"


Nagparte ang labi ko.


He leaned over the counter, his muscles are flexing. "Of course I said no,"


He hovered his head closer until it's an inch away from mine.


"There's no one else I want to marry but you."


I stiffened when I felt his soft lips giving me a swift kiss.


He retained the one inch distance of our face and gave me a sweet smile before standing straight. Kumapit pa ang ngiti sa labi niya nang magpatuloy na siya sa ginagawa.


Mula umpisa man ay naging bukas na siya sa pagde-deklara ng nararamdaman sa akin ngunit ang marinig mismo sa kaniya na nais niyang humantong ang kung anong meron kami sa simbahan ay may ibang epekto pa rin.


Matapos ang usapang iyon ay hindi na ako halos makaimik. Nakikita ko ang madalas na pagsilip niya sakin na sinusundan ng sumisilay na ngiti. Hindi ko alam kung bakit umiinit ang pisngi ko dahil doon.

Grow with the Flow (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon