Part 1

5K 69 3
                                    

By Michael Juha

getmybox@hotmail.com 

fb: Michael Juha Full

------------------------------------

"Single since birth; virgin 'til death". Iyan ang nag-iisang rule ko sa sarili pagdating sa usapin ng pag-ibig. At isinulat ko pa ito sa aking mga notebook upang palagi ko talagang tandaan

First year lang ako sa unibersidad na iyon. Bagong-salta. Walang kaibigan, walang alam sa mga pasikot-sikot at kaganapan sa campus. At para sa katulad kong mahiyain, may mababang self-esteem, introvert, napakahirap magkaroon ng kaibigan.

Si Mateo, third year college ng Engineering, isang anak-mayaman at sikat sa na estudyante sa aming unibersidad. Paano, varsity player na nga ng basketball, matalino, matangkad, at guwapo. Kung kaya ay ganoon na lamang siya kasikat. Kadalasan naririnig ko ang pangalan niya sa usap-usapan ng mga ka-klase. Sa mga babae, ang kapogian niya, lalo na ang sinasabi nilang killer smile. Sa mga lalaki naman, ang laro nila o di kaya ay mga babaeng na-link sa kanya. At mabait daw pati. Palakaibigan, playful. Kung kaya hinahanggan siya, iniidolo, tinitilian ng kababaihan at kabaklaan sa loob at labas ng campus.

Ngunit may narinig din akong hindi kagandahang tsismis tungkol kay Mateo: spoiled brat, playboy, walang puso, sadista, manhid sa naramdaman ng mga babae at baklang naloko sa kanya, walang taong siniseryoso sa pag-ibig. Iyan ang ibang naririnig ko. Pero, naisip ko rin na ganyan naman talaga ang tao. Sabi nga nila, you can't please everyone. At maaari ring dahil sikat iyong tao, may mga nainggit, o baka may mga nagkaroon ng crush at hindi napagbigyan.

Pero sa totoo lang, wala akong pakialam kung guawapo na mabait man siya o guwapo na salbahe. Hindi naman kasi ako interesado sa mga ganoong klaseng tao. Kapag ang isang tao ay guwapo, sikat, siguradong pinipilahan iyan ng mga taong may mga hitsura din, o kaya ay mayayaman at matatalino. Sigurado, walang panahon ang mga iyan sa kagaya ko. At kapag ganoong makipagpilahan pa ako para mapansin, magiging kaawa-awa lang ako. At lalo pa itong magpatindi sa aking insecurity at self-pity. At kung totoong salbahe pa iyong tao, parang galing lang ako sa frying at tumalon sa apoy sa kalagayan kong pangit na nga, nakisawsaw pa sa gulo.

Totoo rin naman kasi. Sa panahon ngayon, kadalasan, ang hinahanap ng mga tao ay guwapo, may magandang katawan. Para bang ang pagmamahal ay isang search lang ng Mr. or Miss Bikini. Kahit naman sa facebook, tingnan mo iyong may mga profile picture na nakahubad at maganda ang katawan, kahit impostor pa, napakaraming naga-add, umaabot ng libu-libo. Samantalang iyong may mga matitinong posts, kapag hindi kaguwapuhan yung profile ng taong honest lang naman na nagpost ng tunay niyang litrato, mabibilang mo lamang sa daliri ang kaibigan sa kanyang friend list. Kaya kahit saan, kahit kailan, talo ang mga taong hindi nabibiyayaan ng magandang hitsura. Lalo na sa kagaya kong mukhang "aswang". Ang dami ko na kayang narinig na masasakit na pasaring. E, di lalo na kapag umibig pa ako niyan sa isang taong katulad sa sinasabi nilang "Mateo".

"Single since birth; virgin 'til death. Tandaan..." ang palagi kong sasabihin sa aking sarili kapag ganoong may mga tuksong sumisingit sa aking isip. Iyon bang feeling nagkakaroon na ako ng crush, iyan ang isiksik ko sa aking isip.

Ngunit marahil ay sadyang mapaglaro ang tadhana. Isang gabing pauwi na ako galing sa aking last subject, nakatawag-pansin sa akin ang hiyawan at tilian ng mga estudyante sa loob ng gym. Naalala kong fund-raising activity pala iyon ng Fine Arts students at inimbitahan nilang rumampa ang mga tinatawag nilang "papable" ng campus.

Sa aking pagka-curious na makita kung ano ang tinitilian ng mga estudyante, sumilip ako sa isang guwang ng bahagyang nakabukas na pinto ng gym. May bayad kasi ang pagpasok kung kaya nagkasya na lang ako sa pagsilip.

SumpaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon