Part 10

1.4K 40 18
                                    

By Michael Juha

getmybox@hotmail.com

fb: Michael Juha Full

------------------------------------

Iyon ang simula ng aming relasyon. At iyon ang isa sa pinakamasayang araw sa tanang buhay ko. Noong nakabalik na ako sa bahay, mistulang nagdedeliryo pa rin ang utak ko. Hinihipo-hipo ko pa ang aking pisngi, ninamnam sa aking daliri ang tamis ng halik ni Mateo.

Dali-dali kong kinuha ang aking notebook sa ibabaw ng mesa. Binuklat iyon atsaka binura ang nakasulat na rule ko para sa aking isip, pinalitan ito ng, "Single since birth; not anymore..."

Tila wala na talaga akong mahihiling pa sa buhay. Nasabi ko sa aking sariling, ang sarap palang mabuhay sa kabila ng lahat. Kasi may isang matalik na kaibigan ako, may guwapo at mabait na kasintahan, may inay na siyang gumabagabay, sumusuporta, at nagmamahal...

Akala ko ay tuloy-tuloy na ang lahat. Ngunit sa sumunod na mga araw, nakita ko ang biglang pagbabago ni Mateo. Hindi na niya ako pinansin at kapag nilapitan ko siya, kusa siyang umaalis. Kung magkasalubong man kami, lumilihis siya ng daan.

Hindi na rin siya sumasagot sa mga texts ko. Noong sinubukan kong i-dial ang kanyang numero, out of reach na ito. Ilang beses ko pang dinayal ang number niya. Ngunit out of reach pa rin. Ang duda ko ay pinalitan na niya ang kanyang sim card. At pati ang fb account niya, blocked ako.

Sobra akong nagtaka sa mga pangyayari. Nalungkot at nagtatanong. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ang kanyang pagbabago. Litong-lito ang isip ko. Ngunit inisisp ko na lang na baka may problema siya na hindi lang niya masabi sa akin. Hindi ko ininda na obvious na obvious na iniiwasan na niya ako. Siguro, sobra ko lang siyang inibig kung kaya ay nagkunwari pa rin ako sa aking isip na kami pa rin; na mahal pa rin ako noong tao. Kung ikaw naman kasi ang nasa isang relasyon, hanggang walang klarong closure o explanation, hindi pa rin kayo technically na hiwalay. At isa pa, sa kalagayan ko, alam kong wala nang taong kagaya ni Mateo ang maiinlove pa sa akin. Siguro ay hindi rin ako masisisi. Parang kapit-tuko na lang ako. Kaya parang isang tao lang akong may tama sa pag-iisip at detached sa katotohanan na wala na siya.

Isang gabi na napadaan ako sa likod ng eskuwelahan kung saan naroon ang botanical garden. Gusto ko kasi sanang mag-aral at dahil kadalasan namang walang tao ang lugar na iyon, doon ko naisipang magtungo. Ngunit may isang grupo pala ng kalalakihang nag-umpukan. Noong inaninag ko kung sinu-sino sila, nakita kong naroon pala si Mateo kasama sa umpukan. Sinady kong maupo sa di kalayuan nila. Hindi nila ako napansin. Sinadya kong magtago dahil alam kong aalis si Mateo kapag nakita niya ako.

"Tol... malapit ka nang magiging brod namin! Final ritual na lang, formality at ma-accept ka na sa makalawa." ang narinig kong tanong ng isa. Sa tono ng kanilang pananalita, napag-isip kong mga miyembro sila ng isang fraternity. Hindi ko lang alam kung ang fraternity nila ay iyong notorious at secretive na na fraternity sa campus kung saan ang mga myembro raw ay may tinatawag na code of secrecy at may kakaibang pamamaraan sa pag-initiate. Ang grupo ding iyon ang pinaghihinalaang siyang dahilan sa pagkawala ng iilang mga estudyante, at front ng isang sindikato ng droga.

"Oo nga tol. Mukhang hindi ka nahirapan sa mission mo ah! Mukhang in love na in love na sa iyo ang alien ng campus! Ang tindi talaga ng magiging bro namin. Ang galing gumawa ng diskarte!"

Tawanan.

"Kumusta naman si Anneth? Hindi naman nagselos na may karibal pala siya sa puso mo na isang baklang alien?" dugtong ng isa.

Tawanan uli.

Iyon ang narinig ko. Ngunit doon ako nasaktan sa pagpaparinig na in love na in love daw sa kanya ang alien ng campus. Alam ko kung sino ang tinutukoy nila. Ako. Maraming beses ko na kasing narinig na tinawag akong alien ng ibang tao dahil sa aking hitsura.

Kaya hindi ako nakatiis at nilapitan ko ang grupo nila.

Tila nakakita naman sila ng maligno sa bigla kong pagsulpot sa kanilang harapan.

"Mateo... puwede ba tayong mag-usap?" ang sambit ko ang boses ay may bahid na galit.

Tiningnan niya ang kanyang mga kasama na sa pagtatanong niya ay nagbitiw ng mga ngiting nakakaloka. "O, e... sige." ang sagot niya sabay tayo. At baling sa mga kasama niya, "Mga tol! mag CR lang kami ha?" ang pabiro namang sabi niya sa kanila habang inilingkis ang isa niyang bisig sa aking beywang.

"Mag CR daw o...!" ang bulong pa ng isa.

Tawanan ang grupo.

At tinumbok nga namin ang CR ng botanical garden. Dahil walang katao-tao sa loob ng CR noong nakapasok na kami sa may wash area.

"Narinig ko ang lahat. Isa lang pala akong misyon." ang sambit ko kaagad sa kanya.

"M-mag-eplain ako..."

"No need. Klarong-klaro sa aking pandinig na pinaglaruan mo lang ako. Sinunglaing ka! Sinungaling ka! Ayoko na! Ayoko naaaa! " ang sigaw ko habang nagtatakbong palayo tinumbok ang kabilang daan na malayo sa grupo nila.

"Donis wait!!!" sigaw niya.

Ngunit hindi ko na siya pinansin pa. Patuloy lang akong nagtatakbo, binaybay ang daan patungo sa boarding house. At sa sobrang sama ng aking loob, hindi ko na naisipan pang sumakay ng tricycle. At habang naglalakad ako, walang humpay ang pagdaloy ng aking mga luha.

Noong nasa boarding house na ako, nagkulong ako sa aking kuwarto at nag-iiyak, sinisisi ang sarili, "Ito na ang sinasabi ko. Bakit pa kasi ako naniniwala! Tanginaaaaaa!!!"

Sunod-sunod naman ang text sa aking cell phone. Tiningnan ko kung galing kanino. Kay Mateo. Ginamit na naman niya ang lumang cp niya.

Hindi ko na ito binabasa pa. Patuloy lang ako sa aking pag-iyak.

Maya-maya, sunod-sunod naman ang ring. Tiningnan ko uli kung saan galing. Kay Mateo uli. Ang ginawa ko, pinatay ko na lang ang aking cp.

Nasa ganoon akong pag-iiyak at pagkahabag sa sarili noong may kumatok sa pintuan. "Adonis! Adonis!" ang narinig kong boses ng aming land lady na tila nagmamadali. Mistulang hinahabol.

Dali-dali kong pinahid ang aking mga luha at sipon at pinilit na inayos ang sarili upang hindi mahalatang nag-iiyak ako. "B-bakit po?"

"Buksan mo ang cp mo, may emergency call ka! Dito bumagsak sa landline natin. Buksan mo ang cp mo para makausap ka ng tumawag!"

"A-alam ko na po iyon, ate! At sinadya ko po talagang patayin ang cp ko! Nakukulitna na po ako eh!" ang sagot ko na lang.

"Ano ba iyang pinagsasabi mo? Nagsinungaling ba iyong tumawag sa akin? Nasa ospital daw ang inay mo at naghihingalo! Aling Nita ang pangalang noong tumawag, kapitbahay niyo raw siya, kumare ng inay mo at ninang mo!"

Bigla rin akong napabalikwas at hinablot ang aking cp, binuksan ito. "S-sige po! Bubuksan ko na!"

Pagbukas na pagbukas ko ng cp, nag-ring agad ito at numero ni Mateo ang nakaregister. "Hello, Donis, please kausapin mo naman ako. Hayaan mo namang magpaliwanag ako." ang sambit ni Mateo.

"Huwag ka ngang tumawag! Nasa ospital ang inay hindi makapasok ang tawag nila dahil sa pagharang ng mga tawag mo!" sagot ko sabay patay sa linya niya.

Hindi na siya tumawag. At maya-maya lang ay nagring uli, nakaregister ang numerong hindi ko kilala. Sinagot ko ito. "Hello!"

"Adonis? Ikaw ba ito?" sambit ng boses sa kabilang linya.

"Opo. Ninang?"

"OoAdonis. Ako ito. May masamang balita ako sa iyo. Ang inay mo, nandito saospital sa ating lungsod. Na-stroke. Hindi na makapagsalita ngunit sa pilitniyang pagbubuka ng kanyang bibig ay parang pangalan mo ang binibigkas! Sana aymakauwi ka, baka sakaling maabutan mo pa siyang buhay. Ang sabi ng mga duktordito ay delikado na raw ang kanyang kalagayan."

(Itutuloy)


SumpaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon