Chapter 20

10.5K 224 3
                                    

FLAMES SERIES 1

THE FANCY BRIDE

"FARAH"

By:EMMZ

Chapter 20

Dumating ang party para sa pagdaraos ng anibersaryo ng mga magulang ni Farah at lahat ng kasamahan sa politika ng kanyang papa ay dumalo at mahing ang mga magulang ni Matt at nagulat pa ang mg ito ng makita nila si Frieda...

"Iha andito pala ang ate mo kailan pa ba siya rito?... ani donya Nenita kay Fara habang kumukuha sila ng pagkain sa may buffet table...

"Kagabi lang po siya dumating mommy'.... sagot ni Farah sa biyenan nito saka napasulyap sa kinaroroonan ng kanyang ate Frieda na noon ay nakatingin sa kanya ng matalim...

Andoon na naman ang kaba na nararamdaman ni Farah sa tuwing nakikita niyang nakatingin ng matalim ang kanyang ate Frieda sa kanya kaya ibinaling na lang niya ang kanyang paningin sa ibang direksiyon at maya maya pa'y natagpuan ng kanyang mga mata si Matt na kaumpukan niya ang mga bisita ng kanyang papa na mga kalalakihan at parang mapapasabak ang kanyang asawa sa inuman at ng magtama ang kanilang paningin ay nginitian siya ng kanyang asawa at isininyas ang hawak niyang kopita na may lamang alak at nakuha naman ni Farah ang ibig sabihin ni Matt kaya ngumiti na lang ito ngunit maya maya ay tumayo si Matt sa umpukan ng kanyang mga kasama at lumapit sa kanila ng kanyang biyenan...

"Oh asawa ko bakit mo iniwan ang mga kasama mo roon nakakahiya naman sa kanila!... saad ni Farah kay Matt...

"Namiss kita eh!...,biro ni Matt kay Farah saka hinalikan nito ng sandali lang sa labi..."Mommy ikaw muna bahala kay Farah kasi napasubo ako sa mga bisita ni papa nakakahiya namang tanggihan ko sila o kaya magpahinga ka nalang sa kwarto asawa ko para hindi ka mapagod sa katatayo rito"... muling saad ni Matt sa asawa niyang si Farah at sa mommy nito...

"Ok lang ako rito asawa ko andito naman si mommy eh at maya maya lang ay aakyat na ako para makapagpahinga...sagot naman ni Farah sa asawa na namumula na sa tama ng alak...

"Oo nga naman iho wag kang mag alala dahil andito naman ako at wag ka masyadong maglalasing dahil buntis pa naman yang asawa mo"... turan ng ginang kay Matt...

"I know po mommy at minsan lang naman ito eh!.. Sige asawa ko babalik na ako sa kinaroroonan nila at nakatingin na sila rito"... nakangiting wika ni Matt kay Farah at muli niyang ginawaran ng halik sa labi ng kanyang asawa...

Sa kabilang sulok ng mansyon ay halos ngitngit na ngitngit si Frieda sa nakikitang lambingan ng dalawang mag asawa tuloy nakaramdam siya ng inggit sa nakikitang paglalambing ni Matt kay Farah kaya mas lalo pang nadagdagan ang galit sa kanyang puso ng mga sandaling iyon dahil samantalang siya ay hindi matanggap ni Garry ang kanyang pagbubuntis...

"Hindi man ako naging matagumpay sa pag ibig ngunit magiging matagumpay ako sa pagsira ng inyong pagsasama at sisiguraduhin kong tuluyan kayong maghihiwalay para patas na tayo Farah pareho tayong magiging miserable ang buhay dahil hindi ko hahayaang maging masaya ka samantalang ako ay nagdurusa sa pag ibig na aking pinili..... ani Frieda sa sarili habang parang apoy sa galit ang mga mata nitong nakatunghay sa mag asawa.....

Nang muling bumalik si Matt sa grupo ng mga kalalakihang bisita ng biyenan niyang si gobernador Manuel ay ilang sandali pa ay sinabihan na ni donya Nenita ang manugang na umakyat nalang sa kwarto dahil kailangan na niyang magpahinga at medyo malalim na rin ang gabi kaya't isinenyas nalang niya kay Matt na aakyat na siya at tumango naman ito kay Farah kaya naman tumalima na agad si Farah para tumungo sa kanilang kwarto at ng makarating ay saka naligo at pinatuyo ang buhok sa pamamagitan ng blower at nahiga sa kama hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na pala siya...

Flames Series 1...THE FANCY BRIDE..."FARAH"...by...emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon