Chapter 22

9.6K 201 3
                                    

FLAMES SERIES1

THE FANCY BRIDE

"FARAH"

BY:EMMZ

CHAPTER 22...

"Oh Diyos ko bakit nangyari ito sa amin!?.,, bakit kailangang mawala ang aming magiging anak oh Panginoon ko hu hu hu kaysakit naman ng birong Mong ito..kaytagal kong hinihintay at halos binibilang ko ang araw para sa buwan ng kanyang paglabas tapos ngayon mawawala lang siya ng hindi ko man lang nayayakap at nahahagkan para ipadama ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal!....lumuluhang samo ni Matt kasabay ng pagyogyog ng kanyang balikat....

"Anak talaga sigurong hindi para sa inyo ang baby ninyo dahil kahit anong pag iingat ang gawin mo sa mag ina mo kung talagang kukunin ng Panginoon ay wala tayong magagawa kaya tatagan na lang ninyo ang inyong kalooban at pwede pa naman kayong magkaanak....pang aalo ni donya Nenita sa kanyang anak..

"Mommy ang sakit sakit eh parang hindi ko kayang tanggapin ang bigat ng aking dibdib sa nangyaring ito sa aking mag ina..,kasalanan ko ang lahat napabayaan ko ang mag ina ko kaya nangyari ito sa kanila at nawala ang baby namin!....sisi ni Matt sa sarili habang sabunot ang kanyang buhok na nakayukyok sa isang sulok na parang pulubi...

"Matt iho wag mong sisihin ang iyong sarili dahil walang sinumang may gusto ng nangyari at lalong hindi mo ito kasalanan"...saad ni Manuel sa kanyang manugang...

"Siyanga naman iho tama ang iyong mommy at si balaeng Manuel,..magkakaanak pa naman kayo kaya ipagdasal nalang ninyo ang katahimikan ng kaluluwa ng inyong anak na sana ay maging maganda ang kanyang patutunguhan sa piling ng ating POONG MAYKAPAL...wika naman ni don Lucio..

"Ang babaeng iyon ang dahilan ng lahat kung bakit nangyari ito sa aming mag asawa kung hindi sana sa ginawa niyang iyon sa akin ay hindi sana nahulog sa hagdan si Farah at hindi sana nawala sa amin ang aming baby dapat niyang pagbayaran ang lahat ng ito!,..humanda siya at magtutuos kami!,..gigil na saad ni Matt at akma sanang tatayo ngunit mabilis na pinigilan ni donya Nenita ang kanyang anak...

"Anak wag mong idaan sa init ng ulo ang nangyaring ito sa anak mo bahala na ang Diyos kung ano ang nararapat na parusa para sa kanya at siguro ay may dahilan ang PANGINOON sa nangyaring ito sa mag ina mo kaya wag kang padalos dalos anak isipin mo ang asawa mo at kailangan ka niya ngayon!...turan ni donya Nenita sa anak saka niyakap ito upang aluin sa kalungkutang nakikita nito sa hitsura ng anak...

....

Ilang oras din ang nakalipas ng mailipat na si Farah sa kanyang kwarto mula sa ICU...at nagising siya sa matinding kirot na parang nagmumula sa kanyang pwerta kaya naman agad siyang napabangon ng maalala nito ang pagkahulog nito sa hagdan at ng mapatingin siya sa paligid ay nasa ospital pala siya at naroroon lahat ang kanyang mga biyenan at ang kanyang ama at si Matt...

"Kumusta ang baby ko?...alanganing tanong ni Farah sa lahat at nagpalipat lipat ang tingin niya sa mga kasama niya sa loob at saka minasdan nito ang namumulang mga mata ni Matt na medyo maga pa ito at halatang galing sa pag iyak....

"Farah!,..asawa ko",..bagkus ay sagot ni Matt saka hinawakan nito ang kamay ni Farah saka hinagkan ngunit iwinaksi ni Farah ang kamay ni Matt saka muling nagsalita...

'Kumusta ang baby ko sabihin ninyo sa akin kung anong nangyari sa baby ko ng mahulog ako sa hagdan!?...pasigaw na tanong ni Farah na ikinaluha ni Matt kaya naman kinabahan siya sa hitsura ni Matt dahil nakalarawan sa mukha nito ang labis na pagkadismaya at kalungkutan..

"Asawa ko im so sorry hindi nakaligtas ang baby natin!,..wala na nag baby natin,..iniwan na niya tayo ng magiging anak natin"...humihikbing saad ni Matt kay Farah na noon ay biglang bumalong ang luha nito...

Flames Series 1...THE FANCY BRIDE..."FARAH"...by...emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon