*flashback continuation*
Hindi ko mapigilang mapangiti habang pa kanta-kantang nagpapaganda sa salamin ng kwarto ko.
"Enebe?! Weg me nge ekeng heweken!" Pagsasalita ko ng mag-isa.
"hihi--"
"You look pretty. Going somewhere?" Napatalon ako sa gulat ng may magsalita mula sa likod ko.
"Ate naman ih! Wag ka ngang nanggugulat dyan." Saad ko habang hawak-hawak ang dibdib.
"I'm sorry. San ba kasi ang ganap mo. Nagpaalam ka na ba kila dad?" Natatawa niyang giit.
"Yes namern ate pinayagan ako. Ewan ko kay Kenjie inaya lang niya ako ih hihihi." Sagot ko habang nagpipigil ng kilig.
Napansin ko namang bigla siyang natahimik at nag iba ang timpla ng mukha.
"Okay ka lang ate?" Nag-aalala kong tanong.
"Ah yeah. Ang close niyo na talaga. Take care. Matutulog na ako." Anas niya at umalis.
Nag-aadik ba tong ate ko? Bago pa nga lang nag 6pm at hindi pa kami nagdidinner dash. Hays. Whatever men.
Dinala ako ni hapon sa isang mamahaling restaurant na walang ibang kumakain kundi kami lang.
"Ahm kenjie."
"Yes Eliza?"
"Nakakahiya naman dito. Parang hindi naman ako bagay sa mga ganitong lugar atsaka bakit tayo lang ata ang nandito?" Nahihiyang saad ko.
"Pinaclose ko para ma solo sana natin dito. I'm sorry I thought you'd like it. I mean your sister loves this place."
"Hindi okay lang. Hindi lang talaga ako sanay sa ganito."
"Let's go then. Dalhin mo ako sa lugar na gusto mo." Nakangiti niyang saad dahilan ng pag wala ng mata niya.
"Tara! May alam ako." Saad ko at hinila siya palabas.
Dinala ko siya sa mga nag bebenta ng street foods.
"Tig lima nga po neto." Saad ko at tinuro lahat ng binebenta niya.
"What is this?" Nagtatakang saad ni Kenjie.
Hindi ko siya sinagot kundi hinila ko siya sa pinakamalapit na park at umupo kami sa swing.
"Eto oh tikman mo." Saad ko at binigyan siya ng isaw.
Inamoy niya muna ito bago tinikman. Nakita ko namang sarap na sarap siya sa isaw hanggang naka lima na siya ng kain.
"Wow that was so delicious. Anong tawag dun?" Tanong niya.
Seriousness? Hindi niya alam yun? Mga laking mayaman nga naman.
"Isaw yun." Sagot ko habang lumalamon ng kwek-kwek.
"You mean intestine?!" Histerikal niyang tanong.
"Yup." Sagot ko habang lumalamon ng limang kwek-kwek.
"Yuck!" Saad niya at umaktong masusuka.
