Season 1: Episode 15

8.4K 743 307
                                    

Sipa. Suntok. Mura. 'Yan ang inabot noong pinto ng bus sa amin ni Kuya Nero. Pero wala pa rin talaga kaming magawa. Ni gasgas sa ginawa namin ay wala kaming makita. Naka-lock pa rin ito. Tila bang natatawa itong pinagmamasdan kaming mawalan ng pag-asa na maliligtas namin iyong mga tao sa loob ng bus.

"Nero!" Ate Athena hysterically yelled. Nasa dulo sila ng lahat ng bus habang ang mga infected ay mabagal na lumalakad papunta sa kanila.

"Tulungan niyo kami!" Ate Cheska joined her. Between her yell is the obvious sign of her about to break down at any moment.

Ngayon, nangangalahati na ang mga infected papunta sa kanila.

"Putangina . . ." Napalingon ako kay Tito Theo. At kitang-kita ko kung papaanong sa unang pagkakataon, nakita ko ang labis na takot mula sa kanyang mga mata. Ibinaling ko ang tingin doon sa tinitignan niya.

Halos mawalan talaga ako ng hininga noong makitang bumabalik na sa direksyon namin iyong tumpok ng mga zombie. Ngayon, sila ay mga nakakangangang lumalapit sa amin. Handa nang lapain kami. Handa nang gawin kaming hapunan.

"Shit!" Naaalarmang sambit ni Kuya Finn. "We need to fucking go!"

Then Kuya Nero snapped. "The fuck with you?" Nagulat ako noong nilapitan niya si Kuya Finn. Kinwelyuhan. "Tangina ka ba?! Nasa loob ng bus ang mga kaibigan natin."

Kuya Nero's voice is low. But it was dangerous. Doon pa lang ay halata nang nagpipigil siya ng galit. At natatakot ako na baka bigla na lang siyang sumabog. Kapag nangyari iyon, gulo-- gulo lang ang mangyayari. Baka hindi na nga talaga namin mailigtas iyong mga tao sa loob ng bus kapag nagpatuloy ito.

"Tangina mo rin!" My jaw tightened when Kuya Finn equaled the tension of Kuya Nero's eyes. "Anong gusto mo? Magpapatay na lang tayo sa mga putanginang zombies na 'yan dahil lang sa kanila?!" He pointed his forefinger on the bus. With an intention of mockery.

"Hindi pa ba obvious sa 'yo na mamatay na rin sila?! Na-trap sila kasama ang tatlong infected na 'yon! They were fucking enclosed there!"

Tinulak niya si Kuya Nero. "Airborne ang virus, tanga ka ba? How on Earth will you expect na kung makakalabas man sila diyan nang buhay ay hindi sila mahahawaan ng tatlong matandang 'yon?!"

Hindi makasagot si Kuya Nero.

Wala sa amin ang makasagot.

Dahil kahit i-deny pa namin, alam naman naming tama si Kuya Finn. Alam namin na mataas ang posibilidad na ma-infect na rin ang mga tao sa loob.

"Alam ko na kung bakit," Kuya Finn continued, he is now smiling at Kuya Nero. Halatang hinahamon niya ito, "kasi nasa loob ang girlfriend mo. Si Athena? Iyong ipinagpalit mo kay Alexis? Iyong cheater kasi kahit na may boyfriend na, nilalandi ka pa rin kahit may girlfriend ka--"

Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin.

Lumapat ang kamao ni Kuya Nero sa kanyang mukha. And before we knew it, they are fighting at each other. No one dares to make themselves a loser. Walang gustong magpatalo.

Agad silang inawat ni Tito Theo pero wala rin siyang magawa. Ayaw paawat iyong dalawa kaya't wala na siyang nagawa kung hindi ang hayaan na lang sila.

Ngayon, kitang-kita ko ang pag-agos ng dugo mula sa kanilang mukha. Basag na rin ang nguso ni Kuya Finn samantalang may pasa sa kabilang mata si Kuya Nero.

Napapangiwi na lang ako.

At nang maibaling ko ang tingin doon sa mga zombies sa labas, napalunok na lang ako ng laway. Malapit na malapit na sila sa bus. Malapit na malapit na sila sa amin.

Doon ko lang naalala si Orion!

Puta!

Muli kong ibinaling ang tingin sa loob ng bus. Mula sa loob ay malapit na malapit na ring atakihin noong mga infected sina Venice. Wala silang magawa kung hindi ang umatras na lang nang umatras kahit na wala na naman silang aatrasan.

Hagulgol nila Ate Athena at Ate Cheska ang tanging naririnig ko mula sa loob.

And what breaks my heart the most is the view of Venice. She is staring at me with the beads of her tears. Nilalagay niya sa loob ng cat backpack si Orion. Tila bang mas gusto niyang siguraduhin ang kaligtasan ng pusa ko keysa sa sarili niyang buhay.

Natulala ako. Hanggang sa hilahin ako ni Tito Theo sa kamay. Doon ko lang napagtanto na kaunting distansya na lang pala ay mahahawakan na ako noong isang zombie na nakaluwa ang mata.

Iyon na ang mga oras kung saang tuluyan nang nakalapit sa amin ang mga zombies.

Iyon na rin ang saglit kung saan tila bang natauhan sina Kuya Finn at Kuya Nero. Sinigawan sila ni Tito Theo. That was their wake up call to stop being a baby and start showing us how to be a man.

"Putangina naman! Mamamatay na kayo't lahat, pride niyo pa rin ang pinapairal niyo?! Magaganda ba kayo?!"

Kuya Nero wiped the blood off the bottom of his lower lips. He looked away. Seemed shy of what he have done. Si Kuya Finn naman ay natatangis lang ang mga mata habang nakatingin sa malayo.

Para silang mga batang napagalitan ng Guidance Councelor. Hiyang-hiya sa kagaguhan nila.

"Para magkaroon naman kayo ng dulot," sinipa ni Tito Theo iyong pinakamalapit na zombie papunta sa amin. Natumba iyon. Iyon ang naging dahilan kung bakit parang domino, natumba rin iyong mga nasa likod niya.

"Tulungan niyo na lang ako dito! Mga pucha kayo. Away kayo nang away! Hindi naman kayo magkakapera diyan!" Sinipa niyang muli iyong isa. Ganoon pa rin ang nangyari. Natumba din iyong nasa likod noong zombie na iyon.

Tahimik na sinunod ni Kuya Finn at Kuya Nero si Tito Theo. Ngayon ay tulong-tulong silang iniiwasan makalapit sa amin ang mga zombies.

Iyon ang punto kung saan muli kong ibinaling ang tingin sa loob ng bus. At sa nakita? Nag-sisi lang ako.

Nakakaawa ang sitwasyon nila.

Right now, Venice is hugging the cat backpack tightly while closing her eyes. Sina Ate Cheska at Ate Athena naman ay mahina nang umiiyak. Tila bang tinatanggap na ang nalalabi nilang kamatayan.

That moment, inis na inis ako sarili ko.

Wala akong magawa.

Wala akong ma-itulong.

Wala akong dulot.

But just like how fast the hope started to cave out of my system, it began to muster its way back inside my heart when I saw what Ate Alexis did . . .

The Last QuarantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon