Chapter 6

2.5K 145 9
                                    

Krist's POV

Kalmado lang akong naglalakad papuntang restroom pero mabilis at malalaki ang mga hakbang ko, tulad ng dati, doon ko balak ilabas lahat ng nararamdaman ko yung tipong walang makakaalam o makakarinig sa akin.

Natatanaw ko na ang pinto ng comfort room ng mga lalaki sa harapan nun ang pinto sa comfort room ng mga babae,

Bitbit ko ang bag ko hanggang ngayon, doon ko na rin nilagay ang mga pagkain ko

At sa kasamaang palad na sunod sunod na yata ang kamalasan ko dahil may nakabunggo na naman ako, pareho kaming hindi natumba pero nagkatinginan pa

May pula syang panyo na suot sa ulo.

"Nantekotta!" (What the f*ck!)

Salubong ang kilay niyang sigaw sa pagkakabungguan namin

Sa salita niya ay isa siguro syang Japanese, base na rin sa pagkakasingkit ng mga mata niya na may kabilugan

Normal ko lang syang tinignan bago ako napabuntong hininga na aalis na sana ako ng may lang pumigil sakin, hinawakan ang kanang braso ko at nakaramdam na naman ako ng sakit doon

Nilingon ko sya na wala paring pinapakitang emosyon kahit ang sakit ng pagkakahawak niya sa braso ko

Akmang aalisin ko na ang paghawak niya sakin ng mabilis niya akong malakas na basta na lang pabiglang patulak na binitawan dahilan para mapasandal ako sa pader

'T*ngina! Nakakarami na talaga 'tong likod ko. Ang sakit na!'

Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa kahit kase nakauniform sya ay ang gulo naman nito, halatang di plantsado, magulo rin ang buhok pero maayos ang pagkakakabit ng panyo sa nuo niya

Bukas ang isang botones sa polo nya, ang uniform coat nya may mantsa ng kung ano, pero sa palagay ko ay bakas iyon ng dugo kahit kase dark blue ang kulay ng coat sa uniform dito mahahalata ko parin na dugo yun kase alam na alam ko ang kulay ng dugo

Sa pagkakapansin ko ay pareho sila ng Tukmol na iyon na may demonyong datingan

Napatabingi ang ulo ko dahil parang namumukhaan ko sya

'Is this... Mike?.. Tss. Mukhang sakit na naman sa katawan ang aabutin ko nito'

"What are you looking at?" aniya ng may masamang tingin

'Syempre may mata ako'

"Tss" yun lang ang naisagot ko bago sya tinalikuran na lang

Akma na sana akong aalis at magpapalayo na lang sana ulit ng muli niya rin akong hawakan para pigilan

Sa pagkakataong ito bilibag na talaga ang ginawa niya sakin na ikinangiwi ko sa sakin na talaga ng likuran ko kanina pa dahilan para matumba na ako at napaupo sa sahig 

Doon ko naramdamang bumuka muli ang sugat ko na kagagamot ko lang kaninang umaga, dumadaloy naman ang dugo ko sa likod ko parang kulang na lang mamanhid sa sakit ang buong katawan ko, pero di ko yun pinansin tutal sanay naman ako sa kahit anong bugbog ang matanggap, dahan dahan akong tumayo at tiniis ang sakit na nararamdam tinatagong nginig sa sakit ng nararamdam

Lalo na't wala pa talaga akong kain ng ilang araw ay di ko maiwasang manghina kahit di ko pinapahalata.

'Balang araw... magiging maayos rin ang lahat... sa ngayon, protektahan mo ang dibdib mo kung gusto mo pang mabuhay, t*nginang puso 'to'

Muli ko sana syang lalampasan ng harangan niya ako at paisa isang humakbang papalapit sa akin kaya wala na akong magawa kundi mapaatras na lang. Napakasakit kase ng buong katawan ko

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now