Chapter 61 ♬ He's One of the Bad Guys

43.4K 708 58
                                    

Chapter 61

(Revised & Edited.)

 

Serene's POV

"Serene, meet me in this place. Ayoko ng mga late kaya dalian nyo."

*Toot!*

Waw hontoroy! Matapos sabihin ang address kung saan ako pupunta babaan ba naman ako? Sabagay sya na master ko ngayon eh ano pang magagawa ko? It's been a long time had past magmula nang magsimula ang training namin with Lady Magdaleine a.k.a 'Master Magdaleine' na pala. 

"Niel halika na."

"Sama kami!"

"Nope. Maiwan kayo rito." nagsad face sila Kelly sa harapan ko

"Bring them in. At least we'll be relieved that besides Niel you have some other company to protect you." 

Ito na naman po ang aking napakabossy na bff na parang pangmodel ng bench ang post sa may pintuan. Nakatupi ang dalawa nyang kamay habang nakasandal sa may pader. Ang pogi nga ang sarap namang sakalin. Pero syempre joke lang yun. Kahit napakabossy kung minsan mahal na mahal ko pa rin yan. Grabe lang kasi hanggang ngayon tinuturing pa rin nya akong bata. Di ko rin naman sila masisisi dahil sa posisyon ko ba naman. Kahit sino gusto akong mawala sa mundo.

Napatingin na lang kami sa magkapatid. *sigh* anu pa nga ba. 

"Fine." para hindi na humaba ang usapan at baka mamaya magbago pa ang isip ni Julian at pati buong gang isama pa nya "Pero, tandaan nyo training namin 'to, okay? Kung ano man ang mangyari roon hindi kayo makikialam maliwanag?" excited na excited silang tumango sa akin.

Hay buhay. Ano na naman kaya ang bagong pasabog ni Master Magdaleine ngayon? Yung mga training kasi na binaibigay nya eh yung mga biglaan at yung hindi mo talaga aakalain na training. The last time kasi na nagmeet kami binatuhan ba naman ako ng espada ng walang pasabi! Buti na lang nailagan ko kung hindi wala na ako ngayon. Tsk. Ito ang patunay na wag ka basta manliliit ng kung sinu-sino lang, dahil kung titingnan mo lang sa itsura, hindi mo aakalain na ganun pala sila. 

Nakarating kami ng mas mabilis pa sa inaasahan. Bilang guardian, si Niel ang lagi kong nakakasama. Masaya ako na sa labanan na 'to sya ang naging partner ko. 

"Sinabi ba ni Master kung nasaan sya banda?" tanong ni Niel sa akin habang hinahawi ang daan pagpasok namin ng bar. Pinapauna nya kaming tatlo na maglakad sa kumpalang mga tao na nagsasayawan sa saliw ng musika. 

Paano kami nakapasok dito? Simple lang, binigyan na kami ni Master Magdaleine ng fake ID's simula pa lang. Nagulat nga rin ako eh. Ano naman kaya ang iniisip ng matandang 'to? 

 

"Hindi eh, hanapin na lang natin" sagot ko sa kanya sabay baling ng tingin sa paligid. Siguro kung wala ang mumunting ilaw na kumikislap kislap sa bawat ritmo ng musika, para na kaming bulag na nangangapa sa dilim ngayon. Ano naman kaya ang gagawin namin sa bar na 'to?

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon