Chapter 22: The Petrarchan Connection (Part 2)

155K 8.8K 4.7K
                                    

CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter may contain content that might be troubling to some readers, including, but not limited to, depictions of and references to death, self-harm and suicide, graphic violence, sexual assault, strong language and more.

Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.

 Remember to practice self-care before, during and after reading

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LORELEI

"At long last! It's a great pleasure to meet you face to face, Lorelei. I'm an avid reader of your blog. My name's Augustus Moran. You can call me Gus."

"I-It's a pleasure to meet you too," I replied with an awkward smile as I shook his hand. Hindi talaga ako marunong mag-react sa mga ganitong sitwasyon.

"And you must be?" He darted a curious look at my companion. "Wait. You're not Loki, are you? I heard his hair is always unkempt. Yours is quite neat."

"I'm Alistair Ravena, an applicant of the QED Club," nakangiting pakilala ng kababata ko sa sarili bago nakipagkamay sa kaniya. "Pleased to meet you."

"Pleasure's mine!" Augustus gestured to the vacant chairs across from his desk. "Please have a seat."

Sabay kaming umupo ni Alistair. Kahit matagal ko na siyang kakilala, medyo nailang ako sa kaniya. Hindi kasi ako sanay na ibang tao ang kasama ko kapag nakikinig sa client. Laging si Loki ang nasa tabi ko noon.

"Nabanggit ni Agatha na may gusto kayong case na i-consult sa amin," panimula ko. Puwede ba naming malaman kung ano 'yon?"

"As you may know by now, we're busy preparing for the release of our literary folio." May inilabas na folder si Augustus mula sa drawer ng desk niya at iniabot 'yon sa akin. "Every meeting, everyone is present except for a female literary writer who we haven't seen in days."

"A case of abduction?" my friend muttered.

Augustus gave him a shrug. "I can't say kung mako-consider na dinukot talaga siya. But here's what is strange. Kahit na hindi siya nagpapakita sa amin, nagagawa niyang mag-submit ng mga tula para sa folio. Tinanong namin via email kung bakit hindi siya nag-a-attend ng meetings. Ang sabi niya, wala raw kaming dapat alalahanin."

"Baka may sakit siya?" tanong ko.

"We've considered that possibility. But we've found out recently that she wasn't attending her classes. Wala man siyang sinabihan sa mga classmate o teacher niya kung bakit siya absent. That worries us."

"Ang mas weird pa riyan ay ang mga sinubmit niyang tula," dugtong ni Agatha. Nanatili siyang nakatayo sa pintuan ng cubicle. "Meron kami kasing theme na sinusundan sa folio. Ang lahat ng s-in-end niya via email ay malayo sa category na s-in-et ko."

"Nasubukan n'yo na ba siyang tawagan?" tanong ng katabi ko. Mukhang sineseryoso niya ang qualifying exam na ito. "O puntahan sa bahay niya?"

"Nakailang tawag na ako sa kaniya, pero hindi niya sinasagot," kuwento ni Agatha. "Pumunta ako sa dorm na tinutuluyan niya. Ang sabi ng kaniyang mga kasama roon, hindi pa raw siya umuuwi ilang araw na ang nakalilipas. Wala na rin ang parents niya kaya wala siyang ibang posibleng puntahan."

Project LOKI ②Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon