Dreamer : Chapter Two

54 10 15
                                    

Chapter 2

Namjoon's POV

"Bakit ikaw lang yung may assistant, tingin mo ba papayagan din ako ni bang si-hyuk pag-nagrecommend ako ng personal assistant ko?" tanong sa'kin ni yoongi.

Hindi ko nalamang sya pinansin at nag-lakad nalang ulit. Ang lamig talaga, november na kasi eh. Malapit na mag winter.

Nang makarating kami ni yoongi sa nirerentahan namin ay bumungad sa'min yung dalawa si jungkook at taehyung.

"Hyung! Andito na sila kain na tayo!" sigaw ni jungkook sabay katok sa dalawang kwarto.

Dalawa lang yung kwarto namin, hati-hati nalang, maluwag naman din kasi. Lumabas na sa isang kwarto si seokjin at hoseok. Sa isa naman lumabas si jimin, mukhang bagong gising sya.

Kumuha na sila taehyung at jungkook ng mga plato at yung niluto daw ni seokjin.

"Si namjoon meron nang assistant" out of the blue na sabi ni yoongi.

"Talaga?" sabay na tanong nung tatlo, nung maknae line.

"Sino naman yun namjoon?" nakangiting tanong ni seokjin.

"Yannah" sabi ni yoongi without looking at them.

Tumahimik nalang sila kasi nabanggit din naman ni yoongi na baka bukas makita na nila si yannah. Siguro daw maganda si yannah kaya ko gusto maging assistant.

Yannah's POV

"Anak gumising ka na dyan"

"anak"

"anak"

"anak!"

Ano yun? Hingal na hingal ako. Anong panaginip yun? Bangungot? Anak? Bakit nya 'ko tinatawag na anak? Aish.

Bumangon nalamang ako at tinignan yung orasan. 8 am. Pupunta ba talaga 'ko ngayon? Tatanggapin ko ba yung inalok sa'kin ni namjoon?

Calling namjoon...

Speaking of the devil na kaibigan. Bakit kasi bilang personal assistant nya pa?

"Oh bakit?" bungad ko sakanya.

"Tanggapin mo na yung trabaho, hinanap na din kita ng apartment na malapit dito sa nirerentahan namin"

"Weh?"

"Oo nga, nilinis nadin namin kanina yun ikaw nalang yung kulang"

"Nilinis nyo na din? As in nyong pito?"

"Oo, ingat sa byahe!"

Pagkasabi nya nun ay binaba nya na yung tawag. Sure na talaga sila na tatanggapin ko yung trabaho eh 'no.

Wala nanaman akong magagawa, nilinis na din nila 'yong apartment tapos si namjoon pa talaga nag-hanap nun para sa'kin nakakahiya naman kung tatanggi pa 'ko.

May dala lamang akong isang maleta na sakto lang yung laki at isang backpack. Dinala ko lang yung ibang damit ko at yung as in mga kailangan ko. Ipapahatid ko nalang yung mga natira kong gamit, gagastos lang din kasi pag-bumili pa 'ko ng bago.

Dreamer [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon