Prologue

59 10 1
                                    

"Ma-ma gumalaw yung daliri niya" nanginginig kong sabi kay mama.

Dali-dali akong lumabas ng kwartong iyon at tumawag ng doctor. Hindi ako makahinga sa sobrang tuwa. Nang makatawag na ako ng doctor ay agad kaming tumakbo pabalik sa kwartong iyon.

Minulat ng doctor dahan-dahan ang mata niya at may itinutok dito at inilawan ang mata niya.

Nilapitan ko si mama upang yakapin ito. Alam kong sobrang saya din ni mama sa mga oras na ito. Sana'y tuluyan na nga siyang magising. Miss na miss na namin siya. Ang tagal naming nag-hintay.

"Nangyari na po ang matagal ninyo nang hinihintay" masayang sabi ng doctor.

Nilapitan ko siya at hinawi ang napaka-ganda niyang buhok. Bumangon ka na d'yan ah. Naiiyak na 'ko. Totoo na nga ba 'to sa pag-kakataong ito?

"Anak mabuti pa ay bumili ka muna ng makakain natin ha, hihintayin pa natin na magising na siya ng tuluyan" nakangiting sambit ni mama sa'kin.

Tumango nalamang ako at pumunta sa pinaka-malapit na bilihan ng mga pag-kain sa ospital.

Nang matapos akong bumili ay bumalik na agad ako sa kwarto niya. Pero malayo palang kita na ng dalawa kong mata ang nangyayari sa labas ng kwarto nya. Nag-kakagulo. Nag-kakagulo ang mga nurse.

Tumakbo ako papunta sa loob ng kwarto niya at para 'kong nabibingi sa isang tunog. Ang tunog mula sa makina na nag-sasabi kung nagfu-function  pa ba ang puso nya. Tinignan ko 'to at puro direstsong linya lang ang nakita ko. Shit. Flat line.

Umagos ang mga luha mula sa'king mga mata. Lumapit ako sakanya. Hinawakan ko ang kanyang kanang kamay.

"Lumaban ka please!" pag-mamakaawa ko sakanya.

"Lumaban ka!" muli kong sigaw, sana naman marinig nya 'ko at ang mga iyak at hikbi ni mama sa gilid. 

"Wag naman gantuhan oh, lumaban ka. Lumaban ka! Matatag, ma-malakas ka diba! Kaya lumaban ka naman!" hinigpitan ko ang pag-kakahawak sa kanan nyang kamay.

"Gawin nyo yung makakaya nyo! Nag mamakaawa ako! Mga propesyonal kayo diba! Gawin nyo lahat please irevive nyo yung kapatid ko" pag-mamakaawa ko sa doctor.

Muli ko siyang tinignan napaka payapa ng mukha nya. Iiwan mo na ba talaga kami? Lumaban ka naman oh. Hindi ko mapigilan ang mga luha na nag-uunahang lumabas mula sa'king mga mata.

Wag naman sa gantong paraan oh, wag muna ngayon, wag mo naman kaming iwan oh. Mahal na mahal ka namin lumaban ka please.

Nakatingin lamang ako sa mga nangyayari habang hawak-hawak ko ang kanang kamay ng kapatid ko.

Biglang nawala yung ingay. Hindi ko na naririnig yung nakakarinding ingay ng makina kanina.

I feel relieved.

⚝ ⚝ ⚝ ⚝ ⚝ ⚝ ⚝ ⚝ ⚝ ⚝ ⚝ ⚝ ⚝ ⚝

-reticentdreamer ⚝

Dreamer [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon