Chapter 15

2.1K 133 2
                                    

Continuation of Calix POV

Habang naglalakad ako patungo sa room namin ay nasa harapan ko parin si Krist. Nayayabangan ako sa paraan niya ng paglalakad, akala mo naman kung sinong maangas na nakapamulsang naglalakad.

Habang ako ay hawak ang nakasabit ko na bag sa kaliwa kong balikat at ang kanang kamay ko ay nakapamulsa.

Sa 'di kalayuan ay natatanaw ko ang grupo nila Cindy na papalapit sa gawi namin kaya napahinto ako sa paglalakad nang makalapit sya kay Krist ay sinadya nya itong bumungguin pero di ito natumba, sa halip ay tinignan niya lang sila.

'mahirap talagang patumbahin ang babaeng———este tomboy na to'

"Opss. Saarehh i didn't mean it" maarte pang ani Cindy before she crossed her arm saka niya sinagi ulit si Krist ganon din ang mga kasama n'ya pero di parin ito natutumba natanggal lang ang hood sa ulo nya

"oh hi Calix" sabi ni Cindy na may halong landi sa tonong pagkausap sa akin.

" Hi Calix!" sabay sabay na bati ng mga ka-grupo ni Cindy pero ngitian ko lang sila ng pilit bago sila ngingiti ngiting umalis.

Maglalakad na sana ulit ako nang mapatigil ako. Nakita ko si Krist na minamasahe ang nakapamulsa nyang kaliwang kamay ang kanyang balikat. Maya maya pa ay pinalagutok n'ya ang leeg nya na maangas tignan kaya naiinis lalo si Alex sa kaniya dahil masyado s'yang mayabang kung kumilos ay parang lalaki.

Nagpatuloy lang sya sa paglalakad habang papasok sa room. Ganon din ako nang papasok na sana ako sa pinto ay napahinto ako dahil nakita ko si Krist na napahinto rin mula sa loob ng room.

Sa may gitna na medyo nakaharap pa sa gawi ko, pinagbabato ng mga bola ng tennis pero prinoprotektahan nya lang ang kanyang sarili gamit ang kanang kamay, nakapamulsa pa din ang kaliwa nyang kamay at nakikita ko na wala man lang nagbago sa reaksyon nya na parang walang nararamdamang sakit.

'Ganyan ka ba talaga?'

Nang matapos ang pagbabatuhan ay naglakad lang ulit si Krist, parang walang nanguari, pumasok din ako sa loob na ikinatili ng mga babae dito sa loob pero di ko yun pinansin nakatingin lang ako kay Krist. May kung ano saking nakukuryoso sa pagkatao niya dahil para bang sanay na siya sa mga ganitong uri ng senaryo.

Napansin ko may humarang na paa sa dinadaanan nya at nakita ko saglit na napahinto si Krist sa paglalakad. Di n'ya pinahalata, ako lang ata nakapansin niyon bago siya nag dirediretso sa paglalakad. Nabigla pa ako dahil para bang sinadya niyang mapapatid sa kanya dahilan para matumba s'ya.

'What did I just saw? Bat nagpapatid siya? Wala na yata sa katinuan ang babaeng 'to'

Sinubukan nyang tumayo at itinukod gamit ang kanang kamay. Sa pagkakataong ito ay nakita ko na nakalabas na sa bulsa niya ang kaliwa nyang kamay, may bandage at bakas ng dugo sa may palad pero kaagad nya iyong tinago sa bulsa.

Ako lang ata ang nakapansin nun because everyone are busy laughing at her, not thinking that they are hurting a person who is actually had already wounds and bruises because of what we did to her.

Napaisip ako bigla. Binugbog namin sya kahapon pero wala naman akong nakitang dugo o sugat maliban nalang sa mukha nya na may putok ang labi at may namuomuo pang dugo sa mga pasa nya pati na rin ang pagtapak sa kaniya ni Mike.

'But this is different, nasa palad kase ang bandang dugo. Wala sa likurang kamay, and if I'm not mistaken, right hand niya ang tinapakan ni Mike————who cares?! Bakit iniisip ko pa 'yon?'

Di ko na lang sya pinansin at nilagpasan lang s'ya saka naupo na.

Pinanood ko naman siyang dahan dahang tumayo na nakabulsa ang parin ang kaliwa nyang kamay nang makatayo na sya ay naghanap na s'ya ng sarili niyang mauupuan. Akmang uupo na s'ya ay meron sanang hihila sa upuan n'ya pero napahinto s'ya bigla sa pagkakataong ito di nya hinayaan gawin iyon.

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now