Diecinueve

170K 3.6K 264
                                    

Diecinueve

Aura

"I-Ikaw!?"

Totoo ba itong nakikita ko?! Baka naman namamalik mata lang? O kaya naghahallucinate lang ako? Jusko po! Sabihin niyo sa akin na panaginip lang 'to! Gising, Aura!

"Baka pasukan ng langaw 'yang bibig mo, Ms. Reyes." Narinig ko ang pagtawa niya.

Hindi ko alam kung ilang beses akong pumikat dumilat! Lalo na nung magsalita siya. Naku po! Lord, ano po bang ginawa kong kasalanan sa inyo? Bakit po ito nangyayari sa tahimik kong buhay! All I wanted was to work hard and earn money and—ay wag oa, Aura!

Ramdam na ramdam ko ang tensyon dito sa loob ng opisina niya. Lahat sila nakatingin sa aming dalawa. Para bang nanunuod sila ng isang teleserye. Iyong tipong nakaabang sila sa susunod na mangyayari. Inayos ko ang tayo ko at umarte na para bang walang nangyari. Ano ba 'yan! Nakakahiya.

Narinig kong tumikhim si head nurse Joana. "Ehem.. So ladies, the man infront of you is the new owner and ceo of this hospital. Grandson of the great doctor, Mr. Emiliano Saavedra."

"Okay..." Napasipol ito. "That was awkward. So it's nice to meet you all." Sabi ng lalaking nasa harapan ko. Para lang akong tuod dito na nakatingin sa kanya. Hindi ko parin kasi madigest ang nangyayari ngayon.

"Hi, Sir!"

"Sir, ang gwapo mo naman!"

"Hinding hindi na ako magreresign ever! Peksman, Sir! Cross my heart! Mamatay man!"

Napatingin ako sa kapwa kong nurses na kinikilig ang tumbong at napangiwi. Ganon din si Yenny.

Ay? Kala mo teenager ang mga 'to! Sarap sabihin na, 'Hoy mga babaita! Hindi na kayo highschool!'... Tumawa lang siya sa mga sinabi ng mga kasamahan ko. At tama ba ang pagkakarinig ko? Ang lalaking ito ang may ari ng ospital na ito?! Weh? Di nga? Kung totoo man talaga yun pwes sobrang nakakahiya yung nangyari sa cr! Lord, please lang sana hindi niya ako maalala! Sana hindi niya ako mamukhaan!

Bumalik ako sa wisyo ng nakita ko itong tumayo at naglakad papunta sa pwesto kung saan ako nakatayo. Nanlaki ang mga mata ko ng tumigil ito sa harap ko. Narinig ko ang pagsinghap ng mga kapwa kong nurse. Isama mo na sila Yenny at head nurse Joana.

"Let me formally introduce myself." Tinignan niya ako mata sa mata.

"Lucas Saavedra or better known as Luke Saavedra. New owner of this renowned hospital. Nice meeting you, Ms. Aurora Isabel Reyes." Inangat niya ang kamay niya para makipag kamay sa akin. P-Paano niya nalaman ang buong pangngalan ko? Stupida lang, Aura? Malamang siya lang naman kasi ang may ari nitong pinagtatrabahuhan mo!

Nagbaba ako ng tingin sa kamay niya. Tatanggapin ko ba o hindi? Oo o hindi? Oo o hindi? Oo o hindi?! Hay. No choice ako kundi tanggapin iyon. Nakakahiya naman kasi kung hindi. Siya pa rin ang Boss ko kaya dapat lang na irespeto at igalang ko siya kahit na hindi maganda ang una namang engkwentro.

"Um.. N-Nice meeting you too, S-Sir." Nahihiyang sagot ko.

Binigyan lang niya ako ng isang matamis na ngiti. Mala aristokrato ang itsura ni Sir Luke. Mukha siyang mas matanda sa akin ng konti. Tsaka tulad nga ng sabi ko dati, mukha siyang model ng Bench. Walang halong biro. Uminit ang pisngi ko sa matamis na ngiting iyon. Oo gwapo siya pero nakakaturn off yung nakita ko sa cr. Mahahalata mo kasi na isa siyang tipikal na lalaki. Babaero. Iyong mga lalaking grabe ang hormones sa katawan.

Umalis siya sa harapan ko at naglakad pabalik sa office desk niya. "Thank you for introducing them, head nurse Joana." Pinasadahan niya ng tingin ang ibang mga nurse na kasama ko. "I expect you all to do your jobs well. You may now go."

"Thank you, Sir. Come on ladies. Let's go." Nagpaalam kaming lahat sa kanya.

Nauna nanamang lumabas sila head nurse. As usual ako nanaman ang nahuli. Papalabas na sana ako ng pinto ng magsalita ito ulit.

"Stay, Ms. Reyes." Huminto ako sa paglalakad at nagtatakang tumingin sa kanya. Ano bang kailangan ng lalaking ito sa akin? Hay nako. Wag naman sana niya ako paalisin dito dahil lang nakita ko siyang nag alam niyo na sa cr. Ang tagal na rin kaya nun! Oh baka naman may hihingin siyang kapalit dahil sa nakita ko para lang wag niya akong paalis dito?! Wag naman sana niya akong i-blackmail!

Sa kasamaang palad ay ako lang ang nakarinig nun. Nakalabas na kasi silang lahat. Kasama si Yenny.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Ano po 'yon, Sir? May iuutos po ba kayo sa akin?"

Umiling iling ito habang nakangiti. "Wala akong iuutos sayo. Come here and close the door."

Nanlaki ang mga mata ko. Ito na ba ang ang kinakatakutan ko?! Lord wag naman! Hindi ko ibibigay sa kanya iyon! Kay Migi ko ibibiga—ay ano ba itong pinagsasasabi ko! Nagiging mahalay na yang utak mo, Aura.

Kumunot ang noo niya sa naging reaksyon ko pero agad din napalitan ng isang malakas na tawa iyon.

Tumaas ang isang kilay ko dahil naiiyak na ito sa kakatawa. Ano bang nakakatawa? Mukha ba akong payaso?

"What the hell! You're making me laugh so hard,  Ms.Reyes!" Aniya habang patuloy na tumatawa.

Lumapit ako sa kanya at kunot noong tinignan. Ano bang problema nito? May pa what the hell what the hell pang nalalaman.

"Sir, baka naman mamatay na kayo sa kakatawa dyan. Kalma ka lang po."

Tumigil siya sa kakatawa. Umayos siya ng tayo at tinignan ako pabalik.

"Sorry about that. Nakakatawa naman kasi ang naging reaksyon mo, Ms. Reyes. Mali ka ng iniisip. I'm not like that lalo na sa babaeng gusto ko." Seryosong wika niya.

Huh? Tama ba ako ng dinig? Gusto? Sino?

"A-Ano po yun ulit, Sir?" Gusto kong malaman kung tama ba yung narinig ko.

"I said that I won't do any monkey business lalo na sa babaeng gusto ko." Parang wala lang na sabi niya.

So ibig sabihin na hindi niya gusto yung babaeng naka ano niya sa cr? Kasi may ginawa silang monkey business eh.

"Yes. You're right. I don't like her." Biglang sagot niya na para bang alam niya ang tumatakbo sa isip ko.

"A-Ah...W-Wait! Sir, naaalala niyo ako?" Gulat kong tanong at may pa turo turo pa sa sarili. Duh! Malamang maaalala ka niya! Nagkatitigan kaya kayo.

Natawa ulit siya sa sinabi ko. Umupo siya at pinaglaruan ang ballpen sa harap niya. "Yes again. I remember you. Ikaw yung babaeng nangistorbo samin sa ladies' restroom."

Napayuko ako sa kahihiyan. Sobrang kahihiyan na itong nangyayari sa akin ngayong araw. "S-Sorry po ulit dun. Wag po kayong magalala. Wala po akong pinagsabihan nun." Isa kang malaking sinungaling!

"Pero nakita mo pa rin." Tumayo ulit ito at lumakad papunta sakin.

"I-I'm sorry po talaga. W-Wag niyo po sana akong paalisin dito. Sorry po." Kinagat ko ang ibabang labi ko. Sabi ko na nga ba at ito ang mangyayari. Dapat hindi na lang ako tumuloy nun. Ang stupida ko talaga para hindi magets yung ibig sabihin ng mga ungol na 'yon. Bye bye Manila na ba ako nito? Paano na sila Nanay? Ang laki pa naman ng expectations nila sakin. Hindi ako pwedeng umuwing luhaan.

Napaigtad ako ng bigla niyang hawakan ang baba ko at iniangat ang mukha ko.

"I won't fire you. Pero may kapalit. Wala ng libre sa mundo ngayon, Ms. Reyes." Aniya na may nakaplaster na isang nakakalokong ngiti sa labi.

Humugot ako ng malalim na hininga. "A-Ano po yun Sir? A-Anong kapalit??" Paputol putol kong sabi. Mali sana ang iniisip ko. Wag sana iyon!

Binaba niya ang kanyang mukha sa may bandang tenga ko at bumulong. At sa pangalawang pagkakataon nalaglag nanaman ang panga ko.

"Let's have a date." Kinindatan niya ako dahilan para ako'y matigilan.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon