Dreamer : Chapter Four

45 9 5
                                    

Chapter 4

Taehyung's POV

"We're here!" rinig kong sigaw ni madie unnie kaya napadilat nalang ako.

Sumilip ako sa bintana at napa-wow nalang ako. Nakita ko agad yung white sand. Nasa beach kami ngayon. Teka pero parang ang layo ng binyahe namin? Ilang oras ba 'kong tulog? Tinignan ko yung wrist watch ko at 4pm na. Bale ilang oras yung byahe?

Tumingin ako sa kanan ko at wala na dun si yannah unnie, si namjoon hyung nalang. Nauna na 'kong bumaba sakanya at hinanap ko agad si yannah unnie.

"Si yannah ba hinahanap nyang dalawa mong mata?" tanong ni seokjin hyung sa'kin. Tumango nalamang ako biglang sagot na oo. "Sinagot yung tumatawag sa cellphone niya, ando'n lang ata siya" sabi niya sabay turo sa isang direksyon. Nakita ko nga yannah unnie. Aktong tatakbo na 'ko papunta sa kung nasaan siya ng may humawak sa braso ko.

"Taehyung punta tayo do'n" aya sa'kin ni jimin habang nakaturo doon sa sea shore.

Napatingin naman ako kay namjoon hyung na ando'n na, ano kayang ginagawa niya doon?

Tumakbo na ako papunta kay namjoon hyung para tignan kung anong ginagawa niya.

"Anong ginagawa mo namjoon hyung?" tanong ko sakanya.

"Naghahanap ng malilit na crabs" sabi nya without looking at me. Masyado siyang naka-focus sa buhanginan.

Nakita ko naman si jimin na lalapit sa tubig sabay tatakbo pag-aktong lalapit na yung tubig sakanya, paulit-ulit niya lang iyong ginagawa.

"Taehyung tulong nga!" sigaw ni yoongi hyung sa'kin. Habang buhat-buhat niya yung dalawang tubig.

Agad-agad naman akong lumapit sakanya at kinuha 'yong isa niyang dalang tubig. Bakit kasi dala-dalawa yung bitbit nya?  Pwede namang isa-isa nalang. Sabagay mas makakatipid ng oras.

Nang maipasok ko na yung tubig sa loob nung titirhan ata namin ng isang linggo ay lumabas na din kaagad ako. Saktong pag-labas ko ay nakita ko si yannah unnie na may hila-hilang isang maleta, tapos sa maleta may nakapatong na isang duffle bag tapos sa isa niya pang kamay ay may bitbit siyang isa pang duffle bag tapos may suot pa siyang backpack. Gamit ata nila 'yon ni namjoon hyung.

"Unnie tulungan na kita" sabay kuha sa kanya nung maleta ni namjoon hyung na may nakapatong pang duffle bag.

Sinundan ko lang si yannah unnie na pumasok sa isang kwarto. "Taehyung dito mo iyang gamit ni namjoon" sabi niya sa'kin ng may ngiti sa mga labi niya. Binigay ko na 'yon sakanya at inilagay niya sa isang sulok netong kwarto.

"Ikaw unnie saan kwarto mo?" tanong ko sakanya.

"Doon kami sa kwarto malapit sa kusina. Tatlo kami doon nila madie at rain" sabi niya sabay labas na dito sa kwartong pinasukan namin.

Hindi ko na siya sinundan kasi baka mag-aayos pa siya ng mga gamit niya. Lumabas nalang ako ng bahay at nakita ko si jungkook na nagpi-picture malapit sa dagat.

"Jungkook picture-ran mo nga ako" sabi ko sakanya at nag-pose na.

"Eto hyung oh tignan mo" sabi niya sabay pakita sa'kin nung picture ko. Ang gwapo ko talaga.

Dreamer [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon