Dreamer : Chapter Five

48 10 3
                                    

Chapter 5

Yannah's POV

"Taehyung likes you.... To be his assistant" Aish! Hindi ako makatulog dahil sa sinabi ni namjoon na 'yon.

Ilang oras na din ata akong nakatunganga sa kawalan. Tinignan ko si madie at rain at mukhang nasa dream world na nila sila. Tapos ako? eto, hindi pa din makatulog dahil sa sinabi ni namjoon. Ayaw niya na ba 'kong assistant? Hmp.

Biglang nag vibrate yung cellphone ko.

A new message from alien

Huh? Bakit naman magte-text si taehyung ng gantong oras?

Unnie. Ah I mean yannah, tulog ka na ba? Hindi kasi ako makatulog eh. Kung hindi ka pa tulog labas ka! Mag star gazing tayo! ^ω^

Inaaya niya 'kong lumabas? Hindi pa din sya tulog? Malamang yannah. Makakapag text ba siya kung tulog na siya? Tinignan ko yung oras sa cellphone ko at 11pm na.

Since hindi pa naman talaga 'ko makatulog ay lumabas nalang ako ng bahay at nakita ko si taehyung na nakahiga sa buhanginan at nakatingin lang sa langit.

Parang ayoko nang lumapit kay taehyung para kasing ang sarap na ng higa niya do'n eh. Ok na 'ko dito na tinitignan siya mula sa malayo.

"Titignan mo lang ba siya dyan?" nagulat ako nang may biglang nag-salita mula sa likuran ko. Nang lingunin ko 'to ay si tyron lang pala.

"Para kasing mas ok na andito nalang ako sa malayo pinagma-masdan siya" nakangiti 'kong sabi sa kanya.

"Ah ok" pagka-sabi niya nun ay pumasok na ulet siya sa loob ng bahay. Hindi talaga madaldal si tyron.

Hindi na 'ko nakapag-tiis at nilapitan ko nga si taehyung. Umupo ako sa tabi niya. Nakapikit pala siya. Dinadama niya siguro yung moment.

Nagulat nalang ako nang my palad na pumatong sa palad ko na nakatukod sa buhangin para hindi ako matumba. Nang tignan ko 'yon ay palad ni taehyung ang nakita ko.

"Ay sorry unnie" sabi niya sabay tayo mula sa pagka-kahiga. "Kala ko tulog ka na, pero hindi pa din pala tulad ko" sabi niya sabay pakita nanaman nung ngiti niyang hugis kahon.

"Bakit hindi ka pa natutulog? 11 pm  na kaya. Ano bang iniisip mo" tanong ko sakanya habang unti-unti kong tinatanggal yung kamay niya mula sa pagkaka-patong sa kamay ko.

"Ikaw" napatingin ako sa sinabi nya "Joke! HAHAHA" halos hindi na siya makahinga dahil sa sobrang pag-tawa niya. Ako naman eto tinitignan lang siya. Grabe ang loko niya talaga.

Nang matapos na siyang tumawa ay umayos na ulit siya ng pagkaka-upo dito sa buhanginan. "Bakit hindi ka pa tulog?" ulit kong tanong sakanya.

"Wala lang" ginamit niya yung pinaka matured niyang boses. Ang deep masyado nung boses niya hindi ako sanay.

"Ako hindi mo ba 'ko tatanungin?" tanong ko sakanya, para medyo gumaan naman yung atmosphere.

"Bakit gising ka pa unnie?" tanong niya at bumalik na sa dati yung boses niya hindi na katulad nung kanina.

"Wala lang din" nagka-tinginan kami at sabay na tumawa. "Alam mo tara na sa loob! Kailangan pa natin magising ng maaga bukas" sabi ko sabay hatak sakanya.

Dreamer [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon