Chapter 3

1.2K 16 0
                                    

Maria Salvatore


ILANG MINUTO pa ang hinintay ko bago sya dumating, nasa pintuan palang marami ng nakatingin sa kanya at kita ang hanga at pagkamangha sa mga mata ng mga babae at inggit sa mga kalakihan. Kaya nakasimangot nalang ang nagawa ko dahil sa inis dahil ilang minuto itong late. Siya tong nag invite pero siya pa ang huli at huwag daw ma late or else pa siyang nalalaman.

" Anong mukha yan! Stop doing that!"

Supladong sita nito ng makita ako at kaagad ng umupo sa nakalaang upuan nito. Nilingon ko sya at nakasimangot paring sinagot sya.

" Ano?"

Sinamaan ako nito ng tingin.

"Stop doing that! Nagkakasala ako"

Sabi nito at tumingin sa labi ko  na ikinalunok ko. pero di ko narinig ang huling sinabi nito.

"Ano?"

Naguguluhan kong tanong.

"Wag kang sumimangot! Lalo kang pumapangit tsk!"

Ang yabang yabang naman nito swerte nga sya at gwapo sya, hindi katulad naming hindi nabigyan ng kagandahan.

"Bakit ka nakipagkita sakin? It is all about the bouquet? Do you want me to make another and give it to you personally?"

Sabi ko ng mahinahon at ininom ang tubig dahil kinakabahan ako sa mga titig nya.

"Hmmmm, actually the reason why i meet up with you is, i want you to... Wait what's your favorite flowers?"

Tanong nito at tumitig na naman ng mariin. Iniwas ko ang tingin dahil naiilang ako. Bakit ba to panay titig.

"Sunflower Mr Samaniego"

I said without looking at him. tumango tango naman ito na parang napakahalaga ng opinion ko sa kukunin nyang bulaklak.

"I wanted you to send sunflower to my office every day"

He said without blinking. tumunog naman ang cellphone nito may text siguro. Pero wait Everyday? What the! Well maybe for his girlfriend. Hindi ko alam pero may bahagi saakin na sana hindi sa girlfriend nya. Sinaway ko naman ang sarili dahil wala naman kong karapatan. Ngumiti nalang ako ng matamis pabalik. Ibig sabihin nito sa akin na sya kukuha at may chance pa na lagi kaming magkikita, sa ideyang iyon ay parang napahiya sya sa sarili.

"Uh sige sir, ipapadilever ko nalang sa mga tauhan ko sa shop."

Kaagad naman itong napatingin sakin at ibinaba ang cellphone. Napatiim baga ito at parang hindi nagustuhan ang sinabi ko. May mali ba akong nasabi?

"Do you really want to demolish your shop for real? Ha! Maria!"

Matigas na sabi nito. Napatawa naman ako ng mabini parang umiba na naman kasi ang atmosphere, ano na naman bang nagawa ko?

"May mali ba sa nasabi ko Mr Samaniego?"

Alanganin kong sabi

"Tsk! You really don't get my point maria,"

Napailing pa ito.

"I want you to deliver it personally to me Maria, not your staff not my secretary but you! Understand?"

Masungit na sabi nito at kaagad ng tumayo.

"W-wait! Uhh a-ano bouquet parin ba? Katulad ng nga Rosas ang pagkaka arrange?"

Napatigil naman ito.

"Put it on a flower vase, I like sunflower too. Good choice."

Nakangiting sabi nito at kaagad na akong tinalikuran. Napatanga ako. What the! Did he smiled at me? Pero baka guni guni ko lang yun! Haayy! Kinuha ko nalang ang bag at lumabas na din.

My Sweet María (SPG)Where stories live. Discover now