Chapter 7

28.8K 1.1K 1.9K
                                    

"Happy Valentine's!" Bati sa akin ni Selena pagkapasok ko ng classroom.

Mula sa main gate hanggang dito sa building namin, punong puno ng iba't ibang red at pink na decoration for Valentine's day.

Hindi ko napigilan ang irap ko.

"Bitter mo naman," sabi ni Vale sabay gulo sa buhok ko.

Hinampas ko yung braso niya at tinulak siya palayo.

"Hindi ako bitter!" I defended myself kahit na sa totoo lang, nabibitter talaga ako!

Nakita ko kasi sa story ni Ela this morning na sinundo siya ni Jaxon at binigyan ng flowers at chocolate. Chocolate chocolate pa sila d'yan. Hindi ba nila alam na isa sa leading causes of mortality sa Pilipinas is Diabetes Mellitus?

"Hey, what's the problem ba?" tanong ni Vale sa akin pagkatapos ng klase namin.

Siguro sa buong tatlong oras ng klase namin, sampu na ang dumating sa classroom at nang-harana ng kaklase namin.

Pati kay Vale, may dalawang nang-harana! Galing daw sa isang babae daw galing sa Block G atska isang babae from STELA! Ang haba naman masyado ng buhok ng kaibigan kong 'to.

"Wala ngang problema!" I snapped at him.

Kunot noo akong tinignan ni Selena.

"K ka lang, siz?" tanong ni Selena. "Meron ka ngayon?"

"Wala!" iritadong sagot ko.

Kinuha ni Vale ang mga libro na hawak ko at ang backpack ko na suot ko lang ang isang strap.

"Ako nalang magpapakilig sa'yo today." Akbay niya sa akin.

Sinubukan ko kunin yung bag ko pero umiwas siya kaagad.

"I can carry my own stuff, Vale. I have arms," mataray kong sabi sa kanya.

"Alam ko, tumataba nga eh," sabi niya.

Nanliit naman ang mga mata ko at binatukan ko siya.

"Selena, idagdag mo na bag mo d'yan kay Vale! Siya na magbuhat! Bwisit!"

Tumawa lamang si Selena at umiling. "Bagay sana kayong dalawa, 'no? Too bad di ka pa maka-move on sa ex mong kupal."

"Hindi naman siya kupal," I said.

"Ayan ka nanaman, dinedefend mo nanaman!" sabi ni Selena. "Paano mo ba kinakayang idefend pa yung manloloko na 'yon? Ako yung nagagalit para sa'yo kapag naiisip ko yung mga ginawa niya, eh! Ilang beses mo na iniyakan 'yon! Hindi ka pa ba pagod?"

Tahimik na lang ako pagkatapos 'yon sabihin ni Selena. Mabilis lang kami kumain ng tapa rice at bumalik na agad sa classroom dahil naiirita na taalga ako sa mga bulaklak at balloon na nakikita ko sa paligid ko.

Bwisit!

"Hoy, ichat mo nalang kaya crush mo? Saan ba kayo nag-punta ni Kuya mo Claude last week nung umiinom tayo?" tanong ni Selena sa akin.

Naghihintay kami sa classroom ng susunod na prof pero wala pa rin si Vale dahil umalis din siya kaagad after niya ibaba yung mga gamit ko at bag niya.

"Chinat ko na!" Halukipkip ko. "Sabi niya may date daw siya mamaya!"

"Weh?" tanong ni Selena. "May date siya? May jowa ba 'yon?

"Wala! Binawi niya agad kanina, sabi niya joke lang daw. Pero bwisit pa rin siya!" Singhal ko.

Tumawa naman si Selena at kinuha yung phone ko. Binuksan niya 'yon at pinicturan ako.

"Hoy!" Sinubukan kong hablutin yung phone ko nang makitang isesend niya 'to kay Claude. "Wag!"

A Tale In Session (City Series #1)Where stories live. Discover now