Capítulo Especial II

84.3K 1.7K 221
                                    

Capítulo Especial II

Tagapagsalaysay

"Mommy, Daddy, Kuya, Karlos!! Nandito na sila Chesi at Franki!! Dali, let's go to Tita's house na!" Excited at masayang sabi ng anak na si Ysabella sa kanyang pamilya habang nagmamadaling bumababa sa napaka engrande nilang staircase.

Napatayo mula sa pagkakaupo si Aura sa nakita at agad itong nilapitan.

"Saab, be careful!! How many times do I have to tell you na don't run down the stairs, ikaw talagang bata ka!" Nakakunot noong suway nito sa kanyang unica hija.

Humagikgik lang ito at niyapos ang kanyang napakagandang ina na hanggang ngayon ay batang bata pa din ang itsura kahit medyo may edad na. Nangiti na lang si Migi sa kakulitan ng anak.

Ilang taon na ang nakalipas ngunit parang kailan lang nangyari ang lahat. Going strong pa din ang relasyon ng mag asawang Aura at Miguel. Hindi man ito perpekto pero alam nilang kaya nilang harapin ang ano mang pagsubok sa buhay for as long as pipiliin nila ang pagmamahal para isa't isa.

Tatlo ang nabuo mula sa pagmamahal ng mag asawang Buenavista. Si Klaus Lorenzo, Ysabella Margot na tawagin ay Saab ng marami at ang bunsong si Karlos Enrique.

Matagal na ding nag retire si Aura sa pagiging nurse sa Saavedra Medical Hospital. Gusto na niya kasing mag focus sa kanyang pamilya at ibigay dito ang buong oras niya bago man lang magsipaglayas ang mga anak mula sa kanilang bahay.

Ginulo ni Migi ang buhok ng napakagandang anak. "Listen to your Mom, baby. We don't want any accidents inside this household, okay?"

Saab pouted her tinted doll like lips. "Okay, Daddy. But tara na po, please? My bestfriends are waiting for me!" Ani ng dalagang Buenavista sa magulang na nakaayos na din para sa pag alis.

Chesi and Franki are Saab's bestfriends. Eto ang dalawang babaeng anak ng kanyang Tita Yenny. Sa ibang bansa kasi nakatira ang mag-anak ngunit nakapag decide na ding mag stay dito sa Pilipinas after so many years. Despite the ldr feels ng kanilang friendship, it stayed strong dahil madalas namang magbakasyon ang pamilya sa bansa dati.

Isang taon lang ang tanda ni Chesi kay Franki. Madalas nga ay mapagkamalan silang kambal. Magkasing edad sila Saab at Chesi pero dahil hindi naman gaano kalaki ang agwat ng mga ito sa bunso ni Yenny, naisama na din ito sa bestfriends circle nila.

Karlos on the other hand fixed his eyeglasses and eyed his sister.

"You're annoying, Ate Saab. You and your kikay friends are so noisy and papansin." Ngiwing saad ng kapatid dahil alam niyang gugulo nanaman ang kaniyang buhay dahil pagsasama ulit ng tatlong magkakaibigan.

Saab just made a face sa bunsong kapatid. "Whateves, Karlos. Just focus on being a nerd hmp." She playfully rolled her eyes and pinched her brother's cheeks.

Karlos Enrique, the youngest Buenavista is one prodigy. Gusto nitong maging isang tanyag na scientist slash doctor pagdating ng panahon. Nakikita na ng mag asawa na ito ang mamahala sa hospital na pagmamay-ari ng mga Buenavista paglaki nito.

Parang boy version ni Ysabella si Karlos pagdating sa itsura. Halo dahil parehas nilang kamukha si Aura at Migi. Not unlike Klaus na genes ng Buenavista talaga ang nakuha.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon