Kabanata 35

20.4K 752 44
                                    

Minamasahe ko ang batok ko at nakapikit habang naglalakad papunta ng kusina. I came home late today and after I finished taking a bath, nakaramdam ako ng gutom. Sakto naman na nakakita ako ng nagluluto sa may stove. Alam konkaagad na si Kiko yun kahit di ko tignan ng mabuti. Siya lang naman mahilig mag luto ng packed noodles as midnight snack kaya lagi kaming may stock. He knows it's unhealthy kaya pinagbabawalan ko na siya minsan.

"Kiko, sakop mo na din ako sa niluluto mo. Gutom na ako. Gisingin mo ako pag luto na." I told him with my eyes half open as I walk towards the dining. Pagod na pagod talaga ako sa dami ng meetings na pinupuntahan ko lately. Dumeretso ako sa lamesa at umupo bago pumikit ulit.

Maya-maya pa naamoy ko na yung luto na noodles at yung init ng hangin na malapit sa akin kaya inangat ko na ng konti yung ulo ko at kinumos ang mga mata ko sa antok bago dahan-dahang binuklat at tinitigan ang taong na sa harap ko. Kinurap ko pa ng maraming beses ang mga mata ko dahil sa tingin ko namamalikmata na ako. Imbes si Kiko, si Zec ang nakikita ko.

"Kiko?" Alanganin na tawag ko.

"He's asleep." Halos mahulog ako sa upuan nang marinig ang boses ni Zec mabuti na lang nakahawak ako sa lamesa. "Sabi niya okay lang na magluto ako ng noodles niya."

"A-anong ginagawa mo dito?" Tumingin pa ako sa paligid upang siguraduhin na walang ibang tao dahil baka mamaya nagha-hallucinate ako tapos may makakita sa akin. O baka naman prank? Uso pa naman yung mga nakaka-bwiset na prank ngayon!Nakakunot ang noo ni Zec habang nakatitig sa akin. He looked confused, but I am more confused!

"I thought you knew?"

"Ang alin? Na ano?" Napabuntong hininga siya.

"Kiko told me that you agreed on letting me stay here." Nanlaki ang mga mata ko. Mukha namang na gets ni Zec na parehas kaming na-uto ng magaling kong kapatid. He sighed again. "Don't worry I'll find a place where I can stay tomorrow." He pushed the bowl closer to me. "You can eat."


Hindi ko alam kung ako lang o mukhang irritable si Zec. Kung babae siya iisipin ko on period siya. I looked at the food in front of me and then at the other bowl on the table. I sighed before I turned around to see Zec climbing the stairs already. Nagmadali ako upang habulin siya tumigil naman siya nang marinig niyang tinawag ko ang pangalan niya.

"Why don't you eat with me? Ikaw naman yung nagluto." Nahihiyang sabi ko. He was staring intently at me so I decided to look away because of how deep the intensity of his stares are. "Tara." I pointed at the dining before I turned around to go back at the table.

I hear his footsteps behind mo so I didn't bother to look if he's following me. Umupo na ako sa pwesto ko kanina habang nag iwan naman siya ng isang bakante ng upuan mula sa akin. A silent twenty minutes that passed before I finished my meal, nang lumingon ako sa parte ng lamesa niya nakita ko na tapos na rin siyang kumain. Baka nga nauna pa siya.

Another minute had passed before he stood up and took the bowl in front of him. I was about to stand up when he spoke. "Are you done?"

I nodded my head with surprisingly a bit of enthusiasm—though I don't even know why, maybe because of the awkward atmosphere around us. Kinuha niya ang mga pinagkainan ko at dinala sa lababo kasama ang sa kanya. Agad akong tumayo at sumunod sa kanya.

"Ako na ang maghuhugas." Sinubukan kong kunin ang sponge sa kanya pero hindi niya ako pinansin. He just continued on washing the dishes while I awkwardly stood beside him not knowing what to do or say to him.

Ramdam ko din yung galit niya, but I understand him. Who wouldn't be mad? Even I would be upset if someone did to me what I did. Walang chat. Wala ni kahit ano siyang narinig mula sa akin. It was like I ghosted him.

"I'm sorry." I finally managed to say, pero deretso lang siya sa pag banlaw ng mga bowl. "I know that there's no valid explanation to what I did—"

"Just tell me anything!" I almost jumped at how loud his voice was. He put down what he's holding and looked at me. "Kahit ano! Kahit gaano kababaw tatanggapin ko." Nakaramdam ako ng kung anong sakit sa dibdib ko nang marinig kong mabasag ang boses niya. His eyes and his nose are both red like he's about to tear up anytime. "Wag lang yung ganito. Kasi mababaliw na ako sa kakaisip kung may mali nanaman ba akong nagawa. Kung may kulang pa ba sa mga ginagawa ko. Please, make an excuse. Anything. Please."

Nakatitig lang siya sa akin at naghihintay ng sagot ko. I can see how he's trying so hard not to cry. Gusto kong magsalita. Gusto kong gumawa ng rason kagaya ng sinasabi niya sa akin, pero kahit ako hindi ko magawang bigyan ng tamang rason ang ginawa ko. Yung pag iwas ko sa kanya, yung pag iwan ko sa kanya sa ere. Hindi ko din alam kung bakit ko ginawa. It pains me to see him like this knowing it's because of me. He wiped his eye with the back of his hand before he walked past me.

It was like my body moved on it's own and I found myself running after him and hugging him from the back. I felt him stiffened. Nagulat siguro siya sa ginawa ko.

"I'm sorry, Zec." Hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. "I missed you."

Alam kong hindi ko pinag-isipan ng maayos bawat galaw ko, all I know is that I missed him. I missed him so much that I let me heart be the one in control of my body.

Tinanggal niya ang mga braso ko na nakapulupot sa beywang niya at dahan-dahan siyang humarap sa akin. He held my cheek and found his way to my lips. His warm hands was holding my waists, down to my buttocks and I was a bit shocked when felt him squeezed it a little. Buti nga hindi ko siya natulak sa gulat, sayang sana yung moment.

We were both panting as we catch our breath after that very steamy and passionate kiss that we shared. Hindi kami nagsalita parehas lang kami na nakatitig sa isa't-isa. Pero itong si Zec, nakulangan pa yata sa halikan namin dahil bigla akong binuhat kaya naman nang maipulupot ko ang mga binti ko sa beywang niya, hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at nagsimula nanaman akong halikan. I stopped the kiss and looked around when I noticed that we were walking up the stairs.

"Saan tayo pupunta?" Hindi siya sumagot at seryoso lang na naglalakad. Hanggang sa makarating kami sa harap ng pinto ng kwarto na malamang ay kung saan siya natutulog. "Hoy, Markus Fidel!" I felt him cringe when I called his name and I can't help but to giggle. Inihiga niya ako sa kama at tinitigan.

"Is this funny to you?" The amusement on his face was evident as he watches me that made me laugh.

"Dito ka pala sa kwartong to. Anong gagawin natin dito?" Tanong ko at umupo upang tignan ang paligid ng kwarto. I saw his suitcase on the side of the room. Hindi pa siguro siya nakakapag ayos ng mga gamit.

"Mag-uusap." Seryosong sagot niya habang tinatanggal ang t-shirt. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginagawa niya.

"T-teka! Bakit mo inaalis yang shirt mo?" I smirked at me before he pulled his shirt! The audacity of this guy!

"Na basa kanina nung naghuhugas ako." Balewalang sagot niya. I swallowed as I tried to keep my eyes off from his topless body. Hindi naman ito yung first time na nakakita ako ng ganyang katawan pero iba pala kapag may feelings ka sa tao. Ipinaypay ko ang kamay ko sa sarili ko. Bakit biglang uminit?

"Now, where were we?" He asked as he crawled his way on the bed to me. I tried to push him.

"Sabi mo mag uusap lang!" He rolled his eyes at me.

"Oo, mag uusap tayo." I squealed as he wrapped his arms around me. Napahiga kami sa kama habang nasa ibabaw ko naman siya kaya hindi ako makagalaw dahil naiipit niya ako ng katawan niya. He brushed some strands of my hair from my face as he stared lovingly at me and he said, "But first, bubuntisin muna kita."

I Found a ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon