Tigang 15

41 3 0
                                    

Dear Diary,

Ilang araw din kita di nakausap ano, sorry naman busy lang ang lola mo. Alam mo kanina galing ako sa gym ni Adonis, kasama ko ulit si Sweetania. Tapos nadinig ko nag-hello sa akin si Adonis tsaka ngumiti sya sa akin. Kaya lang nawala din ang ngiti nya kasi nga umepal na naman bigla si Hilda bruhilda. May sa kabute talaga ang bruhang yun. Alam na alam talaga nya kapag gustong magpapansin sa akin si Adonis.

Pero akala mo ba pinansin ko ang ngiti at hello ni Adonis? Hindi noh! Mukha nya! 

Bakit ko naman sya papansinin, di ba nga sabi ko sayo iiwasan ko na sya. Tapos nagrequest din ako ng new instructor, ayoko na sa kanya. Kasi naman naglalaway lang ang kipay ko sa kanya tapos hindi naman kami natutuloy na magkalapit ng tuluyan dahil nga sa bruhilda nyang jowa. Kaya naisip ko na panindigan na nga lang ang pag-iwas sa kanya. 

Nakakapagod na kaya magpapansin sa taong hindi naman ako gusto. Narealized ko na nagmumukha na pala akong desperate. Bakit kasi ngayon ko lang napansin yun, kung di pa ako tinalakan nang tinalakan ni Sweetania na tumigil na ako sa illusion ko kay Adonis hindi ako magigising sa katotohanan. Minsan talaga si Sweetania may silbi din naman ano, hindi lang pagpapalaki ng pempem ang alam.

Nga pala Diary, nagtimbang ako kanina. Guess what kung ilang kilo na ang nabawas sa timbang ko.

Ano sirit ka na ba, Diary?

Nabawasan na ako ng limang kilo, Diary! Ang saya-saya ko talaga!

Alam mo kung bakit mabilis bumaba ang timbang ko? Kasi sabi ni Sweetania mag egg diet daw ako. So I did it naman. Sa gabi lang talaga ako kumakain ng tahong ni Tyang at Tyong Kanor pero wala akong rice nun ha, purong tahong lang ang kinakain ko. 

Matanong nga pala kita Diary, nakakain ka na ba ng tahong? Bakit kaya ang tahong kawangis ng pempem ano? Wala lang natanong ko lang naman.

Alam mo nadiri ako kay Sweetania, aba kinakain ba naman yung parang scotch bright na kung tawagin sa english ay byssus o beard sa US kung tawagin nila na parte ng tahong. Although it isn't harmful because it's edible. Pero hindi kasi namin kinakain yun nina Tyang, inaalis namin yun. Ah basta hayaan mo na nga yun, naisingit ko lang naman sa kwento ko. 

Anyway, sa umaga at tanghali itlog lang ang kinakain ko tapos water na may babad na fresh lemon. Ang lakas makababa ng timbang ng egg diet at lemon water therapy, girl! Kaya lang dalawang araw pa lang akong nag eegg diet parang nasusuya na agad ako. Pero sabi ni Sweetania pilitin ko raw kahit 1 week lang para daw mabilis bumaba ang timbang ko.

Kaya sige lang pipilitin ko talaga mapanindigan ang egg diet na yan. Tutal nararamdaman ko naman ang epekto nya. Kung dati parang hingal na hingal ako palagi, ngayon parang hindi na gaano. Kaya itutuloy-tuloy ko lang ang pagdadiet at paggigym kahit na nga naiirita ako na makita ang couples na hipon at Adonis palagi. Sarap talaga nila pag-umpuging dalawa!

Bukas na ulit Diary, inaantok na kasi ako kaya wala akong gana magkwento sayo ngayon. Nga pala Diary, yung Romeo na nagfriend request sa akin kagabi  nagwave sa akin sa messenger. If you ask me if I wave back. My answer is no. Hello, sabi ni Tyang at Tyong don't talk to stranger noh!

Goodnight Diary.

Tigang—sa pagmamahal,

Candida Si.



Diary ng tigang-sa pagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon