CHAPTER 22

1.1M 34.6K 66.6K
                                    


CHAPTER 22

TATLONG ARAW ang mabilis na lumipas pero hanggang ngayon ay hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi at namagitan sa 'min ni Maxwell nang araw ng birthday ko, hanggang sa sumunod pang araw. Lahat ay malinaw pa sa isip ko at paulit-ulit kong binabalikan.

Umasa ako na magkasama pa kaming matutulog nang gabing magpunta kami sa Twin Lagoon at Kayangan Lake. Pero inihatid na ako ni Maxwell sa tinutuluyan ko kung saan nadatnan ko na roon si Zarnaih at pamilya nito. Kakatwang may panibagong bed na rin, ipinabili raw ni Maxwell noong mismong birthday ko. Para doon manatili sina Lee at Zarnaih, para may makasama ako.

Binigyan ako ng isang linggong leave ni Maxwell para tuluyang paghilumin ang kamay ko. Iyon kasi ang isa sa pinakagamit na gamit sa trabaho, lalo na sa area ko.

Narito kami ngayon sa hotel ng mga del Valle. Ipinasundo kami ni Tita Maze kaninang umaga para dito mananghalian at maghapunan. Kasalukuyan kaming naroon sa restaurant at kumakain. Gaya ng dati, napuno ang lugar ng kwentuhan, asaran, tawanan at kantahan. Hindi na yata talaga magbabago 'yon basta kasama ko ang karamihan sa mga narito.

"Good evening," nagulat ang lahat nang mangibabaw ang boses ni Maxwell, lalo na ako.

Sa tuwa nga ay napatayo ako at nakangiting tinanaw ang paglapit niya. Lalo pa akong napangiti nang lumapit siya at humalik sa gilid ng labi at sentido ko. Na kung tutuusin ay kaswal lang naman pero sadyang iba ang epekto sa 'kin. Hindi ko lang talaga inaasahan. Bukod kasi sa nasanay akong ginagawa niya 'yon sa mga magulang niya, maaari niya naman akong isunod matapos niyang humalik samga ito.

"I love you," isang mabilis na bulong niya pa bago lumapit kina Tita Maze at Tito More upang humalik.

Nakagat ko ang labi ko saka nagpipigil ng ngiting naupo.

"Kuyaw," nang-aasar na ani Zarnaih. Pero dahil sa kilig ay tawa ang naisagot ko sa kaniya. "Lami?" dagdag niya. Nagpipigil ng kilig akong tumango-tango.

Lalo ko pang nakagat ang aking labi nang magkusang tumayo si Maxpein at ibigay ang silya kay Maxwell. Tumayo naman si Deib Lohr at ibinigay rin ang sariling silya sa asawa saka kumuha ng panibagong silya.

"Pakidalhan si Maxwell ng bagong plate, make sure it's clean," dinig kong sabi ni Tita Maze sa server.

Hindi lang kasi metikuloso at maarte ang anak niya, sakit na nito ang pagiging malinis. Marahil ay dahil isa itong doktor. Iyon nga lang, hindi ang lahat ay maiintindihan si Maxwell. Gaya ko, noong hindi pa ako nag-aaral ng Nursing, kaartehan ang tingin ko sa ganoong ugali niya. Pero nang magtrabaho na ako sa ospital, kahit malinis ang plate sa harap ko, nililinis ko pa rin.

"Where is Maxrill Won?" tanong ni Mokz.

Nakangiwing nagkibit-balikat si Maxwell. "He's extrabusy today, tons of supplies and materials were delivered, I guess."

"And where are his people?"

"What do you mean people?"

"Who's helping him with everything?"

"Himself," tumawa si Maxwell. "That dude doesn't want anyone around him, well, maliban kay Yaz."

Natitigilan akong napalingon sa kaniya at nakamot ang tenga.

"Wala pa rin siyang assistant?" tanong ni Maxpein.

Umiling si Maxwell. "Good thing he has his own cook in our cafeteria, kumakain siya sa tamang oras," buntong-hininga ni Maxwell. Gusto kong magulat sapagkat noon ko lang nalamang may sariling cook si Maxrill sa cafeteria.

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon