Veinte

190K 3.5K 323
                                    

Veinte

Aura

"Good evening, Ms. Reyes." Bati sa akin ni Sir Luke pagkabukas ko ng pinto. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa pagkatapos ay ngumiti. Iniabot niya sa akin ang isang bouquet of roses. Maganda ang mga 'to. Mukhang mamahalin. Kinuha ko ito at nagpasalamat. Baka maoffend siya pag hindi ko tinanggap 'yon.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng hawiin niya ang buhok na nakatabing sa mukha ko. "Wag mong hayaan na takpan ng buhok mo ang mukha mo. You look beautiful, my angel."

Namula ako sa sinabi niya. Hindi naman ako impokrito para hindi kiligin no! Babae rin ako. Normal na makaramdam ng kilig factor. Tsaka 'My Angel' talaga?

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. "You're blushing."

Sabi ko na nga ba at mapapansin niya iyon eh. Puro na lang kahihiyan ang nagagawa ko palagi.

"Umm.. Sir? Hindi pa po ba tayo aalis?" Alam kong ang rude ng pagkakasabi ko pero gusto ko na talagang matapos ito. Ewan ko ba pero hindi talaga ako komportable na nandyan siya. Basta may navavibes ako sa kanya. Hindi lang ako sure kung masama ba iyon o mabuti.

Ginulo niya ang buhok ko. "Don't call me Sir, Aura. Feeling ko ang tanda ko na. Call me Luke instead. And yes, let's go."

Medyo nakakairita ang pagiging feeling close niya. Akala mo ang tagal na naming magkakilala para gawin sa akin ang mga gestures na 'yon. Smooth talker. Paano ba kasi ako napapayag ng lalaking ito na makipag date sa kanya?

-FLASHBACK-

"Let's have a date." Kinindatan niya ako dahilan para ako'y matigilan.

Sandali.. Seryoso ba siya?

"H-Huh?? S-Sir, tama ba ang pagkakarinig ko? D-Date??" Ang dami talagang pasabog nitong taong ito.

Tumango siya. "Yes. Date."

Humakbang ako paatras. Masyado siyang malapit. Sobrang lapit. Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. "S-Sir wag kayo magjojoke ng ganyan! H-Hindi nakakatuwa!"

"I'm not the kind of guy who jokes around." Aniya na para bang nabwisit sa sinabi ko. Well sorry ah?Nakakabigla naman kasi siya!

"Bakit ako??" What a stupid question Aura.

"Because I like you." Walang pagaalinlangan niyang sagot.

Napaawang ang mga labi ko. Is he real?! Gusto agad agad? Hala! Isang beses palang kami nagkaengkwentro tapos gusto agad? Parang hindi naman kapani paniwala yun! Baka wala lang mapagtripan si Sir kaya ako yung nakita since naistorbo ko sila ng ka chu chu niya dati sa cr.

Nagiwas ako ng tingin. "Sir, gutom lang yan. Kumain na po kayo."

Napaigtad ako sa kinatatayuan ko ng lumapit ito ulit. Too much closeness.

"I'm not hungry. I'm dead serious, Ms. Reyes when I said that I like you." Malamig na wika ni Sir Luke. Ano ba itong nangyayari sa buhay ko.

Nakakaintimidate ang mga tingin niya. Hindi ko nga alam kung paano ko nagawang labanan ang mga titig niya sa akin eh.

"S-Sir, isang beses pa lang po tayo nagkita. Isama mo na po yung ngayon." Pagdadahilan ko. Ano 'yon?Uso pa ba ang love at first sight? Wow ah? Haba ng hair mo Aura? Boss mo? Magkakagusto sayo? Parang hindi makatotohanan.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon