Chapter 8

28.6K 1.3K 2.1K
                                    

I rested my head on my book while Selena was busy checking some schedules on facebook. Kahapon niya pa sinusubaybayan yung BBEAL games online kaya ngayon, gusto niya raw na panuorin yung game ng SLU at UB.

Nandito kami sa Figaro ngayon para sana mag-aral pero itong si Selena naman facebook lang ang inaatupag.

"Ngayon yung laro nila! 5 PM daw! Pwede pa tayo humabol, hindi pa tapos 'yon!" Alog sa akin ni Selena. "Support mo naman bebe mo!"

It's been 2 weeks and still no sign of Claude. Of course, there's a part of me that really wants to just ask him how he's been doing. Also another part of me that wants to apologize for leaving nung Valentine's. Pero hindi naman gano'n ka-laki yung papel ko sa buhay niya, kaya wag na lang.

"Wala naman akong bebe," sabi ko sa kaniya habang binubuksan ang isang libro ko.

Ang dami pa naming gagawin kaya nilulunod ko nalang ang sarili ko sa academics para hindi na rin isipin si Claude at Jaxon.

Jaxon's been texting again, but I haven't replied.

Strong na ata ako, aba.

"Tara na kasi," pagpipilit ni Selena.

Hindi namin kasama si Vale dahil kasama niya yung ibang mga kaibigan niyang lalaki. Iilan lang ang mga lalaki sa Med Lab Sci kaya siguro close na close rin silang mga lalaki.

Kinuha ni Selena ang phone ko para mag-selfie pero naudlot yun dahil binasa niya yung isang notification na naka-labas.

From: Jaxon

Nunuod ka ng game?

"Ano 'to?" tanong niya sa akin.

Umiling ako. Wala naman akong balak replyan! Atska kanina pa 'yan.

"Nag-uusap pa ba kayo? Kamusta pagpapakabobo natin jan?" tanong niya ulit. "Replyan ko nga 'to ng 'ano, di ka pa nakakamove on?'"

Hinablot ko kaagad ang phone ko at tinago.

Ayoko nang isipin ang mga lalaki! Mas kailangan kong isipin ang pag-pasa nitong 2000 word essay namin mamayang 11:59 PM.

"Please?! Imimeet daw tayo ni Lia and Mage doon! Come on! You've totally been passing on all our labas." Simangot ni Selena.

Nagbuntong hininga ako at sinara ko ang libro ko. Maybe he won't see me. Marami namang nanunuod ng BBEAL especially with the Noestro brothers playing.

"Fine. But you're carrying my book." Binigay ko sa kanya ang libro ko.

Malaki naman ang ngiti niya habang naglalakad kami patungo sa Abortion Steps. Hindi na rin nagreklamo si Selena sa Abortion Steps kahit na hingal na hingal na siya.

"Retouch muna ako! Bwisit!" Tayo ni Selena pagkarating namin sa gym ng UB.

Kumunot ang noo ko.

"Iiwan mo ako dito?" tanong ko sa kaniya.

Nandito pa naman kami sa front row, so railings lang ang humihiwalay sa amin at sa court. "Sa likod na lang kasi tayo!"

"Dito na! Saktong apat yung upuan, oh! Parating na rin sina Mage," sabi niya. "Mabilis lang ako!"

Hindi ko matakpan mukha ko kaya medyo naiilang ako na dito pa talaga kami umupo! Ang dami dami na ring mga tao dahil kanina pa nag-simula yung laro.

Tinignan ko yung mga naglalaro sa court at nakita ko kaagad si Jaxon. Isa siya sa pinaka-matangkad sa kanila.

Siyempre, siya rin pinaka-pogi!

Joke. Sabi ko nga, strong na ako, eh.

Dahil sobrang lapit namin sa bench ng SLU, kabadong kabado ako na baka tumingin dito si Claude kung mag-time out sila, o baka naman makita ako ni Ezra at sabihin niya kay Claude na nandito ako. Naka-tuon lang ang pansin ko sa phone ko habang naghohomescapes ako habang hinihintay ko sina Selena.

A Tale In Session (City Series #1)Where stories live. Discover now