Dreamer : Chapter Six

24 7 13
                                    

Chapter 6

Yannah's POV

"Matutulog na muna 'ko, kanina pa ako hinahabol ni rain, nakakapagod tumakbo" halatang-halata sa mukha ni yoongi 'yung pagod, pinagpa-pawisan pa nga siya kahit malamig naman yung klima.

Hingal na hingal siyang pumasok sa bahay. Kawawang yoongi, pero ayos na 'yon nae-exercise siya.

Naalala ko tuloy nung nakabalik kaming apat mula sa market. Si taehyung at jungkook nginig na nginig pagka-ahon sa tubig tapos sabi pa nga ni taehyung bakit daw hindi namin siya sinama.

Nalaman ko din na kaya pala kami bumili ng mga meat kasi maghhiking kami tapos magccamping din kami. Kaya nga mamayang tanghali ata aalis na kami para puntahan yung bundok na aakyatin namin. 9 am palang naman.

Andito ako ngayon katabi ni namjoon. Nasa sea shore kami, nagpapahangin, gusto niya daw kasi ng peace of mind, pero sinama ako dito.

"Namjoon" napatingin naman siya dahil sa pag-tawag ko sakanya.

"Ano yun?" nakangiti niyang sabi kaya nakita ko nanaman 'yung dimple niya.

"Pwede ko naman kayong iassist ni taehyung ng sabay eh, hindi 'yung si taehyung lang talaga iaassist ko. Utang na loob ko kaya sayo na nagka-trabaho ako" sabi ko habang gamit 'yung pinaka malambing kong boses.

"Eh baka nga kasi mapagod ka ng sobra, tapos minsan mag kaiba kami ng pinupuntahan ni taehyung edi sinong sasamahan mo diba?"

"Edi sasama ako do'n sa mas may kailangan sa'kin" nakangiti kong sabi.

"Pano pag pareho ka naming kailangan?"

Hindi ako makaisip ng sagot. Hindi ko nalang inintindi yung tanong niya. Hay nako namjoon napaka advance thinker mo masyado.

"Hyung!Unnie!" sigaw ni jimin at taehyung sa hindi kalayuan.

May dala-dala silang ice cream. Tumabi si jimin sa tabi ni namjoon at si taehyung naman dito tumabi sa'kin.

"Wag nyo na nga 'kong tawaging unnie, sabihin nyo na din kay jungkook yan! Nagmu-mukha akong matanda eh!" nakita ko yung pagkamot nila sa ulo mga ulo nila.

"Ok unn— yannah" mahinang sabi ni jimin.

Tumango-tango nalang ako. Tinignan ko yung wrist watch ko at 9:30 am na. Ang bilis ng oras. Tinignan ko silang tatlo at nakatingin lang sila sa dagat. Itulak ko kaya si namjoon? Hindi niya pa sinusubukan maligo sa dagat dito eh. Pero wag na baka magalit pa sa'kin.

A new message from sunshine

Punta na kayo dito, ayusin niyo na yung mga kailangan nyong gamit na dadalhin. Aalis na daw tayo ng 10:30↖(^ω^)↗

"Oy tara na daw, mag-ayos na daw tayo ng nga gamit natin na kailangan nating dalhin" pagkasabi ko nun ay aktong tatayo na 'ko nang may humatak sa braso ko.

"Tulungan mo 'ko tumayo" bumungad sa'kin yung mga ngiti ni namjoon. Napairap nalang ako at tinulangan nga siyang tumayo.

Naglakad na kami pabalik sa bahay. Nakita namin na lumabas si yoongi mula sa pintuan tapos may dala-dala siyang backpack. Nakasunod naman sa kanya si rain kaya napatawa nalang ako sa utak ko.

⚝ ⚝ ⚝ ⚝ ⚝ ⚝ ⚝

"Malayo pa ba lalakadin natin?" rinig kong reklamo ni yoongi mula sa likudan.

Dreamer [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon