Dreamer : Chapter Seven

7 1 0
                                    

Chapter 7

Namjoon's POV

"Namjoon ampanget mo" dahil sa inis binigyan ko siya ng 'mas panget ka look'. Nakita ko naman yung pag-irap niya sa'kin.

Tumingin nalang ulit ako sa mga bituin. Ang gaganda nila, hindi ako makapaniwala na nakikita ko 'to ngayon. Kumikinang sila at tila'y napakalapit sa'min.

Tinignan ko si yannah, at kitang-kita 'yung mga reflection ng mga bituin sa mata niya.

Biglang humangin ng malakas kaya napahawak nalang si yannah sa magkabila niyang braso. Aktong tatanggalin ko na sana 'yung jacket na suot ko para ibigay kay yannah pero huli na 'ko, naunahan na 'ko ni taehyung. May suot pa naman si taehyung na isang jacket kaya hindi siya masyadong nilalamig.

Tinignan ko yung wrist watch ko at 11 pm na pala.

"Uy matutulog na 'ko ah, matulog na din kayo maaga pa tayong gigising bukas" sabi ni madie tapos pumasok na siya do'n sa tent nila.

"Ako din matutulog na bye yannah, bye namjoon, bye taehyung, bye jimin" pag-katapos sabihin ni rain 'yon ay pumasok na din siya sa tent na pinasukan ni madie.

Naiwan nalang kaming apat dito. Wala kumikibo sa'min. Lahat lang kami ay nakatuon ang atensyon sa mga bituin sa kalangitan.

"Jiminshii" rinig naming tawag ni jungkook kay jimin. "Patulong, yung cellphone ko kasi ayaw mag bukas simula nung nabagsak ko eh" sabi ni jungkook habang kinakamot-kamot yung ulo niya.

Hindi na nag-salita si jimin at tumayo nalang papunta doon sa tent nila.

"Taehyung may sasabihin ako" sabi ko kay taehyung na nasa tabi ni yannah.

"Ano 'yun hyung?" nakita ko na nakatuon yung atensyon nilang dalawa sa'kin.

"Yannah will be you're personal assistant, she'll start tomorrow" direkta kong sabi. Pero imbis na may marinig akong pagpa-pasalamat ni taehyung ay nilamon lang kaming tatlo ng katahimikan.

"Bakit hyung? Yannah is you're assistant" hindi ba siya masaya? Buti nga magiging assistant niya si yannah eh.

"Tsaka namjoon diba sabi ko—"

Pinutol ko 'yung sasabihin ni yannah.

"I'm fine, assist taehyung mas kailangan ka ni taehyung HAHAHA.  Kaya ko naman na sarili ko" pagka-sabi ko nun ay pumasok na 'ko sa tent namin nila seokjin, yoongi, at tyron.

Humiga nalang ako, sa pinaka dulo ako pumwesto katabi ko yoongi na mahimbing nang natutulog.

Bakit ang sakit? Bakit sakit yung nararamdaman ko? hahaha.

Siguro bipolar lang 'tong puso ko. Hindi alam yung pagkakaiba ng saya sa lungkot. Dapat masaya ako ngayon eh pero bakit ganto? Bakit...ba-bakit may luha?  Bakit ang sakit?

"Umiiyak ka ba namjoon?" dahil sa gulat ko eh agad-agad kong pinunasan 'yung mga luha sa mata at pisnge ko.

"Ayos lang naman ako seokjin, matulog ka na maaga pa tayo bukas" sabi ko without looking at him.

Dreamer [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon