Entry #70

169K 4.7K 370
                                    

Dear Future Boyfriend,

Three days straight na akong pumupunta kina Ashton para manuod ng band practice nila. Sa tatlong araw na yon mas nagiging close na kami sa isa’t-isa. Sa tuwing tumutugtog sya, hindi ko maiwasan na isipin na ako ang tinutugtugan nya. Ang sarap nyang panoorin. Ang cool kasi nya tignan habang natugtog ng gitara.

Pero hindi ko maiwasan na mag-selos kay Trisha. Ang dikit kasi nya kay Ashton tuwing tumutugtog sila. Mukha silang love team ng banda. Kinakain talaga ako ng selos ko minsan, pero pagkatapos naman nila tumugtog inihahatid ako ni Ashton sa bahay namin kaya bawing-bawi ang selos ko. Napapasaya nya kasi ako palagi.

Alam mo yung feeling na ramdam na ramdam mo na mahalaga ka sa kanya? Na concerned sya sa’yo? Kahit di nya aminin sa akin na sya si Mr Creeper, okay lang kasi pinapatunayan naman nya na hindi masasayang ang feelings ko sa kanya. Ngayon palang kasi pinapatunayan nya na, na worthy sya na magustuhan. Na he’s worth falling for. Na he’s willing to catch me when I fall.

Ang cute nya talaga! Lalo na kapag ngumingiti sya sa akin, tapos ang mga mata nya kumikislap. Feeling ko talaga dahil sakin kaya ganon ang mga mata nya. Ang haba ng buhok ko! Ang fluffy sa pakiramdam. Para akong napupuno ng cotton candy. Hindi ko alam kung bakit cotton candy. Haha! Basta ang sweet kasi namin. Kinikilig ako. >.<

Kung ikaw si Ashton, ipagpatuloy mo lang yan ha! Pero I’m sure ikaw sya! Kasi sasagutin ko sya kapag nanligaw na sya. I love you! :D

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon