Kayleen

186K 5.9K 1.1K
                                    

Kayleen

“Sayang wala rito sina Ashton ngayon.”

Automatic na may bumagsak sa akin na malaking bato sa sinabi ni Ashleen. Sayang yung blueberry muffins na dala ko. Hindi ko sya makikita na kinakain ‘yon. Sa tuwing nakikita ko kasi si Ashton na kinakain ang mga na-bake ko, feeling ko ako na ang pinakamasayang tao sa mundo! Kaso ngayon, sawi ako. Di ko sya makikita.

“Bakit nga ba sila lumipat ng practice place?”

Naramdaman ko ang magaang kamay ni Ashleen sa buhok ko habang inaayusan ako. Sana sa salon din ganito ang kamay nila, yung iba kasi sobra kung makahigit ng buhok sa pagsusuklay. May plano yata silang mangalbo ng customers.

“Hindi ko rin alam eh. Basta biglang doon daw kina Trisha ang practice kasi di raw sya pinayagan na lumabas ng bahay.”

“Hmm.” Mas lalo akong nalungkot na kina Trisha pala sila nag-practice ngayon.

“Kayleen?”

Tumingin ako sa kanya mula sa salamin. “Bakit?”

“Gusto mo ba si Ash?”

Nabigla ako sa tanong nya. “H-Huh?!”

“I know, I know naman na lagi mong sinasabi na mas bata sya sayo kaya ayaw mo sa kanya. Tsaka natatakot ka sa kanya. Pero kasi mukhang okay na kayo.”

“Uhh...” Wala akong masabi.

“May nangyari ba sa inyo sa Baguio?”

Uminit ang mukha ko. “WAAAAH! Ano’ng ibig mong sabihin?”

“You know...”

“A-Ano ‘yon?” Nagbuhol na ang dila ko. Alam kaya nyang nag-holding hands kami ng kapatid nya at hinuhuli nalang nya akong umamin? Sasabihin ko rin naman sa kanya pero hindi pa ngayon! Waaah!

“Nag-sorry na ba sya sa’yo noon sa Baguio?”

“Sorry saan?” nagtataka kong tanong.

Ngumuso sya. “Dun sa kiss?”

Namula ang mukha ko. “K-Kiss?” Nakita nya ba kaming nagkiss ni Ashton not once but twice?! Sasabihin ko rin naman yun sa kanya pero hindi pa ngayon! Pano nya alam yun?

“Nakalimutan mo na ba? Hinalikan ka nya noong sixteenth birthday nya,” nangingiti pa nyang sabi.

“Ahh.” Nakahinga ako nang maluwag.

“Nag-sorry na sya?”

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon