Chapter 7 - Marupok

514 16 6
                                    

Isang oras na lang, lalapag na sa wakas ang eroplanong sinasakyan nila sa Manila. 

Pansamantala ay natulog muna muli si Anne. Naubusan na kasi sila ng pag-uusapan kaya iidlip na lang muna siya. Pero binilinan niya si Paul na gisingin siya kapag maglalabasan na ang mga tao sa eroplano mamaya. Inabisuhan niya ito na wag siyang gigisingin ng hindi pa naglalabasan ang mga tao.

Sinamantala na ni Paul ang pagtitig sa mala anghel na mukha ni Anne dahil baka di na sila magkita ulit dalawa. Sa halos 24 hours na kasama at kakwentuhan nito si Anne ay masasabi nitong naging masaya ito at bumalik ang paghanga nito sa kanya na parang gaya noong high school pa sila. 

Hanga ito kay Anne dahil kahit na may dinaramdam sa puso ay nakukuha pa ring maging masaya. Habang nakatitig ito kay Anne ay iniisip nito na sana sila na lang ang nagkatuluyan, sana may chance pa para sa kanila. Pero naisip agad nito na pamilyado ng tao si Anne kaya napaka-impossible na ng iniisip nito.

Hay Anne. Wika ni Paul sa isip sabay buntong hininga ng napaka-lalim.

Habang tinitigan nito si Anne ay nahulog na naman ang blanket na nakabalabad sa kanya at tumambad na naman dito ang malusog niyang dibdib. Napalunok tuloy si Paul ng laway sa nasisilayan.

Bilang isang lalaki ay gusto nitong yakapin ng mahigpit si Anne dahil sa nakikita. Pero dahil sa ginagalang siya nito, kaya kinumutan na lamang siya ulit nito. At sa tagal nilang magkatabi sa eroplano ay naging magalang ito sa kanya the whole time. For Paul, napakasarap talaga kakwentuhan ni Anne, di nga mababakas na may dinaramdam pala siya sa puso.

Nag-landing na ang eroplano sa NAIA. Binuksan na ang pintuan ng eroplano kaya ginising na nito si Anne. Agad namang gumising si Anne at inayos ang mga gamit nya. Nagsuot siya ng jacket at nagsabay na silang lumabas ni Paul. 

Nag-rest room muna siya at nagtoothbrush bago pumila sa immigration check out. Nag-ayos siya ng bahagya. Paglabas niya ng rest room ay laking gulat niya dahil naghihintay pa rin pala sa kanya si Paul sa labas.

"O andito ka pa pala Attorney!" gulat na tanong niya.

"Oo hinintay talaga kita. Nagtoothbrush din ako at naghilamos kasi ang lagkit ko na. Pero mamaya na ako magbibihis sa hotel," wika nito na nakatitig lang kay Anne. Grabe ang ganda pala talaga nito kahit lipstick at powder lang ay lutang lalo ang kagandahan nya.

"O bakit nakatitig ka ng ganyan sa akin may muta ba ako?" natatawang tanong nya kay Paul na titig na titig sa kanya.

"Ah wala... wala!" sagot nito sabay kuha sa backpack ni Anne para bitbitin iyon.

"Thank you!" pasasalamat niya habang naglalakad na sila para pumila sa immigration.

"No worries!" maigsing sagot nito na maganda ang ngiti sa kanya. Pinauna nito si Anne sa pila.

Pagkatapos sa check out ay sinamahan din nito si Anne sa baggage carousel upang kunin ang kanilang luggage. Pinagbuhat nito ng luggage si Anne dahil alam nito na napakabigat ng mga iyon. Naglalakad na sila palabas ng arriving area ng magpaalamanan sa isa't-isa.

"So paano Attorney, see you when I see you na lang! Thanks sa lahat ng help at thanks din sa masarap na kwentuhan sa buong byahe," paalam niya habang tulak ang kanyang cart.

"Ikaw din at ingat ka. Sana magkita ulit tayo," sagot naman ni Paul hanggang sa tuluyan na silang naghiwalay ng daan.

Pumila si Anne sa abangan ng taxi at si Paul naman ay pumunta sa area kung saan naka-park ang grab driver na kakilala nito. Lalabas na sana sina Paul ng parking lot pero pinakiusapan nito ang driver na ibwelta sa may sakayan ng taxi ang sasakyan nito. Worried kasi ito kay Anne na baka luko-lukong taxi driver ang matapatan. 

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon