Chapter 8 - Lean on

425 14 6
                                    

"Anong ginagawa ng isang magandang binibini dito?" tanong ng lalake na ngiting-ngiti kay Anne sabay lapit sa kinauupuan niya. Agad namang napalinga si Anne dito.

"O ikaw pala Attorney Paul! Halika samahan mo ako, magpakalashing tayo!" sagot niya na napipilipat na ang dila dahil sa dami na ng nainom. "And by the way, you look handsome tonight," puri pa nya na may nakakalokong ngisi.

"Thank you for the compliment. That's the best compliment I've ever received from a drunk beautiful person like you," he chuckled.

"Hey, I'm telling the truth. And I'm not drunk yet."

"Well, thank you pero mukhang may broken hearted ata dito. Tingnan mo o, halos punuin mo na ng baso mo itong table," puna nito sabay baling ng ngiti sa bartender. "Iuwi na kaya kita, lasing na lasing ka na kasi," pag-aalala pa nito.

"Di pa ako lasing noh! Iinom pa ako. Kuya isa pa, please!" utos niya sa bartender pero halos mahulog na siya sa kinauupuan. 

Kaya naman nakaantabay si Paul sa kanya dahil baka mahulog siya sa kinauupuan. Hinayaan lang nito na uminom siya nang uminom. Ramdam kasi nito na may problema siya. 

At alam ni Paul na asawa ang problema ng magandang dilag sa tabi nito. Wala namang babae ang magpapakalasing mag-isa kung walang kinikimkim na problema di ba? Usually, married women are always busy with their home-based daily routines. Pag lumabas na sila ng bahay papunta sa isang bar mag-isa, it's either lumabas sila just to relax or to breathe dahil sa dinadalang problema sa dibdib nila. 

Hanggang sa nakatulog na nga si Anne dahil sa kalasingan, napasubsob na ito sa table. Hindi naman ito pinabayaan ni Paul. Binayaran na agad nito ang mga alak na nainom ni Anne tsaka dinampot ang gamit niya. Inilabas siya nito sa bar at isinakay sa kotse nito. 

Sinabi na lang ni Paul sa bartender na bukas na lang kukunin ang kotse ni Anne. Binilin daw kasi ni Anne ang gamit  sa bartender pati susi ng kotse. Dahil marahil plano na talaga ni Anne na magpakalasing until she black out. 

Pero sa halip na sa Pearl hotel nito dalhin si Anne ay sa hotel na lang kung saan nag-i-stay si Paul dinala ang lasing na lasing at walang lakas na dating school mate. Binuhat siya ni Paul hanggang sa room nito. Kahit mabigat ay kinaya nito hanggang sa maihiga na nito si Anne sa kama.

Habang tinititigan nito si Anne na natutulog ay iniisip nito kung ano kaya ang problema ni Anne para magpakalasing ng ganon na halos wala ng bukas.

Wag kang mag-alala Anne, kung ano mang pinagdadaanan mo andito lang ako. Bulong nito sa isip habang nakatitig at awang-awa dito.

Gentleman talaga si Paul, hindi ito bantay salakay ng lasing at problemadong babae. Pero sa babaeng gusto nito lang ito ganon. Kilala nito ang sarili nito pagdating sa tukso at babae, at mabibilang sa daliri nito ang babaeng pinapakitaan nito ng totoong Paul, isa na si Anne doon. 

High school pa lang sila ay gustong-gusto na nito si Anne. At para dito mula noon hanggang ngayon ay kagalang-galang pa rin siya at kaibig-ibig. 

This woman deserves to be love and to be appreciated. Wish I could own you, your husband doesn't know how to respect and treat you well. He is an asshole. 

Kinumutan na lang nito si Anne at dun na lang ito sa couch natulog. Hindi na nito itinuloy ang balak na pag-iinom sa bar dahil mas mahalaga na maialis nito si Anne doon at thankful ito na naisipan nitong dumaan doon kanina. Dahil kung hindi ito dumating ay malamang nabastos na si Anne ng mga customers sa nasabing bar.

Kinaumagahan, hilot agad ni Anne ang ulo nya pagkagising. Pilit niyang iminulat ang mga mata niya. Pagmulat niya ay nagulat siya dahil iba ang kwarto na kinaroroonan niya. Kaya napapiglas siya sa kama na kinahihigahan. Nakita agad niya si Paul na kalalabas lang ng bathroom at bagong ligo.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon