Chapter 10 - Companion

383 14 0
                                    

Walang kaalam-alam si Lui sa pangtatraydor ni Kate para masira silang mag-asawa. At bukod pa doon ay kinuwento ng kambal kay Anne ang nangyari kagabi. Kaya lalo siyang nagpuyos sa galit kay Lui. 

Gustong-gusto na niyang bumalik ng US ng mga oras na yun para kunin ang kambal. Pero pinagsabihan siya ng parents niya na maghinay-hinay sa pagdedesisyon. Wag pairalin ang galit dahil baka maapektuhan ng husto ang mga bata sa ano mang hakbang na gagawin niya. 

Kinumpirma naman ni Judith at Lala ang tungkol sa mga picture na sinend ni Kate kasama ang kambal.

"Bes, wag kang mag-alala pinicturan din namin sila. Isesend na nga rin sana namin sayo ang mga pictures pero naunahan na pala kami ng bruhang Kate. Magagamit mo yan as evidence kapag nakapag-decide ka na i-divorce na ang magaling mong asawa," sulsul ni Judith kay Anne sa kabilang linya.

"Sumusobra na talaga sya bes. Pati mga anak namin gusto pa nyang ilapit sa Kate na yun! Alam mo bang nagkwento sa akin ang mga bata na nakita daw nila na may baril ang Kate na 'yon. Dun daw mismo sa bahay namin tinutukan ni Kate ng baril si Lui. Nagising daw sila dahil nag-aaway daw ang dad nila at ang kabit nya!" gigil na salaysay nya. Inihinto muna nya ang sasakyan sa gilid ng kalsada upang kausapin ang best friend. Wala kasi syang dalang bluetooth headset, naiwan nya sa hotel. Pabalik na sya sa Manila.

Tila namanhid na si Anne sa ginagawa ni Lui sa kanya. Kaya hindi na umiiyak sa pinaggagagawa ng asawa. Galit ang nararamdaman nya at awa sa mga anak dahil wala sya sa tabi ng mga ito.

"Bes, anong plano mo na?" mahinahong tanong nito sa kanya. May himig ng awa.

Bumuntong hininga muna si Anne. "Baka sundin ko ang advice ni Mommy. Gusto nila na dito na lang kami ng kambal. Para daw hindi mahalata ng mga bata na may problema kaming mag-asawa. Baka makipag-divorce na ako kay Lui. Pero hindi ko muna ipapaalam sa mga bata. Dito ko na lang sila papapasukin sa susunod na pasukan, tutal mahal din naman nila ang Pilipinas at matagal na nila gustong dito tumira sa lolo at lola nila."

"Sigurado ka na dyan bes?"

"Oo bes, bakit parang di mo ata gusto ang desisyon ko?" kunot-noo nyang tanong.

"E kasi bes mamimiss ko kayo ng kambal kapag umalis na kayo dito. Wala ka na bang ibang option? Yung di nyo na kailangan mag-settle sa Pilipinas."

"Ito lang ang alam kong makakabuti para sa amin ng twins. Bakit bes balak mo ba talaga tumanda sa America?" natatawang tanong niya dahil nararamdaman niyang nagsesenti na si Judith.

"Syempre naman hindi bes noh!" Mabilis na sagot nito. "Kaya lang, syempre hindi naman ako kasing yaman mo. Wala namang farm ang mama at papa ko para pagkunan ng source of income. Di ba nga nag-settle agad sila ng Pilipinas ng wala namang ipon. Kaya ako ngayon ang nagpapakakuba magpaaral sa mga kapatid ko dyan, di ba?" dugtong pa nito na may himig ng tampo sa magulang sabay pakawala ng hangin sa dibdib.

"Pero di ba bes isa na lang ang pinag-aaral mo ng college? Graduate na si Jon at Jona ng doctor at engineer, di ba?" napapaawa dito na tanong nya.

"Oo, kaya lang si Jude, di ba law ang kurso nya. Medyo magastos kaya kayod marino pa rin ako hanggang ngayo, at alam mo yan bes. Nagsisimula pa lang sina Jon sa career nila kaya wala pa akong maaasahan sa kanila na share. Minsan nga pinapautang mo pa ako kapag kapos ako ng pang-tuition ni Jude, di ba? Kaya kahit gustong-gusto ko na talaga bumalik ng Pilipinas di ko pwedeng gawin. Four years pa bago maka-graduate si bunso," mahabang paliwanag nito.

"Atleast may nagawa ka para sa family mo. Don't worry bes kahit andito na ako sa Pilipinas ako pa rin ang best friend mo na palagi mong malalapitan kahit anong oras," alo niya dito dahil alam niyang ito ang kauna-unahan talagang mababaguhan kapag nilisan na nya ang America.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon