Chapter 11 - Park

367 11 6
                                    

"Hi Paul! Sorry, I'm late, ang traffic kasi e!" masayang bati ni Anne pagkakita kay Paul. Agad naman siyang pinaghila ni Paul ng upuan upang paupuin.

"Okay lang, halos kadarating ko lang naman din dito. Inorder ko na yung tinext mo na gusto mo ha," nakangiting sagot naman nito na di inaalis ang titig kay Anne.

"O bakit ganyan ka naman makatingin, may uling ba ako ng tambutso sa mukha ha?" natatawang tanong niya kay Paul na may napakalagkit na titig sa kanya.

"Wala, ito naman di ba pwedeng na-miss lang kita," namumula ang pisngi na sagot nito dahil medyo napahiya sa puna niya.

"Asus! Alin ang namiss mo ha, ako o yung ano!" pagbibiro niya na lalong nagpapula sa mukha ni Paul. Tisoy kasi ito kaya mabilis mamulahan ng mukha at tainga kapag tinutukso ni Anne.

Di rin nito akalain na makakausap na ulit nito ng ganoong kapilya si Anne. Inaasahan nito na magiging cold na si Anne after what happened sa kanila kagabi.

"Ay grabe sya oh! Syempre ikaw!" depensa nito na natatawa dahil hindi na talaga naiilang si Anne kumpara noong wala pang namamagitan sa kanila. Ngayon kung titigan ni Anne si Paul ay puno na ng ningning ang mga mata niya. Nakakatagal na siyang tumingin sa mga mata ni Paul na may kapilyahan.

Naputol ang tawanan nila dahil tinawag na ng staff ng coffee shop ang pangalan nila para sa kanilang order na kape at sandwich. Pero si Paul na lamang ang tumayo upang kunin iyon.

Samantala di inaasahan ni Paul na makikita si Mickey sa loob ng coffee shop na yun. Si Mickey ang agad na bumati kay Paul dahil ito ang unang nakapansin. Di naman nito nakilala agad si Anne dahil nakatalikod siya sa kinatatayuan ni Mickey. Agad lumapit si Mickey sa table nina Paul.

"Hi Paul, kumusta! Hinintay ka ng anak mo noong weekend ah," bungad ni Mickey sabay beso kay Paul.

"Ah pasensya na may pinuntahan kasi ako. Tinawagan ko naman si Kyle. Sabi ko bawi ako next week," paumanhin nito sa ex. Wala na silang bitterness kapag nagkikita. Tanggap na ni Paul na hindi talaga sila para sa isa't isa ni Mickey at si Mickey naman ay ganoon din.

"Next weekend ba? Di ba may reunion tayo nyan?" sagot nito sabay kalas sa pagkakayakap kay Paul at napabaling agad ang tingin kay Anne. "Ay sorry! May date ka pala, nakakaistorbo ba ako?" biglang sambit nito ng mapansin na may kasama si Paul. Nakaramdam tuloy ito bigla ng hiya.

"No... no, it's okay! This is not a date anyway," sabad ni Anne na bahagya lang namang napatingin kay Mickey kaya di rin nakilatis agad ang kausap.

"Wait, parang kilala kita!" mabilis na bulalas ni Mickey ng matitigan si Anne ng ayos.

"Huh?" nagtatakang tanong niya. Kaya napatingin na siya ng tuluyan kay Mickey.

"Anne! Ikaw yan?" gulat na wika nito. "Oh my God, ikaw nga yan!" 

"Bakit mo ako kilala?" nalilitong tanong niya.

"By the way Anne ito nga pala si Mickey, remember? Mickey si Anne, I'm glad you still remember her?" introduce ni Paul sa dalawa.

"Mickey? As in your ex and my ex volleyball team mate?" tanong ni Anne.

"Oo Anne, ako nga yun! Kumusta ka na, grabe ang ganda mo pa rin!" namamanghang sagot ni Mickey. "By the way buti at nagkakilanlan uli kayong dalawa ni Paul," dugtong pa nito.

"Nagkasabay kasi kami ng flight pabalik ng Pinas tapos magkatabi kami ng upuan sa plane kaya yun nagpakilala ako. Buti nga na-remember pa nya yung school natin noon pati ilang tao doon. Kaso di na raw nya maalala ang mga itsura, pero ang mga name natatandaan pa raw nya," sabad ni Paul sa usapan ng dalawa. "Teka ano nga palang ginagawa mo dito, di ba sa Quezon city ka?" tanong pa nito kay Mickey.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon