Chapter 14 - Asking for a divorce

437 18 13
                                    

Kinaumagahan pagkahatid ni Anne sa kambal, akala nya ay wala na si Lui sa bahay pagbalik nya. Pero nakalimutan lang pala nya na day off ng asawa nya ng araw na yun. Kaya laking gulat nya ng madatnan si Lui na umiinom pa rin ng kape sa favorite spot nito.

"Good morning, love!" He greeted her with a perfect smile.

Di naman sumagot si Anne dumiretso lang ito sa kwarto nila. Pero hindi na nakatiis si Lui kung kaya sinundan nya sa kwarto ang asawa.

"Love ano bang problema? Kausapin mo naman ako, please." He pleaded in a low tone. "Isang buwan ka ng ganyan sa akin. Mula ng bumalik ka never mo pa akong kinausap, kinakausap mo lang ako pag kaharap ang kambal. Ano bang problema love? I thought we are okay bago ka pumunta ng Pilipinas." Lakas loob pa nyang tanong.

"I want a divorce!" Mabilis na sagot ni Anne habang isa-isang kinukuha ang mga damit na nakakalat sa kwarto nila na for laundry.

"What?!" Gulat na sagot nito. Biglang bumilis ang pintig ng puso nito. Ito na yung kinakatakutan nya na hingin ni Anne sa kanya.

"You heard it, I want a divorce!" She retorted.

"But why?" Maigsing tanong nito na nabigla talaga sa gusto ng asawa. Oo nga't may problema sila pero hindi nya inasahan na agad-agad ay hihilingin ni Anne ang divorce. Alam nyang mahal sya ng asawa nya kaya akala nya ay madadaan ang lahat sa usupan.

"Sino bang naging unfaithful Lui?" Inis pa ring tanong nya dahil tila nalimutan na ni Lui ang pagtataksil nito sa kanya.

"Pero di ba nagkausap na tayo tungkol dyan. Matagal na kaming wala ni Kate, Anne." Giit nito.

"Talaga lang ha! E ano 'tong mga picture at video na ito!" Galit na talagang sagot nya sabay dampot ng cellphone nya sa side table ng kama. Halos ingudngod na nya ito sa mukha ni Lui para ipakita ang kanyang mga ebidensya. Agad naman iyong tiningnan ni Lui.

"Love matagal na 'to, please patawarin mo na ako. Ayoko ng divorce. Hindi ako papayag, sumumpa tayo na walang iwanan di ba?"

"Ikaw ang nagloko kaya ngayon panindigan mo ang pagloloko mo! This is what you get for being such a cheater!" She sighed and darted her eyes everywhere.

"Love please give me another chance, gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako. Wala na kami ni Kate matagal na. Please forgive me!" Pagmamakaawa nito sabay luhod sa sahig sa harapan ni Anne. He grabbed her wrist and squeezed it.

"Sa tingin mo ba ganong kadali lang kalimutan ang lahat ng nagawa mo at lahat ng sakit na binigay mo sa akin?" Gigil na tanong nya, matalim ang tingin sa nakaluhod na asawa.

"Love alam kong nagkamali ako. Pero gusto kong malaman mo na handa akong gawin ang lahat mapatawad mo lang ako. Wala na si Kate dito sa US, nasa Australia na sya kasama ng boyfriend nya. Sana maniwala ka sa akin, matagal ko ng pinutol ang ugnayan ko sa kanya." 

"Sorry Lui pero kahit wala na sa buhay mo si Kate hindi mo na mapapawi lahat ng sakit na dinulot mo sa akin. Buo na ang loob ko, gusto ko ng divorce!" Giit pa rin nya sabay hila ng kamay nya na hindi pinapakawalan ni Lui. Humakbang sya at nilagpasan ito na nakaluhod.

"Please love, ayoko ng divorce!" Pagsusumamo nito sabay tayo at yakap ng mahigpit sa nakatalikod na si Anne. Bigla-bigla muli itong lumuhod at paulit ulit na sinasabi na Sorry love please forgive me!

Naaawa man si Anne sa asawa pero iniwan nyang nakaluhod si Lui sa kwarto nila. Bumaba sya ng hagdan at doon sa labahin nya binuhos ang halo-halong nararamdaman. Pagkatapos ay naglinis sya ng bahay habang si Lui ay patuloy pa rin sa pagsuyo sa kanya. Pinagluto sya nito at sinamahan din sa pagsundo sa mga bata. Sa totoo lang na-miss nya ang ganoong bagay.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon