Chapter 15 - Preaching

389 16 10
                                    

Kinabukasan surpresang dinalaw ni Judith at Lala ang kaibigang si Anne. Mula kasi ng bumalik si Anne ay saglit lang sila nakapag-kwentuhan sa kanilang apartment noong dinala ni Anne ang mga pasalubong ng mga ito. Nagulat naman si Anne ng makita ang dalawang kaibigan sa labas ng pinto ng bahay nila. Di kasi nya alam na day off pala ng dalawa.

"Surprise!!" Bungad ni Judith pagbukas na pagbukas ni Anne ng pinto.

"Ay grabe sila oh nanggugulat talaga. Ba't di nyo sinabi sa akin kahapon na day off nyo pala today." Kunwaring pagtatampo nya sa dalawa. Pero di din naman nakatiis at niyakap din agad niya ang dalawa na kala mo ay sampong taon hindi nagkita-kita dahil sa higpit ng yakapan nila. "Tara sa loob, dito tayo magchikahan!" Masayang yaya nya sa dalawa.

"Bes, infairness mukha na uling bahay itong balay nyo ha." Puna ni Judith pagkapasok na pagkapasok pa lang sa may salas.

"What do you mean bes? Mukhang bahay naman talaga 'to ah!" Kunot noong sagot nya na tila di gets ang biro ng kaibigan.

"Ang ibig sabihan nitong si Judith kapatid e noong wala ka dito sa tuwing dadalawin namin ang kambal mo. Naku, parang binagyo itong bahay nyo. Di man lang ma-vacuum ata ng asawa mo ang sahig nyo. Tapos ang hugasin tambak sa sink." Paliwanag ni Lala.

"Ay naku 'te sinabi nyo pa. Nagulat nga ako pagdating ko dito, sobrang kalat talaga. Di talaga ako nakatulog dahil feeling ko kakagatin ako ng bugs any moment kapag natulog ako. Kaya instead na magpahinga ako pagdating ko. E ayun naglinis na lang si Inday!" Bida nya sa dalawa. Nagkatawanan na lamang silang tatlo. Ganon naman talaga ang mga housewife, hindi nakakatiis sa kalat ng bahay.

"Anyway, kumusta ka na ba bes? Sobrang na-miss ka talaga namin ni Ate La." Pag-iiba ni Judith sa usapan.

"Okay lang ako bes. Balak ko sana, itong bakasyon ng mga bata bumalik kami ng Pilipinas. Doon ko na sila papapasukin ng school." Walang prenong sagot ni Anne kaya napanganga ang dalawa sa sinabi nya.

"Alam na ba ni Sir Lui yang plano mo?" Si Lala.

"Di ko pa nadidiscuss sa kanya 'te. Alam ko kasing hindi sya papayag, kaya bibiglain ko na lang ang pagsasabi siguro. I'll do it kapag nasa Pinas na kami ng mga bata para di na sya makakontra." Sagot ni Anne na buo na talaga sa isip ang plano.

"Salbahe ka bes! Di maganda yang plano mo ha. Para ka na ring kidnapper ng sarili mong mga anak sa gagawin mo ha. Bakit di mo i-try na sabihin sa kanya ang plano mo. Malay mo naman okay lang sa kanya na dun na muna kayo ng kambal." Kontra ni Judith.

Pero sa halip na sumagot si Anne ay pumunta ito sa kusina para kumuha ng mamemeryenda ng mga kaibigan. Wala na naman syang gagawin na iba dahil nakapag-linis na sya ng bahay at nakapaglaba na ng mga damit kahapon. 

Agad namang sumunod ang dalawa sa kanya. Kaya naman doon na lamang sila nagkwentuhan sa may kusina. Gaya ng dati may dala na namang mga lutuin at ingredients sina Judith. Kaya sinalansa iyon ng dalawa sa may table para lutuin mamaya sa kanilang pananghalian.

"Bes ano na?" Pangungulit ni Judith habang panay ang kain sa cake na paborito nito.

"Anong ano na bes?" Walang ka ide-idea na balik tanong ni Anne dito.

"Ang sinasabi nyan yung about sa pagsasabi mo ng totoo kay Lui about sa plano mo sa mga bata na pagpasok sa Pinas." Sabad ni Lala.

"Ah yun ba, di yun papayag pupusta ako mga bes! 100% sure!" Siguradong sagot nya.

"How can you sure, aber!" Hirit ni Judith.

"Because I'm asking him a divorce at ayaw nya. So yun pa kayang lalayo kaming mag-iina e payagan nya?" Biglaang sagot nya. Nagkatinginan tuloy si Judith at Lala.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon