Chapter 19 - Present

303 14 7
                                    

Unang araw pa lang ni Ivan sa US ay tinawagan na agad ni Judith si Anne sa bahay dahil nagpapasama ito na i-meet si Ivan sa hotel na tinutuluyan nito. Ayaw sana ni Anne sumama, kaya lang ay nagpupumilit si Judith. Natatakot daw ito mag-isa na kitain ang long time chatmate nito.

"Bes pwede bang ikaw na lang, alam mo na! O kaya si Ate La na lang ang isama mo." Tanggi ni Anne sa kabilang linya.

"Bes sige na samahan mo na ako. May trabaho kasi si Ate Lala ayaw nyang umabsent. Sige na bes kilala mo naman si Ivan di ba?" Kumbinsi pa rin ni Judith.

"Pero bes alam mo namang ayoko na makabalita ng kahit ano kay Paul. Nasisiguro ko na hindi nya maiiwasan na tanungin ako about kay Paul at sa nangyari sa amin." Paliwanag nya.

"Bes hayaan mo na, siguro panahon na rin para pag-usapan ang tungkol sa inyo. Tsaka wag kang mag-alala wala naman si Ate Lala kaya safe ang anomang pag-uusapan natin about sa inyo ni Paul, walang kokontra sa atin. Tsaka wala na naman kayo ni Paul e." Pangungulit pa rin nito.

Kinalaunan ay pumayag din naman si Anne dahil sa kakulitan ni Judith. Pinuntahan nila si Ivan sa hotel at dinala nila sa isang restaurant na malapit lang din sa hotel nito. Sa backseat na lang umupo si Anne. At si Ivan ay sa unahan sa tabi ni Judith na syang nagmamaneho ng kotse. Wala namang imik si Anne sa likod, nakikinig lang sya sa masayang kwentuhan ni Judith at Ivan.

Halata naman ni Anne na tila ilang sa kanya si Ivan dahil hindi sya nito madalas kinakausap simula pa kanina. Di kagaya noong una nilang mag-meet sa Pilipinas napaka-daldal ni Ivan at walang tigil sa pakikipagkwentuhan sa kanya. Kaya medyo nagtataka rin sya kung bakit tila ilang na ilang sa kanya ang lalaki. But anyway, maybe he is upset to her because she dumped Paul.

"Ah, hi Anne, kumusta ka na?" Medyo nahihiya pang tanong ni Ivan ng nakaupo na sila loob ng restaurant. Hindi rin ito nakatiis na kausapin sya.

"I'm good!" Maigsing sagot lamang nya pero di makatingin ng diretso kay Ivan.

"Bes, nagkita na nga pala kayo nitong si Ivan 1 time sa Philippines 'no?" Singit ni Judith. Nakikita kasi nitong nagkakahiyaan ang dalawang kasama.

"Yes bes, a long time ago." Sagot ni Anne.

"That was last year lang di ba Anne? Sa isang gathering ng barkada sa Manila." Sabad ni Ivan na may gustong ipaalala.

"Yeah." Maigsing sagot nya.

"By the way nga pala Anne pinakakamusta ka ni Paul." Walang pakundangang wika ni Ivan. Pinanlakihan naman ito ni Judith ng mata. Pinipigil itong magsalita ng about kay Paul. 

"Tell him, I'm good!" Walang ganang sagot ni Anne.

"Makakarating!" Tipid na wika ni Ivan na may ngiti pang nakakaloko. Nahampas tuloy ito ni Judith ng bahagya sa hita.

"By the way Ivan hanggang kailan ka nga pala dito sa US?" Pag-iiba na lang ni Judith sa usapan.

"I'm gonna stay here for 1 month. Doon ako pinapatuloy ni Paul sa house ng lolo at lola nya. Kaya lang sabi ko wag na, kasi magtatravel ako sa ibang state to do my vlog."

"Kelan mo balak mag-start ng vlog mo dito?" Tanong muli ni Judith.

"It's up to you." Biglaang sagot nito kaya nagtaka si Judith kung bakit it's up to her.

"Bakit naman ako?" Takang tanong nito.

"Kasi andito naman ako for you not because of my extra job. Pero kung gusto mo naman magtravel with me, mas maganda." Sinserong sagot ni Ivan na nagpakilig naman kay Judith.

"Pwede naman kita samahan kasi may vacation leave naman ako. Kaya lang 2 weeks nga lang yun." Walang kagatol-gatol na sagot nito. May kakirihan din. Tinamaan na nga kay Ivan.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon