Chapter 22 - Chase

282 14 2
                                    

Pagkatapos makipag-usap ni Anne kay Paul sa cellphone ay bumalik muli sya sa pagkakatulog. Tila nababawi na nya ang lakas na nawala sa kanya ng nakaraang gabi na magkasama sila ni Paul. Samantala maka isang oras ay dumating naman si Judith.

"Bes ano ba bakit ang aga-aga mong dumayo ng chismis dito!" Antok pa rin na wika ni Anne sabay balik ng higa sa kama.

"Bes ano ka ba bumangon ka na nga dyan, yan ka na naman e!" Saway ni Judith sabay hila sa paa nya dahil humiga ulit sya sa kama.

"Ano ba bes inaantok pa ako e! Bakit ba ang daming istorbo ngayong araw na 'to sa pagtulog ko." Nasabi nya na nakapikit pa rin kahit kunukulit sya ng kaibigan. Bukod kasi kay Paul ay mas maaga nyang nakatawagan ang kambal at si Lui sumunod ay si Lala.

"Ano bang pinagsasasabi mo dyan na istorbo. Pasalamat ka nga naaalala ka pang istorbohin, ikaw talaga! Bumangon ka na dyan at maligo aabutin tayo ng init sa byahe." Giit ni Judith sabay hila muli sa paa nya at kiliti kaya naman napilitan din si Anne na tumayo.

"Ikaw talaga bes kakainis ka. Bakit ba ang aga-aga natin aalis? Akala ko ba 10:00 AM pa ang alis natin e mag aalas otso pa lang ah!" Kunwaring inis na tanong nya.

"Bes mas okay na yung maagap. Kasi mamaya mainit na ang panahon noh, e ang haba-haba pa naman ng byahe natin di ba. Kaya ikaw pumunta ka na sa bathroom at maligo na bilis na!" Natatawang utos nito.

"Okay, okay mommy maliligo na!" Biro nya na napilitan ding sumunod. "Teka, bakit basa ang buhok mo? Di ba puyat ka? Baka mabaliw ka nyan o kaya sumakit ang ulo mo kasi wala kang tulog. Di ba nakipaglaban ka kagabi?" Puna pa nya na may nakakalokong ngisi at tingin.

"Gaga! Maaga kaming naglabanan ni papa Ivan noh. Alam nya kasi na maaga tayong aalis ngayon. Kaya ayun sabay na rin kami naligo kanina." Kinikilig na sagot nito.

"Ang kiri mo!" Tumatawang biro nya.

"Bakit ba e minsan lang naman ako magkaganito. Pagbalik ko sa US kayod kabayo na naman ako. Ilang buwan na naman bago ko matikman ang papa Ivan ko. Kaya sinusulit ko na, ikaw talaga gusto mo ikaw lang palagi e!" 

"Magpakasal ka na kasi. Sinasabi ko talaga sayo pag naumpog yun iiwan ka nun, ipagpapalit ka sa mas bata at virgin!" Pag-aasar na naman nya dito.

"Gaga ka talaga, virgin ako ng nakuha nun noh kaya hindi ako ipagpapalit nun!"

"Virgin ka dyan!" Kunwaring di naniniwalang wika ni Anne. "Ang dami mo na kayang naging boyfriend. Lalo na yung si Kenzo ba yun di ba ang yummy nun, imposibleng nakaligtas ka dun."

"Naku bes, kahit yummy pa si Kenzo di ko sinuko ang bataan ko dun noh! Hanggang kiss lang naman ako sa kanila alam mo yan. Pero pag itutuloy-tuloy na nila, no na ako dyan. Kaya nga di sila tumatagal lahat sa akin di ba, kasi ang gusto nila sex palagi. Kay papa Ivan lang naman ako bumigay kasi di lang sya yummy mahal pa sya ng puso ko!" Kinikilig na sagot nito at hindi maalis-alis ang ngiti.

"Ikaw talaga pa-yummy ka rin e noh. Kaya ka iniiwan ng mga boys mo noon binibitin mo pala. Dyan ka na nga maliligo lang ako." 

"Okay magme-make up lang ako dito bilisan mo ha!" Maarteng sagot nito sabay guhit ng lapis sa kilay.

Eksakto alas nuwebe na ng makaalis sina Anne at Judith ng hotel. Medyo maluwag na ang traffic ng oras na yun kaya naman mabilis silang nakalabas ng Manila. Mas pinili ng magkaibigan na mag roro na lang kaysa mag travel by plane. 

Ang katwiran nila ay mas exciting ang byahe nila kung may dala silang kotse. Tutal ang lugar naman nina Judith ay abot ng kotse dahil nasa kalapit na kabayanan lang ito. Pero si Ivan daw ay mageeroplano na lang ayon kay Judith dahil mas mabilis yun at makakabalik agad ito ng Manila sa linggo.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon