Chapter 24 - Cold

270 14 4
                                    

Pagkatapos ng bakasyon ni Judith at Anne sa Palawan ay agad silang bumiyahe pabalik ng Manila. Meron mang naging di pagkakaunawan ang magkaibigan ay agad naman nila iyong naayos.

Bagama't tutol si Judith sa ginagawa ng kaibigan ay wala naman syang magagawa dahil hindi na nya sakop ang pakialaman ang buhay at desisyon nito. 

Nakikita ni Judith kung gaano kasaya ang kaibigan nya kapag kasama si Paul at kung gaano nito ka-close ang pamilya at anak ni Paul. Kaya kahit kasalanan ang pagtakpan ang isa pang kasalanan ay pikit-mata na lamang si Judith. Dahil iyon din naman ang payo ng nobyo nyang si Ivan na wag ng makialam sa buhay ni Anne at Paul. Dahil nga may mga sarili na naman daw ang mga itong pag-iisip at alam na ang tama at mali.

Pero ganon pa man ay hindi naman nakakalimot si Judith na payuhan at paalalahanan si Anne sa mga mali nitong gawi. Para kasing nawiwili na si Anne sa company ng mga kaibigan at family ni Paul. Parang nalilimutan na nito na may pamilya itong naghihintay sa ibang bansa.

Madalas pa rin sermonan ni Judith si Anne lalo na ng magdecide ito na sa condo na ni Paul mag-stay habang binubuno nila ang natitira pang mga araw na bakasyon sa Pilipinas.

"Bes hayaan mo na lang ako. Desisyon ko 'to. At tsaka gusto ko lang naman makasama si Paul habang andito pa tayo sa Pilipinas. Two weeks na lang naman yun." Pakiusap ni Anne sa galit na si Judith sa kabilang linya. Ayaw kasi nitong pumayag sa plano nya.

"Bes ano ka ba, naririnig mo ba ang sarili mo? Ano bang feeling mo dalaga ka pa? Hoy Bes para ipaalala ko sayo may asawa ka na at dalawang anak sa US. Kaya wag kang mag-feeling dalaga dyan!" Galit na sermon nito.

"Ah basta, sa ayaw at sa gusto mo magche-check out na ako mamaya sa hotel!" Pagmamatigas nya sabay off sa cellphone.

Hindi na nga napigilan ni Judith si Anne na lumipat sa condo ni Paul. Kaya naman sa inis nito ay hindi na nito kinausap si Anne.

Hanggang sa makauwi na sila ng US ay hindi pa rin sila nagkikibuan. Alam ni Anne na kasalanan nya kaya galit ang best friend nya sa kanya. Wala naman talagang matutuwa sa ginagawa nya. Pero ano bang gagawin nya masaya sya kay Paul.

Nagtataka naman si Lala dahil ng dumalaw si Anne sa kanya sa apartment ay umalis si Judith at nagpaalam bigla na maggo-grocery. Tumagal pa nang tumagal ang pagtatampuhan nilang magbest-friend.

Ganon pa man ay hindi naman nagkukwento ang mga ito kay Lala ng tampuhan nila. Nakakahalata man si Lala pero hindi naman nito ugali na mag-usisa kung hindi ang mga ito ang mauunang mag-open dito. Kaya walang namagitan sa dalawa para magka-ayos. Isa pa ay masisiwalat ang sekreto nila kapag isa sa kanila ay nagsalita kay Lala.

Samantala nagpatuloy pa rin ang pakikipaglaro ni Anne ng apoy kasama si Paul. Nagiging cold na naman sya sa asawa nyang si Lui. At hindi naman manhid si Lui para di mapansin ang pagbabago ng asawa mula ng bumalik ito galing ng Pilipinas.

Kaya ng hindi na ito nakatiis after 1 month ng pagiging cold ni Anne sa kanya. Ay nagtanong na sya kay Judith kung ano ba ang nangyari sa asawa nya sa Pilipinas. Bakit pagbalik nito ay tila wala na namang gana sa kanya.

"Judith ano bang nangyare sa asawa ko sa Pilipinas? Bakit pagbalik nya ang cold na nya sa akin?" Malumanay na tanong ni Lui kay Judith. Katabi nito si Lala habang sabay sabay silang nagkakape sa loob ng office ni Lui dahil katatapos lang ng kanilang meeting.

Sa halip na kape ang lunukin ay napalunok ng laway si Judith dahil hindi nito alam kung ano ang isasagot kay Lui. Kaya naman ng di ito sumasagot ay siniko ito bigla ni Lala na kinagulat nito.

"Ano ka ba bakit tulala ka dyan may tinatanong sayo si Sir Lui!" Pagtataka ni Lala.

"Ha, ah e. Ano nga yung tinatanong nyo Sir?" Kinakabahang tanong ni Judith.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon