Chapter 34 - Interview

313 15 16
                                    

Kinabukasan ay tinupad naman ni Judith ang promise na sasamahan si Anne sa charity project nito kasama ang ilang volunteers. Si Lala naman ay hindi na sumama dahil may trabaho.

Sobrang saya ni Anne at Judith sa experience nila sa eskwelahan na yun sa unang araw pa lang. Kitang-kita mo ang ngiti ng mga bata kapag inaabutan sila ng free juice at pagkain. Hindi na nga naman kailangan gumastos para bumili ng softdrinks or any artificial flavor na juice kapag nagtatanghalian.

Sa dalawang linggo na pabalik-balik nina Anne sa eskwelahan ay naging maganda ang feedback ng school at mga bata sa kanila. Kaya naman tinuloy-tuloy na ni Anne ang pagpapadala ng supply ng juice sa dalawang public school na iyon.

Dahil doon ay taos pusong nagpasalamat ang dalawang school kay Anne at sa charity nya. Bukod pa doon ay pinost din ng mga principal sa official facebook page ng school ang pasasalamat sa kanya.

Kaya naman kumalat nang kumalat ang kabutihang puso na ginawa ng charity nya. Nakabalandra sa post maging mukha ni Anne at lahat ng pictures na sila mismo ang nagsisilbi sa mga bata.

Dahil sa pagkalat ng kabutihang puso nina Anne sa social media ay mas dumami ang humanga sa kanya. Naging dahilan din ang viral post na yun para mas dumami pa ang orders ng mga juices sa company nya.

Lumaki ang demand ng production nila at ang charity nya ay mas lalong lumaki ang pondo dahil sa dami ng nabebenta nila na produkto. Dumami din ang mga donation sa charity na itinayo nya na UNTHIRSTY KID charity foundation. Maging ang ibang nagmamay-ari ng farm ay nagdodonate na rin ng mga fresh fruits sa kanila para pandagdag sa kanilang produksyon.

Naging sobrang busy lalo ni Anne sa negosyo nya at sa pagtulong sa foundation. Pero ganon pa man ay hindi naman nya napapabayaan ang mga anak nya. Madalas ay kasama din nya ang mga anak sa mga charity event nila. Maging mga private school ay naging customer na rin ni Anne. Nag "no to cola" na rin ang mga private school dahil nainspired ang mga ito sa advocacy nya.

Dahil dumami nang dumami ang public school na sinusuplayan nya ng free juice. Maging ang maraming politician ay sumuporta din sa charity nya para magtuloy-tuloy ang kanyang advocacy.

Ang mga mayor ay nakipag-tulungan sa foundation nya para lahat ng public school ay masuportahan ng free fruit juice, free milk and mineral water. Nag-expand na rin sya ng new building ng juice factory nya sa isa pang farm nila sa Batangas.

Umabot na ng dalawang taon ang pamamayagpag nya sa negosyo at charity. Hanggang sa isang TV network ang nag-imbita sa kanya para interview-hin sa ginagawa nyang pagbibigay saya at tulong sa mga estudyante at patuloy na pagkilala sa produkto nya.

Wala pa man kasing commercial sa tv ang juice niya ay kilalang-kilala na ito lalo na sa buong Luzon. Maging mga bata ay gusto palaging bilhin ang produkto nya kapag nakikita sa store. Dahil bukod sa masarap daw ito at healthy ay paraan din daw nila yun para makatulong sa charity ni Anne.

Kasama ni Anne ang mga anak nya at ang bff na si Judith sa nasabing tv network. Dahil nga likas na maganda si Anne kaya naman napapagkamalan din itong artista sa network na yun ng mga nakakasalubong na tao sa hallway.

Nang sumalang na si Anne sa ere ay saktong kadarating lang ni Paul sa condo nito. Ugali na nitong i-on ang TV sa salas pagkakarating. Pero hindi naman sya nag-pay attention sa palabas. Diretso lang sya sa kwarto nya para magbihis pagkapindot sa remote control.

Pagkatapos magbihis ay kumuha naman sya ng maiinom na juice sa fridge. Pero nagpainit muna sya ng left over na spaghetti bago tuluyang umupo sa harap ng telebisyon. Sumubo agad sya ng pinainit na spaghetti ngunit hindi pa rin nalilingilan ang umeere sa tv. Gutom na kasi sya kaya uunahin pa ba nya ang panonood kesa pagkain.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon