Chapter 35 - Party

245 13 6
                                    

Samantala nasa byahe na sina Anne nang oras na tinatawagan ni Paul si Judith. Abala naman si Anne sa pagmamaneho.

"Bestie tumatawag si Attorney. Malamang napanood ka nito sa tv kanina kaya tawag nang tawag." Pabulong na wika ni Judith kay Anne.

"Hayaan mo yan bes, asa pa sya!" Sagot lamang nya. "O andito ka na sa inyo bes, di na kami papasok sa loob ha. Ipapasyal ko pa itong mga bata sa mall. May bibilhin daw kasi sila na di nila makita sa mga mall sa Laguna. Salamat sa pagsama sa amin bes ha." Dugtong pa nya.

"Welcome bes, basta ikaw! Pero sayang naman hindi makikita ng baby Liam ko itong tatlo. Excited pa naman yun makalaro itong mga bagets mo." Panghihinayang ni Judith sabay beso kay Anne at kaway na lamang sa tatlong bata na nasa backseat.

Lingid sa kaalaman ni Judith, nag-aantay pala si Paul sa loob ng bahay nila. Kausap nito si Ivan at ang anak nila na si Liam. Kaya naman nagulat ito ng makita si Paul sa loob ng bahay nila.

"Bi, andyan ka na pala. Asan sina Anne? Akala ko ba dadaan sila dito?" Tanong agad ni Ivan pagkapasok na pagkapasok ng asawa sa pinto ng bahay nila. Nakatayo sa may salas ang magkaibigan.

"Ha, ah e hindi na sila pumasok kasi may pupuntahan pa daw sila. Next time na lang daw sila bibisita kay Liam." Malambing na sagot ni Judith sa asawa pero nakabaling ang tingin sa di inaasahang bisita. "Paul andyan ka pala. Kanina ka pa ba?" Patay malisyang tanong nito pero alam na kung bakit andon si Paul.

Ang tanga mo Judith, di mo man lang napansin ang kotse ni Paul sa labas ng gate kanina kakadaldal mo kasi! Bulong pa nito sa isip matapos tanungin si Paul. Pero buti na lang talaga di sumama ang mag-iina sa kanya sa loob.

"Hindi naman, kadarating ko lang. Kumusta si Anne tsaka yung mga bata. Sayang pala 'no hindi sila sumama sayo dito sa loob, sana pala nagkita kami." Sarkastikong sagot ni Paul dahil medyo nagtatampo kay Judith at Ivan. Hinala nya ay pinaglilihiman sya ng mag-asawa.

"Oo nga e, gusto mo ba ng maiinom?" Alok nito. "Ito talagang si bi hindi man lang inaalok ang bisita nya ng maiinom." Baling pa nito sa asawa.

"No thank you, okay lang ako. May gusto lang sana ako itanong. Napanood ko kasi si Anne kanina sa tv and I guess it's about time para sabihin nyo na sa akin kung nasaan sya." Diretsahang sabi ni Paul na may pang-uusig sa tono ng pananalita.

"Ah oo naimbitahan lang sya na mainterview. Ayaw nga sana nya, kaso yung mga supporters nya sa charity pinilit sya." Nakangiti at napipilitang sagot ni Judith. "Ah sige bi ikaw na ang bahala kay Paul, dadalhin ko lang si Liam sa play room nya." Iwas nito sabay akay sa anak.

"Judith please wag mo naman akong iwasan!" Biglaang sambit ni Paul na medyo mataas na ang boses. Kaya napatigil sa paglakad si Judith.

"Sige na bi, ako na ang bahala kay Liam. Kausapin mo na sya, dito lang muna kaming mag-ama sa loob ng play room." Sabad ni Ivan sabay kuha ng kamay ni Liam at akay papasok sa playroom.

Wala ng kawala si Judith, sukol na sya. Kaya naman wala na syang choice kundi kausapin si Paul. At tila ba gusto rin ng asawa nya na sabihin na ang totoo. Kaya siguro pinaubaya na nito na kausapin na nya si Paul ng solo.

"Alam mo Paul hindi naman namin gusto na maglihim sayo. Kaya lang nirerespeto naming mag-asawa ang kagustuhan ni Anne na wag sabihin sayo kung nasaan sya." Panimula nito dahil ang mga tingin ni Paul sa kanya ay halata na nang-uusig at may gustong marinig.

"Pero alam nyo na ilang taon ko na syang hinahanap di ba? Nagpunta pa nga ako sa America ng ilang beses para hanapin sya pero wala akong napala sa paghahanap sa kanya. Yun pala all this time alam nyo kung nasaan sya at nasa Pilipinas lang pala sya." Malumanay pero may diin sa tono na sagot nya.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon