Chapter 40 - Insult

238 16 6
                                    

Makalipas ang ilang araw pagkatapos ng interview ni Anne kay Jevi ay mas lalong dumami ang followers nila sa Facebook page ng foundation. Umabot ito ng 2 million additional followers sa loob lamang ng tatlong araw. Madami ding nadagdag na funds sa account ng foundation nila. Karamihan ay galing sa mga Pilipino sa ibang bansa at foreigners.

Dumami din nang dumami ang TV guesting at radio guesting nya. May iba talaga na pilit pa rin syang kinukuhang artista kahit daw maigsing role lang. Pero tinanggihan nya iyon. Hindi naman kasi artista ang pangarap nya. Masaya na sya sa pagiging business woman at masaya na sya na tumutulong sa kapwa. Kaya interview lang talaga ang tinatanggap nya.

Samantala sa wakas ay natuloy din ang palaging hiling na date ng producer na si Colton sa kanya at nalaman yun ni Paul dahil nasa balita ito. Sikat kasi na producer si Colton at dati ding sikat na artista ito. Kaya putok na putok sa balita ang date nila ni Anne. 

Hindi lang isang beses na date kundi nasundan pa nang nasundan ang date nila at may mga sweet photos pa na pinapakita sa balita at dyaryo. Kaya naman selos na selos si Paul kapag nakikita sa news si Anne na sweet sa producer na yun.

Ayaw na ni Anne ng commitment. Kaya tama ang sinabi ni Judith kay Paul na kalaunan ay babastedin din ng best friend si Colton. Pero kahit pa nga binasted na ni Anne si Colton ay patuloy pa rin silang lumalabas kasama minsan si Jessie at Ken. 

Kaya akala ng media ay si Anne at Colton na sa totoong buhay. Pero ang hindi nila alam ay olats na si Colton sa kanya matagal na. Tanggap naman yun ni Colton dahil nga hindi rin naman ito straight guy kaya kasundo ito ni Jessie at Ken.

"Hoy bakla ikaw ha gumagawa ka ng issue sa media. Ba't kasi ang hilig-hilig mong magpost ng picture na kulang na lang churvahin mo ako. Tingnan mo ito oh nakayakap ka sa akin tapos nakalapit ang nguso mo sa pisngi ko. Sinong di mag-iisip na magjowa tayo nyan?" Inis na kompronta ni Anne kay Colton habang nakikipagkwentuhan sila kay Jessie. Nabasa nya iyong balita sa website ng isang talk show. 

"Bakla, ang bibig mo baka marinig ka nila, ano ka ba! Hayaan mo na yan para naman hindi nila maisip na juding ako noh." Lambing ni Colton sa kanya ng pabulong. 

Nasa isa silang coffee shop at maraming Pinoy doon. Niyaya sya ng mga ito na eexplore ang Singapore kaya sumama sya. Isa pa ay ilan naman silang mga babae na kasama kaya hindi nakakaasiwa. Puro circle of friend ni Ken at Jessie ang kasama nila na naging kaibigan na rin nila ni Colton.

"Hay naku kayong dalawa talaga palagi nyo na lang ako ginagamit. Ba't kasi ayaw nyo pa magladlad. Rampa kung rampa para masaya ang buhay!" Biro nya sa dalawa.

"Gaga! Kita mo naman na may anak ako. Anong sasabihin ng anak ko pag nakita nya na ang handsome daddy nya e naka-make up at nakapalda!" Maarteng sagot ni Colton sa kanya.

May anak si Colton. Noong hindi pa ito sumisikat sa pag-aartista ay nakabuntis ito at nang panahon na yun ay in denial pa ito sa totoo nitong pagkatao. At babae pa ang nagiging girlfriend nito hanggang sa naka-disgrasya nga ito ng isa sa naging karelasyon. 

Gusto ng babae na pakasalan ito ni Colton pero dun napatunayan ni Colton na hindi nito kayang magpatali sa isang babae. Kaya sa galit ng babae ay iniwan nito kay Colton ang anak nila at sumama sa parents nito sa Dubai para makalimutan daw si Colton. 

Nalaman ni Anne na hindi straight si Colton ng dahil din kay Jessie at Ken. Nagkataon kasi na nagkita-kita sila sa isang bar at nalasing si Colton. Kaya lumabas ang pagiging malambot nito dahil nagdatingan ang mga kaibigan nina Jessie na puro gwapo at malalaki ang katawan. Kaya hindi napigilan ni Colton ang sarili na magladlad. Tawang-tawa si Anne ng makita na ang lalaking ka-date nya at brusko ay isa palang beki. Kaya nadagdagan na namn ang kanyang beshie.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon