Chapter 42 - Panakaw

232 12 0
                                    

After 1 month may TV guesting na naman si Anne hindi dahil sa pagtulong nya sa kapwa. Kundi dahil sa biglaang pagkalat ng viral video nila ng kapatid ni Lucy na si Michael. Gumawa kasi sila ng cover song at pumalo na agad sa 20 million views ang video nila in just 2 days at lalo itong sumikat dahil palagi silang nagduduet ni Michael. 

Gaya nga ng laging sinabi ni Lucy noon. Gusto nitong maging volunteer sa foundation ni Anne at palagi nitong isinasama ang kuya nito sa foundation every weekend. Kaya naging ka-close ni Anne ang magkapatid.

Magkasama si Anne at Michael na naimbitahan sa isang TV network. At after ng guesting nila ay naisip ni Anne na dumaan sa bahay ni Judith para kamustahin ang ilang linggo ng hindi nakikita na kaibigan. Sa di sinasadyang pagkakataon nasa bahay pala nina Judith ang buong tropa ni Ivan. May swimming pool kasi ang bahay ng mga ito kaya kadalasan every weekend ay doon tumatambay ang tropa kapag summer ang panahon.

Andon si Paul at Clarisse. Kaya laking gulat ni Anne ng makita na may mga bisita pala si Judith. Dinala kasi sila ng kasambahay sa may swimming pool area dahil andon daw sina Judith at anak nito na si Liam.

"Oopps, sorry bes may mga bisita ka pala!" Nahihiyang bungad ni Anne pagkakita sa mga familiar na mukha.

"Ano ka ba bes kilala mo naman ang mga yan. Teka, saan ka ba galing? Bakit parang bihis na bihis ka at may kasama ka pang boylet dyan!" Nakangiting sagot ni Judith sabay baling kay Michael.

"Sira! Di ba si Michael yan kapatid ni Lucy. Na-meet mo na sya sa foundation a long time ago di ba. But anyways, galing kami sa tres. Nag-guest kami sa Ang galing mo Pinoy program. After namin dun naisipan ko na daanan ka, miss na kasi na kita, bes!" Paliwanag nya sabay yakap sa kaibigan. Nakatingin naman ang tropahan ni Ivan sa kanila.

"Kuya, Ate Anne!" Malakas na bati ni Lucy sabay kaway sa dalawa. Gumanti naman ng kaway at ngiti ang dalawa ni Anne dito.

Magpapaalam na sana sina Anne pero pinigil sila ni Judith. Dahil magkukwentuhan daw muna sila. Kaya naman hinila agad sya ni Judith sa gilid kung nasaan ang anak na si Liam at ang yaya nito. Pero bago yun, dahil bago si Clarisse sa grupo kaya pinakilala muna ni Judith ito kay Anne at Michael. Nagulat na lang si Judith at iba pang kaibigan ng marinig na magkakilala na ang dalawa.

"Ah bes kilala ko na si Clarisse. She is the daughter of our lawyer." Agad na sabi ni Anne kay Judith na kinagulat ng lahat. "By the way Clarisse, this is my friend Michael. He is Lucy's brother anyway." Dugtong pa nya sabay ngiti pero hindi tinatapunan ng tingin ang katabi ni Clarisse na si Paul.

Nag-shake hands naman si Michael at Clarisse at binati rin ni Michael si Paul bilang paggalang dahil matagal na ang mga itong magkakilala. Pagkatapos magkakilanlan ay hinila na ni Judith sina Anne sa pwesto ng anak nito dahil parang may nase-sense ito na tension. Nakita kasi nya na nag-iba ang timpla ng mukha ni Paul pagkakita kay Anne kanina.

"Hoy Lucy bakit nagkakilala yang kuya mo at si Anne? Tsaka bakit parang may something sa kanila? Parang ang close close nila." Kunot noong tanong ni James.

"E kasi di ba sabi ko ipapakilala ko sila sa isa't isa. Kaya naman isinasama ko si kuya sa foundation pag nagvovolunteer ako. Kasalanan ko ba na nagclick sila. Tsaka heller, guys! Nanonood ba kayo ng YouTube? Viral kaya ang dalawang yan at ako ang nagvideo sa kanila habang kumakanta, tapos iniupload ko." Maarteng sagot at pagmamalaki naman ni Lucy.

Hinanap nga ni Madie sa YouTube ang video ng dalawa at totoo nga na madaming video ng cover song ang mga ito at million million na ang views.

"Omg, bakit hindi ko alam ito, ang cute nila!" Tili ni Madie habang pinapanood ang video ni Anne at Michael na kumakanta. Sobrang hanga kasi ito talaga sa boses ni Anne simula sa simula pa man nya itong nakilala.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon