1

68.7K 1.1K 32
                                    


VERANICE'S POV

"Ano ba naman kasi yan, Vera." naiinis na saad sa akin ng pinsan ko. Sinundo niya kasi ako ngayon dito sa bahay, kasi magkalapit lang naman yung bahay naming dalawa

"Sabi ng maagang magising eh." panay maktol nito sa akin. Kanina pa nga ako nabibingi sa mga sermon niya eh.

I sighed. "Sorry naman." at nagmamadali naman na akong nag-ayos ngayon.

Ngayon na kasi yung first day ko sa bagong kong school. I'm a transferee, kasi inilipat ako ng papa ko sa bagong university kasi mas maganda raw mag koliheyo dun sa paaralan na pinapasukan ng pinsan ko ngayon.

Medyo may kamahalan nga lang 'yong tuition fee, but sabi naman ni papa ay kakayanin niya naman para sa future ko.

Isang linggo na bago nagsimula ang klase pero ngayon pa lang ako papasok kasi kahapon ko lang natapos lahat maipasa ang mga requirements na hinihingi ng school.

Tumayo na siya. "Bilis! Ang terror pa naman ng first subject natin, at ayaw kong ma late dahil sa 'yo nuh!" pagmamadali niya pa sa akin.

Agad naman akong nagmadaling magsuklay. "Eto na nga, diba! Kasalanan ko bang hindi ko na narinig ang alarm ko. At hindi na ako nagising ni papa kasi maaga pa siyang umalis para sa trabaho niya." my father is a police officer. At mag-isa niya lang niya akong tinataguyod sa buhay because my mother already passed away. At mahirap man pero kinakaya ko lang.

She rolled her eyes. "Oo! Kasalanan mo!" she answered.

"Hayst! Oo na." pagkatapos ay naglagay na lang ako ng lipstick at kinuha ko na ang bag ko.

I'm ready!

Napatingin muli ako sa salamin, para tignan ang repleksyon ko at nagustuhan ko ang uniform namin ha! Parang ang fancy kasi kung tignan.

"Tayo na nga, dali!" sabi ko dito.

"Dali na!" she's my cousin, she's Eula Maquiran, her dad and my dad are siblings. At magka-edad lang kami nitong si Eula kaya magkasundo talaga kaming dalawa sa lahat ng bagay. Sabay rin kaming lumaki ni Eula.

"Eto na nga diba." at lumabas na kami ng bahay. Makikita mo talagang atat na ata na siyang makaalis.

Hindi kami ngayon mahahatid ni papa sa school kasi maaga pa siyang umalis sa trabaho niya kaya mag c-commute na lang kaming dalawa.

Agad naman kaming naghintay ng tricycle ng pinsan ko. Maya-maya pa ay may tricycle namang huminto sa amin.

"Let's go." at sumakay na kami ng tricycle.

Agad naman kaming tinanong ng driver. "Saan po ang punta natin?''

"Sa Eve Vèlla University (EVU) po, manong." sabi ni Eula sa tricycle driver, at tumango naman si Manong. 10 to 15 minutes lang naman yung byahe papuntang school mula dito sa bahay. Kaya lang pag traffic inaabot ng kalahating minuto.

Kinalabit naman ako ni Eula. "Wag na wag kang gagawa ng kalokohan do'n ha." pagbabanta pa niya sa akin Eula.

"Depends." at ngumisi ako sa kanya.

She sighed. "Nako, Veranice magkakaklase pa naman tayo, kaya siguraduhin mong mag b-behave ka dun mamaya." pag-papaalala pa niya pa sa akin."

I chuckled. "Chill, Eula."

"Don't chill, chill, me, Veranice. Kilala kita. Huwag na huwag mo akong idadamay sa mga kalokohan mo." at pinanglakihan niya pa ako ng mata.

"Yun na nga eh! Kilala mo ako, Eula!" and I laughed.

"Nako, talaga!" and she groaned. Kahit kailan talaga mainitin ang ulo nito.

Ilang minuto pa ay nakarating na rin kami sa bagong paaralan ko.

Jethro's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon