CHAPTER 41: Revelations.

24K 378 6
                                    

CHAPTER 41: Revelations.

 

“Oo, nandito kami sa park malapit sa bahay ko.Sige hihintayin kita.” – agad pinatay ni Tj ang cellphone niya pagkatapos tawagan si Matthew.

Alas Dos na ng madaling araw ng makabalik sila ni Alexis sa Manila, nagpaalam na din siya kela Melisa at sa mga magulang nito, dahil na rin sa pagkalasing ni Alexis kaya napilitan siyang bumalik na kaagad ng Maynila. Himbing na himbing ang tulog ng dalaga, matapos kasi ang pag uusap nila kanina ni Tj nakatulog na ito sa sala nila Melisa, binuhat nalang siya ni Tj para maisakay sa kotse.

Marahan hinaplos ni Tj ang buhok ni Alexis.. Naiinis si Tj sa sarili niya dahil kung hindi niya sana ito iniwan noon sana hindi ito masasaktan ng ganito.. Kitang kita niya na mahal talaga nito ang pinsan niyang si Matthew..

“I love you..” – bulong ni Tj sa dalaga na himbing na himbing parin sa pagtulog..

Maya maya lang may kumatok sa bintana ng kotse niya. Agad siyang bumaba ng makumpirma na si Matthew yun.

“Nasan siya?” – nag aalalang tanong ni Matthew sa pinsan.

“Nasa loob, tulog siya. Nalasing.” – sagot ni Tj.

Huminga ng malalim si Tj.

“Matthew, alam ko mahirap gawin, pero sa tingin ko dapat malaman na ni Alexis ang totoo tungkol sa Daddy niya.” – mahinang sabi ni Tj.

“Natatakot ako..natatakot ako nab aka kamuhian niya ako.” – sabi ni Matthew.

“Pero nasasaktan na si Alex! Matthew kailangan mong gawin yon, ayokong nakikitang nagkakaganyan siya! Alam mo bang sinisisi niya ko sa mga nangyayari sa buhay niya ngayon?! Siguro nga tama siya! dapat hindi ko siya iniwan para hindi siya nasasaktan ng ganito!” – sigaw ni Tj.

“Pero iniwan mo siya!! Mas pinili mong kunsintihin si Darryl!” – sagot ni Matthew.

“Dahil kailangan niya ko! Kailangan ako ng kapatid ko.. Matthew patay na si Darryl..” – mahinahong sabi ni Tj.

Halata sa mukha ni Matthew ang pagtataka, ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon si Tj na sabihin kay Matthew ang naging kalagayan ni Darryl. Sinabi niya kay Matthew ang tungkol sa sakit nito at kung kailan ito namatay.

“Bakit hindi mo sinabi sakin sa simula palang?” – inis na sabi ni Matthew sa pinsan niya, dahil kahit ganun si Darryl may pinagsamahan din sila.

“Ayaw ni Darryl ipaalam.. Matthew tama na pagsisinungaling.. Dahil sa kasinungalingan nasaktan ko si Alexis.. At pati narin sarili ko nasasaktan ko na.. Dahil ngayon ikaw na ang mahal niya at hindi na ako.. Dahil hanggang ngayon mahal ko parin siya!” – sabi ni Tj.

Numb is inTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon