CHAPTER 13

10.6K 476 31
                                    

[Aika]

"ANG ganda mo talaga, Aika." Ilang beses pa akong pinagmasdan ni Timmy at ang dalawa kong kaklase na tumutulong sa'kin sa pagbibihis. May inarkila rin silang make up artist para may make up sa'kin.

"Hindi ko akalain na may igaganda ka pala," sabi ng kaklase ko na si Beverly.

Nakasuot na ako ng gown at naka-ayos na rin ang buhok ko. Kulot-kulot din ang buhok ko. Ang gown na pinasuot sa'kin ay punong-puno ng bids at may hati sa gilid makikita ang legs ko.

"Kinakabahan ako," sabi ko.

"Wag kang kabahan, kaya mo iyan." Tinapik ako sa balikat ni Timmy.

"Girls, mag ready na kayo tatawagin na kayo isa-isa." Sabi ng babae.

"Good luck, Aika!" sabay ngiti ni Timmy.

Huminga ako ng malalim. "Thank you."

Sumunod ako sa candidates na nakapila. Pagkatapos narinig kong tinawag na ang mga candidates. Ang lakas ng kaba ko dahil sa naririnig kong ingay sa labas ng back stage.

"Aika, ikaw na ang tatawagin, be ready," sabi ng babae nag-assist sa'min.

Tumango ako at pagkatapos nag sign of the cross ako. Kayo na po ang bahala sa'kin.

"Candidate number sixteen miss Aika Cassidy Miketsukame."

Huminga ako ng malalim pagkatapos dahan-dahan akong lumabas sa back stage. Narinig ko ang malakas na hiyawan sa labas. Tulad ng turo sa'kin kailangan palagi akong nakangiti kaya naman kahit punong-puno ako ng kaba. Nakangiti pa rin ako. Rumampa ako sa stage.

"Good evening. My name is Aika Cassidy Miketsukame representing BS Psychology. Thank you!"

Nagpalakpakas silang lahat ngunit ang hindi ko inaasahan na makita sa audience ay si Ryuuji. Napatulala ako nang magtama ang mata namin. Saglit akong huminto pagkatapos muli akong naglakad upang rumampa bago bumalik ng back stage.

"Aika, ang galing-galing mo," sabi ni Timmy.

"Salamat," pilit akong ngumiti.

Umupo ako dahil para akong nanlambot nang makita ko si Ryuuji na nanonood.

Bakit nandito siya?

Muli akong nagpalit ng damit upang sumayaw namin kaming lahat ng mga candidates pagkatapos magkakaroon kami ng talent portion.
Sa tuwing lalabas ako ng stage mukha ni Ryuuji ang nakikita ko kaya feeling magkakamali ako.

Drama ang ginawa kong talent. Isang babae na iniwan ng asawa at namatayan ng anak. Pagkatapos nakulong dahil pinakulong ng amo hanggang sa tuluyan ng nabaliw. Iyon ang ginawa ko sa drama ko. Hindi ko tiningnan si Ryuuji noong nag talent ako dahil baka makalimutan ko ang linya ko.

"And now for swim suit competition."

Naghiyawan ang mga nanonood nang-i-announce ng emcee ang swim suit competition.

Lumapit sa'kin si Timmy at Beverly.
"Aika, maghubad ka na suotin mo na itong two piece na kulay red."

Lumapit pa sa'kin ang nagme-make up sa'kin upang palitan i-retouch ako at ayusing muli ang buhok ko.

"Hindi ko kayang magsuot ng two piece," sabi ko.

"Ngayon ka pa ba susuko? Nandito na tayo, Aika."

Tiningnan ko ang two piece na binili nila para sa'kin. Paano ako maglalakad sa labas na parang nakahubad na. Mama ko nga nahihiya akong magpakita ng naka-bra at panty lang pagkatapos dito sa pageant halos ibalandra ko ang katawan ko.

THE BADBOY'S FIRST KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon