Chapter 50

24.8K 882 37
                                    

Chapter 50

Nasa rooftop ako ng HUMSS building, nakatingin sa ibaba kung saan iba't-ibang istorya ng buhay ng tao ang hindi lantarang inihahayag sa iba. Mahigpit akong kumapit sa iron barrier at walang buhay na ngumiti.

Umalis ako sa opisina ni President nang saglit niya akong nabitawan kanina. I could still hear how he called my name many times. Hindi niya ako nahabol dahil piniit siya ng ina at ng kanyang mga kapatid. Mabuti na rin 'yon dahil gusto ko rin talagang mapag-isa.

My phone kept on ringing but I didn't answer his calls. Iisa lang ang pangalan na gusto kong lumitaw sa cell phone ko at 'yon ay ang sa kapatid ko.

Faerie.

Her words and solace could put my heart at ease. Pero sa ngayon ay hindi ko alam kung nasaan siya. Ni hindi ko alam kung gusto niya pa akong makita o makausap man lang.

Ayokong i-text siya o tawagan dahil natatakot ako sa kahit simpleng rejection lang mula sa kanya. Noong nakilala ko siya ay napilit niya akong magpatingin sa psychiatrist pero kalaunan ay ako na mismo ang tumigil pagpapa-check up at sa pag-attend sa treatments. I was diagnosed with Major Depressive Disorder.

I breathe out slowly and closed my eyes tight. My mind was in haywire. Kumalas ang hawak ko sa barrier at sumandal dito. Namalayan ko na lang na napaupo na ako.

Sinabunutan ko ang sarili. Maraming pumapasok sa isip ko lalo na kapag ganitong mag-isa ako.

"Ayoko na!" napasigaw ako. "Tangina, ayoko na!"

I felt the hot liquid cascade down my cheeks. Matindi ang pagkakasabunot ko sa sarili pero mas hinigpitan ko pa ito. Nanginginig ang mga kamay ko na kinuha ang cell phone ko sa bulsa. Nang hindi na nakapagpigil ay nakita ko na lang ang sarili na tinawagan si Faerie.

Tatlong ring ay sumagot siya.

"Hello?" aniya sa walang ganang boses.

Mapakla akong napangiti. "Wala ka ng gana makipag-usap sa akin? Iniiwasan mo ako, tama? Anong dahilan? Pagod ka na? Pagod ka nang intindihin ako?"

Hindi siya nagsalita. Pagak akong tumawa. Namamanhid ang mga kamay ko at hindi ko mapigilan ang galit na lumukob sa sistema ko.

"Sabagay, sino nga bang tatagal sa ugali ko? Ang akin lang sana kausapin mo ako nang maayos. Hindi ganito na para akong naiiwan sa ere. Akala ko may pakialam ka sa akin, pero bakit pakiramdam ko nag-iiba na? Iiwan mo na rin ako?"

Nanginig ang katawan ko. Ni hindi ko na maintindihan ang mga salitang lumalabas sa bibig ko.

"Nasaan ka?"

Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko na nabasag ang boses niya.

"Nandito sa school ang pamilya ni President. Diring-diri sa akin ang Mama nila." Marahas kong pinunasan ang luha ko. "Kahapon si Meave, hinalikan siya. Tapos ikaw, ilang araw ng pakiramdam ko na nilalayuan ako."

"Amity, calm down. Tell me where you are."

Umiling ako. "Doon ka na sa bago mong katrabaho. Siguro nga mas mabuti kung hindi na ako ang nakakasama mo kasi toxic ako, 'di ba? Puro lungkot lang ang naidudulot ko sa 'yo. Sakit ng ulo kapag may ginagawa ako na hindi mo gusto. Sama ng loob kapag pinalalayo kita sa akin."

Kahit anong pigil ko sa aking hikbi ay kumakawala pa rin.

"Have you decided? Napag-isip-isip mo na ba na tama ako?"

"Amity, 'wag kang ganyan, please. Sabihin mo sa Ate kung nasaan ka, pupuntahan kita. Hintayin mo ako."

Nagpatuloy ako sa paglalabas ng sama ng loob. "Gustung-gusto kitang makasama kagabi. Gustung-gusto kitang makita. Pero wala akong magawa kasi nga baka pagod ka na."

The Charm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon