Dreamer : Chapter Eight

5 0 0
                                    

A/N: SORRY FOR THE LATE UPDATE HEHEHE. WALA PO KASING LOAD EH




ENJOY! MWUAPS!


~~~~
Chapter 8

Jungkook's POV

"Yoongi hyung dito nalang din ako" hindi ko na hinintay 'yung sagot niya at pinasok ko na 'yung mga gamit ko.

Kakarating lang namin nila madie galing doon sa tinirhan namin nung isang araw.

Minsan para akong nako-konsensya pag madie lang tawag ko kay madie unnie. Parang kagaya din siya ni yannah wag na daw namin siyang tawaging unnie, tsaka nasanay na din siguro ako/kami. Ang tagal na din naming staff si madie eh. Minsan nga siya pa nag tuturo ng choreo kay seokjin hyung.

Hindi na talaga 'ko makapaghintay sa debut namin. Ano kayang mangyayari?

Pagkalabas ko do'n sa kwarto namin ni yoongi hyung bumungad sa'kin si seokjin hyung na naka topless tapos shorts niya nalang yung suot niya. Mukha siyang buto-buto.

"Bakit ka naka topless hyung?" tinignan ko ulit yung suot niya.

"May swimming pool sa likod, hindi mo alam?" pagka-sabi niya nun ay tumakbo na siya.

Tinignan ko naman yung glassed wall papuntang backyard. May pool nga, tapos parang may small garden pa. Ang ganda.

Agad-agad akong bumalik sa kwarto at kinuha 'yung cellphone ko. Ang ganda ang sarap kumuha ng mga picture.

"Jungkookshii" rinig kong sigaw ni jiminshi mula sa sala.

Agad-agad akong lumbas ng kwarto dala-dala yung cellphone ko at nakita ko naman agad si jimin hyung na naka sando at shorts lang.

"Tara ligo tayo!" pagkasabi niya nun eh tumakbo na din siya papuntang swimming pool, parang si seokjin hyung lang din.

Lumabas na 'ko at ando'n sa pool si seokjin at jimin hyung. Si hoseok hyung naman ando'n sa mini graden, nakaupo siya sa isang swing.

Nilibot ko ang mata ko at ang ganda dito. Ang fresh ng hangin. Umupo ako sa isang bench at tinignan 'yung langit. Natatakpan ng ulap 'yung araw kaya hindi masakit sa mata na tignan yung langit.

"Jungkook nakita mo ba si taehyung at yannah?" nagulat ako kay namjoon hyung na bigla nalang sumulpot sa tabi ko.

"Hindi ko pa sila nakikita simula nung pagdating natin dito"

"Nasa'n kaya sila?" hinihimas-himas pa ni namjoon hyung yung baba niya.

"Ah alam ko na! Tulog ka ata nun eh nung nag-uusap silang dalawa kung saan daw ba gustong pumunta ni yannah" napatingin naman agad sa'kin si namjoon hyung. "Sabi ni yannah gusto niya lang daw mag-pahangin, tapos narinig ko kay madie may malapit daw na park dito kaya baka ando'n sila"

"Asan 'yung park?" curious na curious si namjoon hyung ah.

"Lakad ka lang ng diretso pag-labas mo ng bahay, tapos kanan ka tapos alam ko makikita mo na 'yung park" pagkasabi ko nun eh umalis na agad siya.

Bakit ba gustong-gusto niyang makita si taehyung at yannah? Hay nako ewan ko sakanila.

Humiga nalang ako dito sa bench at tinignan nalang ulet yung langit.

Dreamer [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon